Azalea
"some cultures believe the flower symbolises taking care of yourself and those around you. Additionally, sharing it with a loved one is an ideal way to communicate your affections."
Leyanna Pov
Lunes ngayon at off day ko sa flower shop. Ako na ang nag set ng sarili kong pahinga sa flower shop. Pagod kasi ako kapag Sunday maraming gawain lalo na sa Chapel, taga-arrange ako ng bulaklak sa harapan every Sunday ko iyon pinapalitan. Nine ng umaga ang start ng mesa at five ng hapon naman ang second mass.
Isa ang Anak ko na singer sa simbahan at natutuwa ako saknya dahil very attentive siya. Sabado naman ang practice nila sa pagkanta sa harapan. Siya ang pinakabata sa lahat. Natutuwa sila dahil maganda naman talaga kasi ang boses ng Anak ko. Proud mother here.
Mainit na kaya nagpasya na akong umalis dito sa tabing ilog. Pinanood ko lang yung sunrise na bumangon. Ang ganda kaya kinuhanan ko ng video. I-upload ko maya sa YouTube channel ko. Yung sunset naman malayo dito sa dulo pa yun. Maganda lahat ng sulok ng lugar na Ito. Walang tapon lahat magaganda ang view at lugar na pasyalan. Kaya hindi lugi ang mga turista dito. Swerte din kami ng Anak ko dahil Isa kami sa mapalad na nakapasok dito sa malaparaisong lugar.
Mabagal akong tumatakbo napapatingin ako sa mga nagga-guwapuhan na nakasakay sa kabayo. Ang kikisig nila sarap yakapin. Hanggang imagine na lang ako dahil may nagbabawal na sakin. Napabuntong hininga ako. Kaya pinagpatuloy ko na lang ang mabagal na pagtakbo pauwi ng flower shop ko.
Umupo ako saglit sa nakita kong upuan doon sa isang puno. Umupo ako sabay unat ang mga paa at kamay ko. Tumingala ako sa langit napatitig ako sa mga ulap. Bigla kong namiss ang taong napakatagal ng hindi ko nakikita. Bigla ko na lang siyang naalala nandito parin yung pagmamahal ko saknya. Lalo na ang sakit ng pag-iwan nito sakin at nagpakasal sa iba. Sumikip ang dibdib ko ng makaramdam na naman ako ng sakit.
Huminga ako ng malalim bago sana tatayo na at magpatuloy sa pagtakbo pauwi na. Napatigil ako ng makita ko ang isang batang napaka-cute. Tumatakbo na tuwang tuwa. Kasama pala nito ang ama nito. Nakasombrero at sunglasses ang lalaki, pero kumabog bigla ang puso ko ng napatingin Ito sa gawi ko. Alam kong nakatingin ito sakin.
Napatigil ito at bahagyan napanganga pa. God. Si Rad ba 'to? Yung kasama niyang bata Anak na ba niya ito? Ito na ba ang Anak nila ng Asawa niya? Ang gandang Bata. Napatingin din sakin ang Bata at same reaction sila ng Ama niya.
"Mama? Mama ko?" sabay takbo at lumapit sakin. Nalito ako sa pagtawag nito sakin ng Mama.
"No baby. Hindi ako ang Mama mo." tanggi ko agad.
"Yes ekaw Mama ko. Mama keta!" inawat ito ng lalaki kaso lumapit na sakin ang Bata at agad yumakap sa mga binti ko.
"I'm sorry pero hindi kita kilala baby. Hindi ako Mama mo baby. Namamalik mata ka lang siguro." mahinahon kong sabi sa bata.
"Didi, she's my Mama right? Why she doesn't recognize me Didi?" nanunubig na ang mga mata ng Bata. Naawa naman ako.
"Baka kamukha ko lang ang Mama mo baby. I'm sorry okay." yumuko ako para makita ko ang mukha nito. Nakatingala din pala Ito sakin. Punong puno na ng luha ang mga mata nito nagbabadya ng mahulog.
"I know you're my Mama. I recognise your face and I saw the small mole in your upper lips Mama. I know its you, I know you are my mother. You are my Mama. Mama keta." giit ng bata. Nahabag na ako ng nagtuluan na ang mga luha sa mga mata nito.
Lumingon ako sa lalaking kasama nito. Sobrang gulat ko ng makita ko na ang mukha ng lalaki. Tama nga ang hinala ko si Rad nga 'to. Halo-halo na ang nararamdaman ko. Pagkamiss, pangungulila saknya na hindi naman dapat ko Ito maramdaman pa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang aming mga mata. Pero kalaunan ay sumage sa isipan ko na kasal na pala Ito. Hindi ko na Ito pwedeng mahalin. Hindi na dapat ako makaramdam ng kahit ano saknya.
"Yanna." pagtawag pa nito sa pangalan ko na parang nagulat din na makita niya ako dito. Pero hindi ko siya pinansin.
