Irises
"iris have plenty of symbolic meanings that make them great flower to send friends. One of their main meanings is trust, but they also symbolise faith, courage, hope, and wisdom. Perfect for telling someone special how much you admire them and value their friendship."
Leyanna/ Noven Pov
One week nasa Pampanga ang anak ko. Holiday kasi nila at namiss na daw niya ang Lolo at Lola niya. Kaya hinatid ko na muna siya doon para makapagbakasyon din ang anak ko. Stress sa school dahil matatalino daw ang mga kaklase niya kaya dapat matalino din siya.
"Mama, masaya ka ba kahit hindi ako mag Top One?" Ito ang tanong nito sakin noon habang pauwi na kami sa Pampanga para ihatid doon ang Anak ko.
"Anak ang mahalaga kay Mama ay may natututunan ka sa paaralan. Hindi mahalaga sakin kung may honour ka o wala. Ang gusto ko lang ay yung may natututunan ka sa loob ng klase niyo. At nag-eenjoy ka sa pag-aaral. Wag mong i-pressure ang sarili mo Anak ha. Kasi kay Mama palang number one ka na sakin. You are the best, bester, and the bestest for me anak. You're the beast!" masaya ko pang bulalas.
"Mama mali yung pagbigkas mo sa best po. Hindi po beast! Best ay pinakamagaling, pwede din pinakamabuti. Ang beast naman ay hayop, mabangis na hayop, pwede din masamang tao po. Gan'on po iba yung best sa beast." pagtatama pa sakin ng Anak ko. Pati pag-pronounce in-correct din niya.
"Ang dami mong alam anak. Gusto mo bang bumalik na sa loob ng tiyan ng Mama mo?" tanong ko.
"Ha? Bakit po Mama?"
"Dapat hindi mo na pinupuna ang Mama mo, eh. Pwede mo naman sabihin na 'Yes Mama the best po talaga ako. I'm the best Mama. Hindi yung nampupuna ka pa eh. Nawala ang pag-iimot ko. Sarap mo ibalik sa loob ng tiyan ko, anak!" biro ko.
Humalakhak naman si Noven na makulit nagpumilit na ihatid kami ng Anak ko sa Pampanga.
"Eh, mama para alam mo po pinagkaiba ng tunog at pagbigkas. Gan'on kasi ginagawa ni teacher namin eh. Tsaka sinasabi ko lang naman po. Ibalik agad ako sa loob ng tiyan niya. Walang gan'on Mama!" ganting sagot naman nito sakin.
"Hindi na nga ako mag english pa. May detector grammar checker kasi dito. Magtagalog na lang ang taong katulad ko." parinig ko.
Natawa naman ang Anak ko at si Noven sa sinabi ko.
****
"Oh tulala ka na naman." puna sakin ni Noven. Nagulat pa ako sa biglaan nitong pagsulpot sa flower shop.
"Dapat tahimik ka lang eh!" simangot ko.
"Namiss lang kita."
"Ano kamo?" ulit ko.
"I love you."
"I love you too. Ay boyset ka bakit ba sumasagot din ako!" bulalas ko.
Humalakhak naman ito.
"Ano bang sinasabi mo?" tanong ko ulit.
"Tulala ka na naman. Dibali sasaya kana ulit." makahulugan nitong sabi sakin.
"Bakit mukha ba akong alikabok ngayon na hindi masaya?"
Tumawa naman Ito. "Tulala ka nga kasi. Ayaw mo naman kasi sakin E, di sana masaya kana araw-araw." parinig nito.
"Siraulo. Nasisira nga ang araw ko kapag nandito ka sa flower shop ko araw-araw eh." sabi ko naman.
"Ouch! Ang sakit mo naman magsalita. Ilang taon na din akong nagpapalipad hangin sayo. Apaka manhid mo naman."
"Wala akong nakikitang pinapalipad mong hangin sakin. Natural ng mahangin dito sa tagaytay. Ramdam ko ang hangin at hindi ako manhid. Minsan nga giniginaw ako eh." biro ko naman. Alam ko naman ang pinupunto nito.
Gusto ko naman talaga ito. Kaso lang ayaw ng Anak ko. Kuya daw niya Ito at hindi pwede na maging boyfriend ko si Noven. Nagalit ito ng makita niyang hinalikan ako ni Noven sa labi. Ginusto ko naman na halikan niya ako. Pero iba yung pakiramdam ko ng nahalikan na niya ako. Wala akong naramdaman na kakaiba o kuryente, kilig o ano pa man ang tawag kapag nahahalikan ng isang lalaki. Lalo na kapag gusto mo kaso hindi gusto ng puso mo.
"Alam mo ba ang sabi ng Anak mo sakin." sabi pa nito.
"Ano?"
"No touching, no kiss, no hug po kay Mama ko. Ako lang Kuya ang magkiss, maghug at maghawak kay Mama ko po ah. Big kuya na kasi kita." naiiling na natatawang sabi ni Noven.
