Heather
"Symbolize goodluck, admiration and protection. It can be both used in home decor for attracting good luck and positive energy into your home."
Rad/Rale Pov
Patungo sana kami ng anak ko sa tabing ilog para panoorin ang pagsikat ng araw kaso late kami nagising ng Anak ko. Actually, ako pala yung late ang gising. I'm not fan of early wake up that's why we missed the sunrise.
Nainis sakin ang Anak ko. Kaya sabi ko mamaya manonood kami ng sunset sa kabila para naman makabawi ako. Pero nagtungo parin naman kami ng Anak ko sa tabing ilog magtambay. Mamaya ko pa siya ipapasok sa Sevenity School pang hapon siya. Dahil nga late ako lagi nagigising sa umaga. Baka late din ito palagi sa pagpasok sa paaralan. Nakakahiya naman sa guro.
Masaya kaming naghahabulan ng bata. Nakakagaan ng pakiramdam ang pagtawa nito. Mga halakhak nito na kay sarap pakinggan. She's really my saviour that's why I keep her by my side no matter what.
Napatigil ako ng may namataan akong papalapit sa gawi namin ng Anak ko. Baka galing din Ito sa ilog. Pero mas nagulat ako ng mamukhaan kong si Leyanna ang babaeng makakasalubong namin. Napanganga pa ako sa pagkagulat. As in gulat na gulat ako ang akala ko nasa Pampanga ito. Dahil doon na sila nakatira ngayon. I also plan na bisitahin sana siya doon.
Gagong Noven yun ah. Bakit hindi niya sinabing nandito si Leyanna. Nililigawan parin ba niya ang babaeng Mahal ko. "Ay wow Mahal ko pero iniwan mo. Gago lang!" sita ng utak ko.
"I know it's my fault. I make it up to her. I want to pursue her no matter what. Gagawin ko ang lahat mapatawad lang niya ako." sabi ko naman sa isipan ko.
Pero mas nagulat ako ng tawagin ng Anak ko na Mama ito. Wala pa naman akong sinasabi na Mama nito. Wala din akong pinapakita na picture. Dahil gusto ko na munang maayos ko ang problema ko. At maging maayos kami ni Leyanna. Pero nasira at nagulo ang plano ko ng tawagin niya itong Mama. Iginiit pa nito na Mama niya si Leyanna.
Giniit din ni Leyanna na hindi siya ang Mama nito. Naawa na ako sa Bata ng umiyak na ito ng malakas. Lalo na ang sabihin nitong walang nagmamahal saknya kundi ako lang. Gusto din daw nito na Mahal siya ng Mama nito.
Sinuway ko na Ito at hinawakan pero nagwawala na. Gusto talaga nito si Leyanna. Lumakas pa lalo ang iyak nito ng maglakad na paalis si Leyanna. Hinabol ng Bata at nagmamakaawa na ang boses nito. Nahabag naman ako at gusto kong ilayo na para matigil na sa pag iyak. Pero napatigil ako ng balikan ni Leyanna ang Bata at kinarga nito ang Anak ko. Yumakap agad ang Bata kay Leyanna.
Alam kong galit na galit parin Ito sakin. Pero kahit gaano pa Ito kagalit sakin salamat parin dahil may awa parin ito sa Bata. Hindi niya dinamay sa inis at galit sakin. Nagsimula na siyang maglakad ng matigil ulit Ito at lumingon sakin. Sinabing siya na muna ang bahala sa Bata.
"Salamat kukunin ko siya around 1:30 mamaya." sabi ko pero hindi na niya ako pinansin pa. Napabuntong hininga na lang ako.
Alam kong mahihirapan akong suyuin Ito. Pero gagawin ko ang makakaya ko bumalik lang siya sakin.
Sinundan ko silang dalawa hanggang sa may flower shop. Nang makapasok na sila sa loob ay nagtungo na ako sa Sevenity School para ipa-register ang pangalan ng Anak ko sa daycare. Kahit saling pusa lang muna para hindi maboring dito at matuto sa mga basic words at tagalog.
Recess time na pala ng mga Bata sa paaralan sakto lang pala ang dating ko. Tamang tama lang para makausap ko na ang teacher ng day care. Mamaya ko na kasi ipasok sa paaralan ang Anak ko. Excited itong pumasok naka handa na din ang bag nito na gagamitin para sa pagpasok nito sa day care mamaya. Suppose na umaga lang ang daycare pero ginawa na naming hanggang hapon. 7:30 to 4:30.
Patungo na ako sa opisina ng principal ng may namataan akong Bata na very pamilyar sakin. Tumigil ako para matitigan ko kung tama ba ang nakikita ko. Oh, the little boy na gusto akong maging Papa niya. Natawa pa ako that time na feeling close na kaming dalawa. Ano nga ulit ang pangalan nito? Tanong ko pa sa isipan ko.
Parang sabik na hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko ng bigla itong natigil sa pagtakbo at napalingon sa gawi ko. Naglalaro kasi sila ng mga kasama nitong mga bata. Bahagyan pa itong napanganga ng makita ako. Napangiti naman ako sa reaksyon nito. Tumakbo itong papalapit sakin habang kinakawayan niya ako. Kinawayan ko din siya pabalik.
"Halla, Tito Dart ka po di ba? Hello po?" masayang tanong nito sakin sabay bati.
"Yes buddy. What's your name again?" magiliw kong tanong sa Bata.
"Rale po. Pero Radleigh po talaga ang totoo ko pong pangalan." masaya nitong sagot.
"Oh yes I remember you. How are you? Hindi ko alam na dito ka pala nag-aaral na ngayon."
"Mabuti naman po ako Tito. Masaya sa bagong lugar na Ito. Wala ng bad na tao na kukuha sakin at mang aaway kay Mama ko." sagot naman nito.
"Ilang taon kana ha?" tanong ko naman curious lang ako.
"Eight na po ako. Grade Two po." sagot nito sakin.
"Sino ang ma---" napatigil ako sa pagtatanong ng tinawag na siya ng teacher nito.
"Goodmorning po Sir Dart." bati agad nito sakin.
"Goodmorning too Mrs. Buen. The principal is in her office?" tanong ko.
"Yes Sir."
"Okay thank you. See you later little boy." sabay gulo ko sa ulo nito.
"Opo. Ba-bye po." nakangiti naman akong kumaway saknya.
Nagmadali na akong nagtungo sa opisina ng principal. Dito na lang muna ako magtambay. Tutulong na lang ako sa paghahanda ng mga pagkain ng mga Bata for lunch. Hindi naman siguro pababayaan ni Yanna ang Bata.
Gusto ko itong makausap ng masinsinan. Dahil nagulo naman na ang plano ko dahil kay baby Lea. Hindi ko parin talaga akalain na tatawagin niya itong Mama. At higit sa lahat nakatira siya dito. Sa flower shop pa mismo Ito nakatira. Small world talaga.
Pagkapasok ko sa opisina ng principal ay bahagyan pa itong nagulat pagkapasok ko. Natawa naman ako sa reaksyon nito. Tita ito ni Jupiter na kaibigan ko. Retired teacher Ito at tinanggap nito ang offer namin na maging principal dito sa Sevenity School.
"Kumusta po Tita?" sabay halik ko sa pisngi nito.
"Kelan ka pa dumating dito sa Pilipinas Hijo?" magiliw nitong tanong sakin.
"Two weeks na po yata Tita."
"Buti napadalaw ka dito. Kumusta ang mag-ina mo?" usisa nito.
"Anak ko lang ang kasama ko Tita. Dito na kami titira ng Anak ko. Gusto ko sana siyang ipa-register dito. Pang hapon na daycare po." sabi ko naman.
Nasense yata nitong may something kaya hindi na nagtanong pa. About sa pag aaral na lang ng bata ang pinag-usapan naming dalawa. Nagtanong tanong na din ako sa mga needs pang i-improve dito sa paaralan. Mga pangangailan nila and more. Sinabi naman niya ang suggestions at need pa ng paaralan. Kaya sa next week magpapameeting daw Ito at dapat present kaming pito para sa sarili naming opinion sa isa-suggest nito.
Nagpaalam na ako ng tapos na kaming nag-usap ni Tita. Pumunta naman ako sa kusina ng paaralan. Nag inspection na rin ako sa kapaligiran dahil kailangan na panatilihin ang cleanliness at hygiene sa buong paligid sa area na Ito. Lalo na at dito niluluto lahat ng pagkain ng mga Bata. Iniimbak na pagkain and all. Kailangan malinis ang lugar sa lahat ng oras para iwas sakit.