Bakit nandito Ito dito sa Sevenity Club? Oh, nakalimutan kong kaibigan pala ito ni Noven. Pero nasaan ang Asawa nito? Bakit ako ang tinatawag nitong Mama? Paanong ako ang Mama niya?
Yung inis at galit ko saknya ay bumalik na naman. Gagawa gawa sila ng Anak tapos ako ang sasabihin nilang Ina ng ginawa nilang Bata. Nasaan ba ang Ina nito? Gusto ko na namang lumuha. Sobra-sobra na ang pasakit na binibigay nito sakin. Pati ang obligasyon ng iba sakin niya pinapasa. Ang gago niya.
Bumitaw na sakin ang Bata pero ang paningin nito ay nasa sakin parin. Sumisinok sanhi ng pag-iyak nito. Gusto kong haplosin ang ulo nito pero pinigilan ko ang sarili.
Gusto kong awayin ang gagong 'to kaso ayokong marinig ng Bata ang sasabihin ko. Kahit pa ramdam ko hindi Ito gaano marunong sa tagalog pero alam kong nakakaintindi Ito. Ayoko naman na madamay ito at masaktan ko ang damdamin nito. Wala itong kasalanan para idamay ko sa inis ko sa ama nito.
Umirap ako sa inis sa kaniya. Mabilis na akong humakbang palayo sa kanila. Kaso umiiyak akong hinahabol ng Bata.
"Mama. Mama!" umiiyak na nitong sigaw sa pagtawag sakin. Pati ako naiiyak na din dahil sa awa sa Bata. Anong gagawin ko? Sh!t lang talaga ang lalaking Ito.
"Ayaw you saken po? Walang naglove love po saken M-mama. My Lolo and Lola doesn't like me too. Why... why you doesn't like m-me too. I'm always g-good girl po. Lage me nag... nag listening kay Didi para malike mo po ako Mama." hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pati ako naiyak na din. Naawa ako sa Bata at gusto ko itong patahanin. Ayokong may mga batang umiiyak at nasasaktan ako. Sumisikip ang dibdib ko.
"Lea, that's enough. Come here." rinig kong tawag ni Rad sa Bata.
"No!" sigaw ng Bata. "I want my Mama. You said she like me but you lied Didi. She doesn't like me. My mama does not love me. No one loves me only you, Didi. I want my mama to love me too. Mama!" malakas na nitong iyak.
Nalilito ako kung ano ang gagawin ko. Kung kukunin ko ba siya o iiwan na lang. Hindi ko naman Ito Anak at hindi ko naman siya obligasyon. Kaso sobrang naaawa na ako sa Bata dahil sa malakas nitong pag iyak. Baka madehydrate wala pa naman akong dalang tubig. Ayaw nitong pahawak sa ama nito at ako talaga ang gusto niya.
Hindi na ako nakatiis at binalikan ko ang Bata. Kinarga ko na Ito agad at niyakap. Agad naman itong yumakap sakin ng mahigpit at ramdam ko parin ang pag iyak nito.
"Shhhh... tahan na baby. I'm sorry okay. Tahan na." alo ko na sa Bata.
Nagsimula na din akong maglakad at hindi ko na pinansin pa ang gagong lalaki na 'to. Sumisinok sinok parin ito dahil sa pag-iyak. Naawa naman ako saknya. Kaya sino ba naman ako para iwan itong kawawa na umiiyak. Hindi iyon kaya ng puso ko. Tumigil ako saglit para kausapin parin ang gagong 'to.
"Hayaan mo na muna siya sakin. Kunin mo na lang siya mamaya sa flower shop." sabi ko at naglakad na ulit ako. Hindi ko na pinansin ang sinabi nito. I don't care.
"Y-you do not know me po?" mahina na tanong ng bata sakin.
"I'm sorry baby. Ngayon lang kita nakita. Nakakaintindi ka ba ng tagalog ha?"
"Uhnmm.. not really po. Intindi a little lang po. I speak tagalog little lang din Mama." sagot nito. Ang cute naman talaga ang pagsasalita nito ng mix tagalog at english. Pati ang accent nito sosyal.
So mag-english ako ganun ba? Sumasakit na naman ang ulo ko. Hindi naman pala masyado nakakaintindi ng tagalog. Bahala na nga.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa labas ng flower shop ko. Binaba ko na muna ang Bata para mabuksan ko ang pinto. Pero kumapit agad Ito sa mga binti ko. Takot na sigurong iwan ko ulit. Kaya hinaplos ko na ang ulo nito. Tumingala naman ito sakin. Bakas parin ang luha sa mga mata nito. Kaya nginitian ko na Ito. Lumiwanag naman ang mukha nito sa pagngiti ko lang.
"I just uhm.. want to open this door. Para maka get in tayo." haynako. Kaya mo yan Yanna.
"Wow, it's so beautiful here po. So many flowers." bulalas ng Bata ng nakapasok na kami dito sa loob.
"I selling those flowers baby." ngiti ko naman na sagot. Hindi na muna ako nagbukas dahil off day ko naman ngayon.
"You eat na ba baby?" tanong ko.
"Yes po. I early eat cereal with banana po." sagot din nito.
Mag pancakes banana ako ngayon para sa breakfast ko. Cereal din ang kinain ng Anak ko kanina. Bigla akong napatigil na naman. Halla, paano na kaya ito. Bagong problema na naman ang dumating sakin. Ayokong makita ni Rad na kasama ko ang Anak kong si Rale dito. Ayoko na silang magkita pa ulit. Pero paano na? Anong gagawin ko? Nandito lang kami sa iisang lugar. And I'm sure makikita parin niya kami ng Anak ko na magkasama. Napatampal ako sa noo ko. Big problem is coming.
"What's wrong po Mama?" tanong ng Bata.
"Nothing baby. Don't mind me. May mosquito in my noo. That's why I slap it." sabi ko na lang.
Binuhat ko ito at pinaupo sa isang upuan. Kumuha ako ng tubig at pinainom ko na muna ito.
"You okay na?" tanong ko pa.
Tumango naman ito at ngumiti sakin. Napangiti na din ako. Hindi mo talaga ito matatanggihan dahil sa kacute'an nito. Very charming and so adorable baby. Ang ganda-ganda niya. Pero hindi naman kamukha ng impakta nitong Mama. Hindi rin kamukha ng Gago nitong Papa.
"Do you think baby we same pretty ha?" tanong kong nakangiti dito. Para gumaan naman ang pakiramdam ng Bata. Naawa ako kanina ng sabihin nitong walang nagmamahal saknya. Kahit ang Lolo at Lola nito ayaw sakanya. Bakit naman gan'on kawawa naman ang Bata.
"Yes you pretty po. I'm maganda din." sagot naman nito.
"What's your name baby?" tanong ko pa.
"Lily Azalea Osmeler po Mama. You really don't know me po?" may lungkot na naman Ito sa kanyang mga mata.
"I'm sorry baby, don't be sad na. At least now we met already and we know each other na. I'm Leyanna you can call me Ate Yanna okay?" umiling Ito agad.
"I call you Mama Yanna. Your my Mama not Ate. Mama po kita eh." malungkot pa itong nagyuko ng ulo. Bumuntong hininga ako ng malalim.
"How you know that I'm your Mama?" usisa ko.
"I saw your picture in Didi wallet po. But my Didi, doesn't know that I saw your picture in his wallet. I.. I have never seen my Mama and I know that it's you my Mama. I can felt it. Hindi mo po feel na I'm your daughter Mama?" yung boses nito na parang nagmamakaawa. Nasasaktan na naman ako para sa Batang ito. Hayzt!
Ginugulo na naman ng lalaking Ito ang tahimik kong buhay. I hate him!
"Your Didi never say anything about your Mama?" tanong ko.
"No. He just said that my Mama loves me. That's all." ngumuso pa Ito.
Bumuntong hininga na naman ako. Bakit ba kasi naglalagay pa ito ng picture ko sa wallet nito para saan pa. Pinagbibintangan ko pa naman sa isipan ko na baka tinuruan nito ang bata. Hindi naman pala. Haynako.
"You telling the true?"
"Yes po. My Didi said it's bad to lie. I'm telling the truth po Mama."
Telling the truth pala ang correct word. Tsee!
"Okay. So you want to eat some banana pancake?" magiliw ko ng tanong sa Bata. Tumango naman Ito. Wait baka may mga allergy ito sa pagkain.
"You know allergy the itchy skin. Do you have allergies sa food?" tanong ko.
"Wala po. I eat pancakes also Mama."
"Okay. Pancakes it's here. Let's eat na. I'm tired speaking english and I'm hungry na." natatawa kong sabi. Napahagikhik din Ito ng mahina. Ang cute-cute talaga ng batang Ito. Malusog Ito at ang cute ng pisngi nito sarap panggigilan.
Masaya silang kumakain na ng pancakes. Balak ko pa sanang maglaba ng damit namin ng anak ko. Kaso may alaga naman akong napaka-cute na baby. Mamayang hapon na lang siguro. Kapag kinuha na ang Bata sakin ng Gago nitong ama.
Ala una ang umuwian ng Anak ko. May mga electric car naman o shuttle bus na pwedeng sakyan ng anak ko. Hindi ko na Ito hinahatid at sinusundo. Malaki na daw siya at kaya na niyang umuwi mag-isa. Big boy na talaga ang Anak ko. Hinayaan ko na lang din dahil safe naman dito. Yun lang kung madapa or may masamang mangyari walang makakakita. Pero sabi naman ni Noven maraming cctv camera dito. Kaya safe ang lahat dahil nakamonitor bawat sulok ng lugar na Ito.