"Kasalanan mo eh. Ilang araw kaya hindi ako kinibo ng Anak ko noon. Kaya kung papasok man ako sa isang relasyon kailangan ko din na i-consider ang opinion ang Anak ko. Lalo na ang nararamdaman nito at pagsang-ayon niya. Kailangan ko din na isa alang-alang ang nararamdaman ng Anak ko. Hindi pwede na yung gusto ko lang at nararamdaman ko ang unahin ko. Mas uunahin ko na muna ang saloobin ng Anak ko. Ayoko siyang masaktan. Ayaw ko din na magalit ulit Ito sakin ng dahil lang sa isang halik." paliwanag ko.
"Don't worry I understand. Basta kapag may kailangan ka. I'm always here for you. I already accept na hindi magiging tayo. Dahil may nakalaan talaga para sayo. Gan'on din ang akin. Naaalala mo ba yung kwento ko sayo?" sabi nito.
"Yes. Hindi pa ako ulyanin." natatawa ko pang sabi.
"Hina-hunting ko na siya at ikukulong ko na dito kapag nakita ko siya, no matter what." natatawa naman na sabi nito.
"Ginawa mo ng bilangguan ang napakagandang lugar na Ito."
"Para sa kaniya gagawin ko yun. Paraisong bilangguan." nagkatawanan kami.
Natahimik kami ng bahagyan. Tumingin Ito sakin bago nagsalita. Nagkangitian kaming dalawa. Comfortable ako sa kaniya at walang malisya kapag nakatingin siya sakin. Nasasabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin kapag Ito ang kausap ko.
"You know Yanna, Remember that I always admire you for who you are. I value the friendship we share. I'm glad that I met you. Naging madaldal ako ng dahil sayo." ngiti nito.
"Paano napakatahimik mo. Kapag nagsalita ka naman nakakasakit ka ng damdamin. Savage!" sabi ko naman. Totoo kaya iyon.
"Napapagod kasi ako magsalita minsan. Mas okay na ang makinig kisa magsalita."
"Buti hindi ka napapanisan ng laway ano? Nganga ka nga. Aamoyin ko ang hininga mo. Wala naman sigurong sira sa ngipin mo ano or baka bungal ka naman? Kaya ayaw mo magsalita baka mapansin na wala ka pala ngipin." hinawakan ko pa ang pisngi nito at ibinuka ko ang labi nito.
Natatawa naman itong inilayo ang mukha sa akin. Napatigil kaming dalawa sa pagkukulitan ni Noven ng may tumikhim sa labas ng flower shop. Sabay pa kaming napalingon. Si Axeros yun Asawa ni Serenity. Chismoso pa naman Ito.
"Yes po Sir Axeros, what.. what.. I mean ano pong sasabihin niyo ho? You buy flowers for Serenity?" tanong ko. Mag english sana ako kaso hindi ko maisip ang idugtong ko sa what na sinabi ko.
"Nakaka-storbo yata ako dito?" ngisi nito.
"Ah Yes Sir... I mean hindi naman po. Nag piling dentista lang ako at gusto ko lang makita ang loob ng bunganga ni Nov... Sir Noven." nagkandautal pa ako.
"Kaya mo yan babe!" pang aasar sakin ni Noven.
"Whoah! Babe?!" malakas pang bulalas ni Axeros. Parang tanga 'to. "Alam ba ito ni Rale?" natatawang tanong nito.
Ito din kasi ang Isa sa nakarinig sa pagalit na pagsuway samin ng Anak ko. Parang ang trabaho ni Axeros dito ay magronda at maki-usyoso sa kapaligiran. Lalo na kapag mga ganitong ganap dito sa loob ng sevenity. Parang kabute na bigla na lang susulpot kung saan.
"Chismoso! Anong kailangan mo?" natatawang tanong ni Noven.
"Hinahanap kita andito ka lang pala kay babe mo!"
"Gago!" natatawang sabi naman ni Noven.
"Sige na ipagpatuloy niyo lang ang pagbe-babe sa isa't Isa. I'm sure may magagalit na naman niyan! Puputok ang butsi ng isang kaskasong!" humalakhak sila ni Noven. Makahulugan pang tumingin ito kay Noven. Parang sinasabi na pagbutihin niya ang panliligaw parang gan'on. Ang creepy naman nilang dalawa magtinginan.
"Lumayas na nga kayong dalawa dito! Minamalas niyo na ang flower shop ko! Kapag ito nalugi kasalanan niyo 'to dahil malas kayo dito! Tsupi, tsupi na kayo!" tulak ko na din kay Noven palabas ng flower shop. Natatawa namang lumabas na ito ng flower shop. Pero bago Ito umalis ay kumuha ng isang tangkay ng bulaklak at binigay sakin. Sunflower iyon.
"Hoy! Ano 'to ha?" kinuha ko yung binigay sakin sabay balik din sa pinagkukuhanan nito sa bulaklak na binigay sakin.
Bumalik ito at kinuha ulit ang bulaklak at binigay ulit sakin. "Para sayo nga yan. Wag mo ng ibalik pa sa pinagkuhanan ko." ngiti pa nito.
"Malulugi ako nito! Wala akong pang bayad kapag nagkulang ako sa inventory ko." sabi ko pa.
"Bayad na yan." sabi nito.
"Wala kang kwenta talaga kausap. E, di sana sinabi mo agad! Hindi yung wala kang imik na basta na lang ibibigay ang bulaklak sakin ng walang pasabi. Hindi nakakapagsalita ang bulaklak ha. Di sana nakalayas kana dito. Mangungulubot ako sayong lalaki ka!" sabay hampas ko saknya.
Natatawa naman itong niyakap ako. At may payakap pa talaga ang gago. Kinutusan ko tuloy Ito. Natatawa naman itong bumitaw sakin.
"Sige lang kunwari wala ako dito. Hindi naman ako naiinggit dahil may kayakap naman ako mamaya. Yakap na muna kayo, I'm enjoying the view." basag ni Axeros na natatawa pa.
Akala ko ba umalis na ang gagong 'to. Kapag nalaman nilang minumura ko silang dalawa sa isipan ko baka mag alburuto sila. Mas nahiya pa ako ng kinukuhanan pala niya kami ng video.
"Ipapakita ko lang sa Asawa ko. Ibabalita kong luma-lovelife na ang kaibigan niyang plorera. Siguradong matutuwa iyon. Enjoy flirting magbabe." sabi nito ng makitang nakita ko siyang bini-video niya kami ni Noven.
"Siguraduhin mo lang Sir na sa Asawa mo yan ipapakita ha?" nagdududa ko pang sabi. Alam ko naman na ipapakita lang nito sa mga kaibigan nito na nandito din sa Sevenity Club nakatambay.
Maraming mga celebrity din na pumupunta dito, artist, model, business man, mga mayayaman na Tao na gustong mag unwind sa tahimik at napakagandang lugar na Ito.
"Bye Yanna, see you later." ngiti ni Noven sakin. Bihira lang din ito ngumiti. Mostly seryoso ito kapag lang nakikita niya ako saka lang ngingiti.
Kumaway naman ako agad. Sumensya agad ako na umalis na siya. May mga dala pala silang mga kabayo. Ang kikisig naman nila tignan. Kaswerte ang mga babaeng napangasawa nila. Well, si Noven, wala pang asawa ito.
Alam din nito na hindi gan'on kalalim ang pagkagusto ko o pagmamahal ko saknya. Ramdam daw niya na friend love ang nakikita niya sakin. Hanggang friend lang ang kaya ko daw maibigay saknya. Mediyo tama naman Ito. Pero sa kabilang banda gusto ko naman talaga ito. Actually nakakakilig din naman ito minsan.
Tahimik ito pero very observant sa mga nakapaligid saknya. Nakikiramdam at nago-obserba sa mga nakakasalamuha nito. Gusto ko yung ugali nito mabait din Ito gaya ng ibang mga kaibigan nito. Pero mga loko-loko sila, kwela, mapang asar din. Iba-iba ang mga personality nila pero iisa ang isip kapag kalukuhan na.
****
Ang bilis ng araw.
Ipupunta ko dito sa tabing ilog ang Anak ko kapag nakabalik na ito dito sa tagaytay. Ang ganda dito magandang view kapag kakanta kaming dalawa. Nakakarelax ang lugar.
Marami na din ang curious sa itsura namin na mag-ina. May mga nagsasabi na din na reveal face daw. Parang ayoko naman at nakakahiya. Okay na yung ganun na set up namin ng Anak ko.
Nakikita at nababasa ko din sa comment section na nagco-comment mga kapatid ko sa YouTube channel namin. Kaya sinabihan ko na wag silang magsabi na 'kapatid o pamangkin ko yan' baka magulo pa ang buhay nila sa Pampanga. I mean may mga follower kasi kami ng Anak ko na detective. Sini-search pala nila yung lugar namin. Tapos nabasa ko sa comment na wala naman daw kami sa Tarlac. Kahit na hindi nila alam ang itsura pa namin. Napakadelikado parin yung gan'on. May mga stalker na din kami ng Anak ko. Good thing wala kaming vlog ng Anak ko sa Pampanga. Meron man pero hindi ko in-post sa YouTube. Naka-gallery lang Ito for remembrance.
Hindi na ako uuwi sa Pampanga dahil si Noven na daw ang magsusundo sa Anak ko. Galing daw kasi Ito sa Tarlac. Dadaanan na lang daw niya ang Anak ko. Kaya um-oo na lang ako. Sayang din pamasahe ko ipapadala ko lang para sa kanila yung pera na dapat pamasahe ko. Nagpatuloy kasi na nag-aral si bunso sa kolehiyo. Yung pangalawa umaway ng ipagpatuloy ang pag aaral nito sa kolehiyo.