Chapter 7

1486 Words
"Anak, ayos ka lang?" rinig 'kong tanong ni Mommy, bago ako tinabihan sa pagkakaupo sa sofa. I look at her and i can see worry in her eyes. I sighed. "Okay lang ako, Mom." "The most common lie in the world." Mom uttered. "I'm not lying." i defended as i shook my head. This time, si Mommy naman ang bumuntong-hininga bago iginiya ang ulo 'ko at ipinatong sa balikat niya. She's caressing my hair---and it makes me calm. "Anak, I am your mother. Whatever you're experiencing and however you deny it, i can feel that something is bothering you. You can tell it to me, anak." Mom professed, na nakapagpa-isip sakin. I bit my lower lip before answering her. "Mom, naranasan mo na 'bang makaramdam ng familiarity sa isang tao? I mean--'yung minsan mo palang siyang nakasama, pero pakiramdam mo matagal mo na siyang kilala." i confessed, then i lift my head to see Mom's reaction. Napakunot ang noo ko nang makakita ako ng pagka-bahala sa mukha nito. "Mom? Are you okay?" i asked, making sure that Mom is fine. Mommy nodded, and she looked away. "Anak, i'll be back in a while. I think you're Dad needs me at the kitchen." paalam naman nito na ikinabigla ko. What happened to Mom? Bakit bigla biglang nagbago ang mood niya? Pms? Moodswings? *** "Where are you going, Ryleige." Dad asked me. Kasalukuyan akong nagsusuot ng sapatos nang maabutan ako ni Dad. Tinaas ko naman ang paningin ko sa kanya at ngumiti. "I'm just going to meet someone, Dad." i answered honestly. Ibinalik ko ang atensyon sa pagsusuot ng sapatos, at ramdam ko naman na naglakad palapit sa kinaroroonan ko si Daddy. "Baby." "Yes, Dad." "Sino 'yung kikitain mo?" sa tono ng pananalita nito, parang meron itong pakay at gustong malaman. I sat at the bed, and look at Dad's eyes. "Si Luke, Dad. 'Yung sinabi ko po sa inyo yesterday." i said. Dad frowned na ipinagtaka ko, ngunit agad din naman iyong nawala at napalitan ng pagtango. Then, he look at me while combing my hair using his hand. "Baby, you know that your Mom and I loves you right?" Dad asked seriously to me na mas lalong nagpapagulo ng utak ko. "Dad...what are you saying?" i asked. Dad just sighed and shakes his head. "Nothing. Basta, mag-iingat ka. Don't let this chance slip again." Dad said again, na mas lalong ipinagtaka ko. Si Dad, patagal nang patagal lalong nagiging weird. "Alam mo Daddy, minsan ang weird mo talaga." panunudyo ko naman, bago tumayo at isinuot ang sling bag na dadalhin ko. "Una na ako, Dad. I'll be back later." i said, at naglakad palapit sa kanya para halikan siya sa pisngi. Matapos ay bumaba na din ako sa living room, at nakita ko naman si Mommy. "Mom. Aalis po muna ako sandali." paalam ko, at hinalikan ito sa pisngi. "Okay. Ingat ka." sagot naman nito, na tinanguan ko lang at agad na din akong naglakad palayo. *** Inilibot 'ko ang paningin ko sa buong Park, para i-check kung nanduon na ba si Luke, pero ilang beses ko nang nalibot ang buong lugar,ni anino niya hindi ko makita. It's way past 1 pm. Nasaan na siya? Don't tell me in-indiyan niya ako? "Looking for me?" i heard a voice behind me kaya agad akong lumingon—at bumungad naman sakin ang naka-leather jacket (na naman) na si Luke. Tirik na tirik ang araw pero lamig na lamig ang itsura niya? I look at him with a weird expression on my face. "Nilalamig ka?" i ask. He frowned before looking at his clothes, then he look back at me. "Wala kang pakialam sa suot ko." anito, at tinalikuran ako agad. Ay! Mainit ang ulo. "Teka lang! Papupuntahin mo ako dito pero iiwan mo lang din naman? Wag ganun." pag-angal ko naman habang pilit na sinasabayan siya sa paglalakad. Hindi naman ito umimik, kaya naman sumunod na lang ako sa kanya. Nakita ko na papalabas na kami sa Park, saan kami pupunta? "Teka!" pagpigil ko naman, and thank god tumigil din siya pero walang salitang lumabas sa bibig nito, basta lang nitong itinuon ang mga walang emosyong mata nito sa akin. "Saan tayo pupunta?."pagtatanong ko naman. Bumuntong-hininga ito, bago inilagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon na suot nito. "You don't have to come. Umuwi ka na." he said, at basta na lang akong