Sinisiguro din daw nila na walang masasayang na pagkain. Hindi na nila nirereheat ang mga tirang pagkain para ipakain ulit bukas. Yun kasi ang sabi namin na bawal ang magsayang ng mga pagkain. Kung may tira at hindi naubos ibigay sa mga trabahador sa vegetables garden na malapit lang din dito banda. Or pwede nilang iuwi na lang para mapakinabangan pa kisa itapon.
Food is the most important thing in the world and water kaya bawal ang magsayang ng pagkain. Lunch time na at nagsilabasan na ang mga bata sa mga classroom nila para kumain. Malawak and covered court canteen sa tabi lang din dito sa cooking area.
Natutuwa ako na dumarami na ang mga estudyante dito. At may pinapatayo pa kaming mga building for high school naman. Lahat ng kita para sa Sevenity Club ay dito namin inilaan. Para sa mga kabataan na gustong mag-aral. We also have the charity foundation for adults naman iyon. Sa kabilang kalupaan namin. Maganda ang view doon for the elderly.
May nagbebenta na naman ng lupa sa amin malapit lang din dito. At naisip namin na idugtong dito sa Sevenity Club at gawin namin Sevenity park and Sevenity Zoo. Para dagdag income for the tourist attractions na rin. We have a lot of plan para mapaganda lalo ang lugar. And we slowly working for it. Pero ang pinaka importante ay ang safety ng mga turista at mga Tao dito sa loob. Kaya mahigpit and security namin dito.
"Hey buddy." bati ko sa batang si Rale.
"Hello po. Kakain na po kami." matamis pa itong ngumiti.
"Go take your food now. Eatwell okay." ngiti ko din. Tumango naman ito at nakatingin na sa mga pagkain. Parang wala itong gusto sa mga ulam na nakahilera.
"What do you want to eat Rale?" tanong ko ng hindi na ako nakatiis. Dahil Isa-isa nitong tinignan ang mga ulam at wala pang nagugustuhan na pagkain.
"Ayaw mo ba sa pagkain ha?" tanong ko ulit.
"Nako Sir, pihikan po sa pagkain ang batang iyan. Sabi pa ng Mama nito na hayaan daw namin na siya ang pumili sa pagkain na gusto niya. Basta wag daw po namin bigyan ng Manok at itlog. May allergy daw po kasi ang Bata. Ayaw din niya ng puting kanin Sir. Kaya sabi ng principal itry namin magluto ng brown o red rice. Baka daw gusto niya. Ayon po gusto po niya. Minsan sa sandwich siya kumukuha ng lunch niya. Pero pinipigilan namin dahil gusto po namin na kumain siya ng tama sa tanghali sir." mahabang paliwanag ng isang kusinera namin dito.
Napatingin ako sa Bata. Agad naman itong nagyuko ng ulo. Ganitong ganito ako noong bata ako. Well, hanggang ngayon parin naman. Ayoko talaga sa white rice kaya sa brown rice at red rice din ang mas gusto ko kainin. And take note same kami na may allergy sa manok at moderate lang sa itlog. Mas gusto ko sa gulay pero pili lang din. Sa vegetables salad ako mahilig.
"That's okay Rale. Ang importante ay nakakakain ka parin naman. Ang masama ay yung walang laman ang tiyan. Come here Rale, let's eat together." aya ko sa bata. Nahihiya naman na lumapit na sakin. Baka dahil sa sinabi ng kusinera na pihikan Ito sa pagkain. Kaya biglang nahiya ang Bata.
Sa dulo kami pumwesto na dalawa. Pinagtitinginan ng ilang kabataan ang batang kasama ko. Nagpahatid ako ng sinigang na bangus, brown rice, ginisang repolyo at adobong karne ng baboy. Iyon lang ang pagkain namin na dalawa. I'm sure gusto nito ang pagkain na pinakuha ko sa kusinera.
"Do you like the food?" tanong ko.
"Opo. Nag-uulam po ako niyan. Isa sa peborit ko po ang sinigang na bangus. Tsaka yan po adobo baboy." sabay turo sa mga ulam na nasa harapan namin. Napangiti ako same kami ng peborit na ulam.
"That's good. Let's eat na." masaya kong sambit.
Nagkukwentuhan kami habang kumakain. Nagkwento din about sa ginagawa nila ng Mama nito kapag wala itong pasok. Nakikinig lang din ako.
Tumutulong siya sa pagtinda ng bulaklak at nagba-vlog silang mag-ina. Tama kaya ang hinala kong si Leyanna ang tinutukoy nito na Mama niya. Nilagay niya sa isipan niya ang YouTube channel na sinasabi nito. Marami daw sila duet cover songs ng Mama nito. Panoorin ko daw. I-search ko nga 'to mamaya.
Napangiti ako ng magana itong kumain. Naubos namin ang lahat ng ulam at yung kanin. Sinabi ko na ihahatid ko na siya mamaya pag-uwi. Umaliwalas naman ang mukha nitong sumang-ayon agad. Tuwang tuwa pa nga Ito. Napatitig ako bigla sa bata ng parang nakikita ko ang itsura ko sa kaniya noong Bata pa ako.
Kinabahan na ako na hindi mawari na baka may ugnayan kaming dalawa ng batang Ito. Kahawig din siya ni Leyanna. Kailangan kong makompirma kung totoo nga ang hinala ko.
****
Habang hinihintay ko si Rale, ay nag-search na ako sa YouTube sa sinasabi nitong channel nila. 'Mama and Son Fun Time'. Ang sinabi ni Rale na YouTube channel nila ng Mama niya.
"Wow." bulalas ko. Ang dami kasi nilang subscribers at malapit na silang mag-Three hundred thousand subscribers. Million views pa yung ibang video nila pero nangunot noo ako bakit naka-maskara sila at likod or katawan lang ang napapakita. Hindi nila nire-reveal ang mukha nilang mag-ina. And sure akong si Leyanna Ito dahil sa boses niya.
Oh God! Bulalas ko pa.
Nagplay ako ng duet ng mag Ina. Napili ko yung 'You'll be in my heart' ang title ng kanta. Simula palang ang intro nilang dalawa ay parang pinipiga na ang puso ko. Lalo na ang sinabi nitong 'please don't skip the ads para macount ang view niyo. Tulong niyo na Ito samin na mag-ina.' Ito ba ang pinagkukuhanan nila ng pera ang mag-vlog? Bakit... Bakit hindi niya sinabi sakin na may Anak pala kami. Sure akong Anak namin si Rale.
"Paano niya sasabihin ng hindi ka naman na nagparamdam saknya. Nag-eenjoy kang nambababae sa ibang bansa. Ang pinaka-worst pa ay nagpakasal ka sa iba ng wala man lang kayong maayos na hiwalayan. Iniwan mo siya sa ere, Gago! Sobrang sakit kaya yung umuwi ka ng Pilipinas na hindi siya ang inuwian mo. Ang malala pa sa iba ka nagpakasal. Pinaghintay mo siya sa wala. Siguradong masakit na masakit saknya na makita kang ikinasal mismo sa simbahan. Di ba ang super Gago mo!" sita ng utak ko.
"Yeah my fault. I know, I know Gago ako. Kaya gagawin ko ang lahat mapatawad lang niya ako." bulong ko sa sarili.
"Tito Dart, uwian na namin." matinis na sigaw ng Bata. Nagulat pa ako at hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase nila.
Pagkalapit nito sakin ay niyakap ko Ito ng mahigpit. Alam kong nagtataka ito pero gusto ko lang itong yakapin.
"Bakit po? May problema ka po ba Tito Dart?" tanong nito pero hindi ako umimik. "Sige lang po yakapin mo lang po ako. Si Mama ko niyayakap din niya ako kapag malungkot siya O may problema po siya. Lalo na kapag bigla na lang po siya iiyak. Gumagaan daw pakiramdam niya kapag yumayakap siya sakin." mahabang sambit nito.
Napaluha na ako bigla pero pinunasan ko agad ang luhang tumulo sa pisngi ko. Pinigilan kong wag makagawa ng tunog mula sa labi ko. Kumalas na ako sa kaniya. Iginiya ko na siya sa shuttle bus na naghihintay ng mga estudyante na sasakay.
Pinasaya ko ang mood ko para hindi niya ako mahalata.