tinalikuran. Napataas naman ako ng kilay sa sinabi nito. So, yun na yun? Basta na lang niya akong iiwan matapos 'kong mag-ayos? Gosh! Abnormal ata ang lalaking iyon e! Nagpupuyos ako ng galit at pilit na hinabol siya ulit. Sayang naman ang pag-aayos ko kung di ako sasama sa kanya. Geez! Mababaliw ata ako pag kasama 'ko tong gangster na to e! Tapos sa panaginip ko mahal ko siya? Eh ang weird weird niya nga e! "Hoy Mister Luke Andre "the gangster" Ignacio, hindi mo ako basta-bastang mapapauwi! Matapos mo akong sabihan na makipag-kita sayo dito tas hindi mo ako isasama? Aba! Hindi yata ako papayag diyan. Sasama ako kahit san ka man pumunta. Period." matigas ang ulong maktol ko naman sa kanya, bago nag-cross arms. Naramdaman ko ang paghinto niya sa paglalakad kaya naman huminto din ako at tumingin sa kanya. --pero mukhang bad idea na tumingin ako sa kanya. Kasi nagtama ang mga mata naming dalawa, at wala akong lakas na ibaling sa iba ang paningin ko. Para akong nahi-hipnotismo sa uri ng pagtingin niya sa akin. At muli na namang bumilis ang t***k ng puso ko. "Talaga? Sasama ka sakin kahit saan?" mahina, ngunit halata ang pagka-seryoso sa pagtatanong nito. Wala sa sariling napatango ako, habang nanginginig ang mga kamay ko. "O-oo." i stuttered. "Kahit saan?" I nodded. He sighed, then he lift his eye lashes. "Kahit sabihin 'kong sa isang war zone ako pupunta sasama ka pa din?" he asked. Natameme naman ako ng ilang segundo matapos marinig ang tanong niya. Sa isang war zone siya pupunta? Ibig sabihin, may pupuntahan siyang laban? May kakalabanin siya? Panigurado madaming gangster sa lugar na iyon. Makikipag-basag ulo na naman siya. At may tendency na masaktan siya. --and there's this heavy thing again that crushes my heart when i think that he will get hurt. At bakit may kung ano sa utak ko ang natatakot na masaktan din siya? "I'll take that silence as a no." he uttered, "You can go back to your house." he said, then he took a step forward--when i suddenly reach his right hand to stop him. And the moment i touch him--i felt something tugged my heart. There's this familiarity again. Bakit parang may something akong naramdaman nang magdikit ang mga balat namin? I look at him when i feel him stilled--and my mouth when i see his expression. He's looking at my hand,which is the one holding his right arm, and the way he look at it--- he seems shocked too. Ilang segundo din akong hindi nakagalaw, hanggang sa makabawi at ako na ang naunang nagtanggal ng kamay ko mula sa pagkakahawak ko sa braso niya. I put my hand on my back to hide it, then i gulped and cleared my throat to start talking. "Uhm...I--i just want to stop you from leaving m-me here, that's why i did that." nauutal ko namang paliwanag dito. "Katulad nang sinabi ko kanina, hindi ako nagsayang ng pagod at effort sa pag-aayos at paglalakad para sa wala. Kaya, kung saan ka pupunta sasama ako." ani ko naman. Mas mabuti nang kasama niya akong pupunta sa lugar na iyon, kesa ang mag isa siya. Atleast, kahit papano may nalalaman ako tungkol sa kanya. That will be a big help to resolve his issue and to finish my task. "Seryoso ka?" I nodded. "Yeah." "Pero hindi mo ako kilala." he said, and the way he said those words—there's a bitterness present there. "Hindi ka dapat nagtitiwala sakin." he continued, then look away. I blows out a deep breath. He's right. Hindi ko siya ganun kakilala para pagkatiwalaan. He might put me in danger if 'were together, but... There's a part of me saying that i can trust him. That i'm safe with him. Kaya naman... "Tama ka. Bago lang kitang kakilala at hindi kita dapat pagkatiwalaan--" i stopped for a minute, then look straightly to his eyes. "--pero ang puso ko, buong-buo ang tiwalang binibigay sayo." tapat 'kong sagot, at kitang-kita ko kung paano umawang ang mga labi nito na animo'y gulat na gulat, at hindi makapaniwala sa narinig. I just look at him all the time he looked surprise and remain silent. And, when he got his sanity back... He asked me again, while pointing himself using his index finger. "T-talagang nagtitiwala ka sakin, Leige?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD