"D-Drake." garalgal ang boses ko habang binabanggit ang kaniyang pangalan. Agad naman niyang iminulat ang kaniyang mga mata habang aligagang hinahanap ang aking gamot.
"May masakit ba sayo? Wait lang hahanapin ko lang iyong gamot mo." tanong nito sa akin pero umiling lamang ako sa kaniya. Sapat na siguro iyong makita ko siya na nasa tabi ko. Wala eh ang rupok ko, mahal ko kasi iyong tao kaya siguro ako nagkakaganito.
"Lagi mo nalang akong pinapaiyak." inis na sabi ko kaya bigla na lamang itong nalungkot.
"Sorry." maiksing tugon nito sabay talikod sa akin. Bigla ko naman siyang niyakap sa kaniyang likuran. Hindi niya naman ito inaasahan kaya hinawakan niya ang aking mga kamay.
"Gusto lang naman kitang mahalin pero nasasaktan na pala kita." garalgal ang boses nito habang binibitawan ang mga salitang dumurog sa akin. Ang akala ko ay ako lang ang nasasaktan pero nagkamali pala ako. Nasasaktan din pala siya.
"Mali bang mahalin ka?" tanong nito pero agad akong umiling.
"Walang mali Drake." bulong ko sa kaniya kaya ngumiti ito sa akin. Mabilis naman itong humarap sa akin kaya minabuti kong punasan ang kaniyang mga luha.
Nasaktan mo lang ako dahil sa labis na pagmamahal mo sa akin.
"Akala ko kasi iiwan mo na ako." dagdag pa nito kaya muli ko siyang niyakap habang pilit siyang pinapatahan. Para kasi siyang batang inagawan ng kendi.
"Bakit ko naman iiwan ang isang gaya mo?" tanong ko sa kaniya. Agad naman itong ngumuso habang ang kaniyang mga mata ay nangungusap.
"Dahil sa ugali ko." bulong nito habang nakatitig sa sahig.
"Ang drama mo, alam mo ba iyon?" tanong ko sa kaniya kaya napatitig na ito sa akin habang nakakunot ang kaniyang noo.
"Hindi ka galit?" tanong nito habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.
"Hindi kaba matatapos sa kakatanong mo sa akin?" nakangiting saad ko kaya ngumiti na lamang ito sa akin
"Tumingin ka sakin." utos ko sa kaniya ngunit pumikit lamang ito.
"Umayos ka nga!" utos ko sa kaniya pero agad din naman akong napalunok dahil bigla na lamang itong tumitig sa akin pero ang aking mga mata'y nakatitig lang sa kaniyang mapupulang labi. Agad naman akong napailing dahil sa iniisip ko pero bigla niya na lamang akong kinurot sa aking tagiliran.
"Inlove kalang sa akin eh!" pang-aasar pa nito sa akin kaya umiwas kaagad ako ng tingin sa kaniya.
"Topaking panget!" pang-aasar ko sa kaniya kaya agad akong tumakbo pero sa hindi inaasahan pangyayari ay nadulas ako sa sahig.
"Ang clumsy mo naman, kaya siguro nafall ka sa'kin." dagdag nito habang inalalayan ako. Seryoso siya nang oras na iyon pero hindi ko siya pinansin dahil ramdam ko na parang binibiyak ang aking ulo. Agad niya naman itong napansin kaya inihiga niya na ako sa kama.
"Magpagaling ka ah, mamahalin pa kita." nakangiting saad nito sabay kindat sa akin. Mabilis naman akong tumango sa kaniya hanggang sa maramdaman kong muli ang kaniyang labi sa akong noo.
"Ang sarap mo namang magmahal." bulong ko na naging dahilan ng kaniyang pamumula. Ramdam ko na pinipigilan niyang kiligin pero hindi iyon maitatago ng kaniyang mga mata. Dahil nakatingin siya sa akin. Sa babaeng mahal na mahal niya. Pero mabilis din namang nawala ang ngiti sa kaniyang labi sa sinabi ko
"Sinaktan mo kaya ako." bulong ko kaya napasimangot naman ito. Alam maling ipaalala ko pa sa kaniya ang mga bagay na iyon pero sa tuwing nawawala siya sa kaniyang sarili at patuloy niya akong nasasaktan pero namanhid narin ata ako dahil sa pag-ibig nayan.
"Pero wala eh! kahit na paulet-ulet mo akong saktan nandito parin ako." dagdag ko kaya mabilis niya akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak kaya niyakap korin siya pabalik
"Claire huwag mo akong iiwan ah." bulong nito sa akin. Ang akala ko nung una ay gising siya pero nang pagmasdan ko siya ay nakapikit na ang kaniyang mga mata habang ito'y may butil ng luha.
"Hindi kita iiwan Drake." Nakangiting saad ko rito. Kahit hindi niya ako naririnig ay ipaparamdam ko parin sa kaniya na manatili parin ako sa kaniyang tabi. Madilim na ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko.
Tanging ingay na lamang ng kuliglig ang maririnig sa paligid. Nakakabinging katahimikan pero wala akong magawa kaya naisipan ko nalang na maligo pero hindi pa man ako nakarating ng banyo ay bigla na lamang akong bumagsak sa sahig.
"Drake hindi ko maramdaman ang mga paa ko!" nanginginig na sigaw ko. Tanging takot na lamang ang nangingibabaw sa akin habang nakahawak sa aking tuhod. Mabilis naman niya akong inalalayan papunta sa kama pero patuloy parin akong humihikbi.
"Paano kung hindi na ako makalakad? Hindi ko na alam ang gagawin ko Drake." sigaw ko kaya agad naman itong napasabunot sa kaniyang buhok. Hindi niya rin alam ang kaniyang gagawin kaya inalo niya nalang ako.
"Magpahinga ka muna Claire bukas na bukas pupunta tayo ng hospital." Sabi nito kaya aagd akong tumango. Mabilis naman akong nagtalukbong ng kumot habang tahimik na humihikbi.
"Panaginip lang ito diba?" tanong ko sa aking sarili pero naramdaman ko ang pananakit ng aking pisngi ng kurutin ko ang aking sarili.
"Hindi kaba makatulog?" tanong sa akin ni Drake kaya agad ko siyang hinarap. Mabilis naman akong tumango sa kaniya kaya agad niya akong kinarga. Mabilis siyang humakbang sa kakahuyan habang karga ako na para bang isang sakong bigas. May mga iilang mababangis na hayop sa kagubatan ngunit ito hindi niya ito alintana.
"Sigurado kabang dito ang hospital?" tanong ko sa kaniya ng makarating kami. Maraming mga taong duguan sa labas na tila ba kagagaling lang sa bakbakan. Maraming sandata ang nakakalat pero ang aking atensiyon ay nanatili sa babaeng may maitim na aura.
"Mama ko nga pala." pagpapakilala ni Drake sa babae. Agad naman itong nakipagkamay sa akin pero agad din naman akong bumitaw dahil nabahiran na ng dugo ang aking kamay.
"Pasensiya kana iha." sabi naman nito kaya nginitian ko na lamang siya. Mabilis naman silang lumayo sa akin dahil may pag-uusapan paraw sila kaya tumango na lamang ako.
"Iha gusto mo ba talagang makalakad?" tanong sa akin ng babae kaya mabilis akong tumango.
May iilang bagay silang ipinakita sa akin hanggang sa dalhin ako sa isang kwarto. Patay sindi ang ilaw sa kwartong iyon kaya napakapit ako kay Drake.
"Drake huwag mo akong iwan." natatakot na saad ko dahil may itinurok sila sa akin na kung ano. Gusto kong magpumiglas pero unti-unti kong naramdaman ang panghihina ng aking katawan hanggang sa mawalan ako ng malay.
"Drake? Nasaan ka?" tanong ko habang iginagala ang aking paningin sa paligid pero ibang tao ang aking nakita. May dalawang mag-ama na parehong umiiyak sa kabilang kama.
"Patawarin mo ako anak." Maluha-luhang saad ng matandang lalaki sa kaniyang anak. Mabilis namang tumango ang babae habang niyayakap ang kaniyang ama.
"Tanggap ko naman na pa." sabi ng batang babae sa kaniyang ama pero umiling lamang ang matanda.
"Masyado kayong madrama! Ilabas ang lalaking yan!" utos ng ina ni Drake pero hindi parin bumibitaw ang mag-ama kaya kinuryente na nila ang matanda. Mabilis na sumigaw ang batang babae habang humahagulgol pero wala itong magawa dahil pinapahirapan parin nila ang kaniyang ama.
"Mga wala kayong awa!" Sigaw babae kaya agad na nagalit ang ina ni Drake kaya nasampal niya ito. Pero maya-maya lamang ay tumungo ito sa akin na para bang walang ginawang kahayupan sa mag-ama kaya napalunok na lamang ako.
"Handa kana ba iha?" tanong ng ina ni Drake sa akin kaya mabilis akong tumango. May itinurok din sila sa akin pero hindi na ako tumutol dahil gustong-gusto ko na ulet na makalakad. Pero sa isang banda ay nakita ko kung paano nila putulin ang paa ng babae. May mga dugo pang tumilamsik sa aking mukha pero hindi ko ito magawang punasan pa dahil sa panginginig ng buo kong katawan. Gusto kong tumakbo pero agad kong napagtanto na hindi ko mailakad ang aking mga paa.
"Bakit niyo siya pinatay?" galit na sigaw ko pero ngumiti lang sa akin ang ina ni Drake.
"Diba sabi mo gusto mong makalakad?" tanong sa akin ng babae kaya bigla na lamang akong napatigil. Hindi ko kasi alam na sa ganitong paraan pala nila kukunin ang paa ng babae. Bakit kailangan pa nilang pumatay ng inosenteng iyon?
Gusto kong maiyak sa aking nasaksihan pero habang rumerehistro sa akin ang mukha ng babae ay gusto kong lumapit sa kaniya. Gusto ko siyang iligtas pero wala akong nagawa. Pinanood ko lang kung paano siya pinatay. Alam ko na nagawa lang naman iyon ng ina ni Drake dahil sa kagustuhan kong makalakad pero bakit kailangang makuha sa brutal na paraan?
"Claire ayos kalang ba?" tanong sa akin ni Drake pero nanatili akong tulala. Hindi ko napansin ang kaniyang pagdating dahil iniisip ko parin ang nangyari kanina. Tanging ingay ng mga taong humingi ng tulong ang aking naririnig. Siguro sila iyong mga inosenteng pinatay na hindi nabigyan ng hustisya. Gusto kong umuwi nalang sa bahay pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Drake ang lahat.
"Claire! tumingin ka sa'kin." utos nito kaya bigla na lamang akong napaluha. Mabilis niya naman akong niyakap habang inaalo ako sa aking likuran.
"Pinatay nila iyong babae Drake." bulong ko sa kaniyang tenga. Alam ko na wala na akong magagawa pero kung sakaling siya ang kakausap sa kaniyang ina ay ititigil na nila ang pagpatay sa mga inosenteng tao.
"Hayaan mo kakausapin ko si mama." sabi naman nito kaya agad akong napatango rito. Mabilis naman itong umalis pero narinig ko parin ang kanilang pagtatalo. Mabilis kong tinakpan ang aking tenga habang sumisigaw.
"Tama na! please lang!" Sigaw ko habang patuloy na nagwawala hanggang sa may mga taong pumigil sa akin. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili. Para akong baliw na nakawala sa aking hawla. Pero agad din naman akong napatigil ng makita ang duguan katawan ng babae. Para akong natatakam na tikman ang dugo nito pero pinigilan ko ang aking sarili pero agad din naman akong napatigil ng may iturok ulet sila sa akin na kung ano hanggang sa tuluyan akong nawalan ng malay.
Ano bang nangyayari sayo Claire?" tanong sa akin ni Drake nang magising ako. Naiwan nalang kaming dalawa sa kwarto kaya muli akong umiyak sa kaniyang harapan. Palagi nalang akong pinangungunahan ng takot dahil sa mga nasaksihan ko kanina. Gusto kong sabihin sa kaniya na hindi ko na kayang manatili sa lugar na ito pero hindi ko alam kung papayag ba siya sa kagustuhan ko kaya idinaan ko nalang ang lahat sa paghikbi.
"Claire, magsalita ka naman! Huwag iyong ganito." naiinis na saad nito pero umiling lang ako sa kaniya habang nanginginig na nakatingin sa kaniyang ina. Kakapasok lang nito sa kwarto nang hindi manlang kumakatok sa pinto.
"Oh ma! nandito ka pala."Masayang bati nito sa kaniyang ina. Agad namang nanlaki ang aking mga mata nang makitang nanlilisik ang mga mata nito ng tumingin ito sa akin. Nakakatakot pero nanatili akong kalmado habang nakakapit sa kamay ni Drake.
"Drake umalis na tayo rito." Bulong
ko sa kaniya pero nangungot lamang ang kaniyang nga noo.
"Kakarating niyo nga lang tapos aalis na kayo?"
Tanong ng mama ni Drake kaya napatingin kaming dalawa rito. Mabilis namang napakamot ng kaniyang ulo si Drake pero ako ay nanatiling tahimik sa kaniyang tabi.
"Ma si Claire kasi gusto ata akong masolo, alam mo na kung bakit."
Pagbibiro nito kaya malakas na tumawa ang kaniyang ina. Mahina ko naman itong hinampas dahil sa mga kalokohang sinasabi niya.
"Loko ka talaga!"Nakabusangot na saad ko dahil sa kahihiyan.
"Mahal mo naman!"Sabi naman nito na ikinangiti ko.
"Hala nakakaistorbo ata ako sa inyo."Sabi naman ng mama ni Drake at tumungo na sa may pinto. Mabilis namang kumaway si Drake sa kaniyang ina pero pag-alis nito ay bigla niya nalang akong tinitigan.
"Alam mo ba na gustong-gusto ka ni mama?" Pagkukwento nito sa akin na ikinagulat ko. Kanina kasi ay nakita ko pang nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa akin kaya paanong magugustuhan ako nito para sa anak niya.
"Kaya gusto niya na magstay tayo rito ng matagal." Dagdag pa nito na ikinaguho ng mundo ko. Gusto kong manlumo dahil wala pang isang araw na nananatili kami rito ay kakaibang karanasan na ang aming nasaksihan pero para kay Drake ay normal lamang ang mga ito.
"Ayos lang naman sayo iyon diba?"
Tanong nito kaya mabilis akong tumango. Kahit naman sabihin ko na ayaw kong manatili rito ay siya parin ang masusunod.
"Mabuti naman kung ganon."
Nakangiting saad nito habang naglalakad papunta sa aming bagong kwarto. May iilang tao kaming nakitang humahagulgol pero agad na nakapukaw ng aking atensiyon ang matandang lalaking yakap ang kaniyang walang buhay na anak.
"Anak ko!"Sigaw nito. Hindi niya alintana ang mga taong nakatingin sa kaniya. Nababahiran narin siya ng dugo ng kaniyang anak pero nakita korin na may sugat siya sa kaniyang noo. Gusto ko siyang lapitan pero ito na ang kusang lumapit sa amin.
"Parang awa niyo na, iligtas niyo ang anak ko."Sabi nito habang nakaluhod sa aming harapan pero hindi siya pinapansin ni Drake. Gusto ko siyang tulungan pero alam mong hindi ko magagawa iyon dahil sa lugar na ito ang angkan nila Drake ang pinakapangyarihan sa lahat.
"Bitawan niyo ako!" sigaw nito habang nagpupumiglas sa mga tauhan ng nanay ni Drake pero wala rin siyang nagawa. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin kaya sinundan ko na lamang sila ng tingin.
"Huwag mo nalang silang pansinin."
Biglang saad ni Drake na ikinagulat ko. Nakapamulsa ito habang nakatingin sa aming dinaraanan.
"Matagal nabang ganito sa lugar na ito?" tanong ko sa kaniya habang iginagala ang tingin sa paligid. Gabi na pero marami paring tao ang nakakalat sa paligid. May iilang hindi makatingin sa lalaking kasama ko ngayon. Dahil siguro sa takot.
"What do you mean?" naguguluhang taong nito kaya napatigil ito sa paglalakad.
"Hmm kasi napapansin ko na madalas may kaguluhan at pagpatay dito sa lugar niyo." bulong ko sa kaniya.
"Nagsimula lang naman lumaganap ang pagpatay sa lugar namin nang mamatay si papa or should I say pinatay at hanggang ngayon hindi parin namin natutunton ang pumatay sa kaniya." Pagkukwento nito habang nakatingin sa madilim na kalangitan pero hindi nakawala sa aking mga mata ang pagpatak ng kaniyang luha.
"Sorry namiss ko lang kasi si papa."
Nakangiting saad nito habang pinupunasan ang kaniyang luha. Mabilis ko naman itong tinapik sa kaniyang balikat. Kaya siguro nagkaganon mama niya kasi nangungulila parin ito sa kaniyang asawa pero mali parin ang pumatay ng mga inosenteng tao. Nalulungkot ako para sa kanila pero nalulungkot din ako sa mga naulila ng mga pinapatay nila. Hindi ko alam kung kailan magiging payapa ang lugar na ito pero isa lang ang nasisigurado ko. Na matagal pa ang panahon ang guguhulin ng taong magtatangkang palayain ang lugar na ito.
"Tara na? Malamig na rito sa labas baka magkasakit ka."Pag-aaya niya sa akin kaya tumungo na kami sa bago naming kwarto. Hindi ko na inabalang igala ang aking paningin sa paligid dahil hinihila na ako ng kama dahil sa dami ng pinagdaanan ko buong maghapon. Gusto ko nalang humilata sa kama nang bigla nalang siyang may isinigaw.
"Claire may multo!" Sigaw niya kaya napabangon ako sa kama habang hinahanap ang multo. Mabilis naman akong napatingin sa kaniya nang marinig ko ang pagpipigil nito ng tawa habang hinahampas nito ang katabi niyang lamesa.
"Grabe ang epic ng mukha mo Claire! Sana napicturan kita." tatawa-tawang saad nito kaya agad ko siyang kinutusan.
"Alam mo nakakainis kana talaga!" Sigaw ko habang napapapadyak. Mabilis naman itong napatitig sa aking labi kaya nagtalukbong na ako ng kumot.
"Goodnight!" Nakangiting saad ko habang nakapikit pero mabilis niyang tinanggal ang kumot sa akin.
"Wala bang Goodnight kiss diyan?" tanong nito habang nakangiti sa akin kaya hinalikan sa kaniyang labi pero nabitin ata siya kaya mabilis itong umibabaw sa akin. Mabilis namang kumalat ang init sa aking katawan habang nakatitig ako sa mga mata ni Drake. Gusto kong sumagap ng hangin dahil kinakapos na ako ng hininga pero patuloy parin nitong inaangkin ang aking mga labi habang patuloy na naglalaro ang dila nito sa aking bibig pero hinayaan ko nalang siya hanggang sa magsimula na namang lakbayin ng kaniyang kamay ang aking katawa.
"Drake matulog na tayo." bulong ko sa kaniya nang maghiwalay ang aming mga labi. Mabilis naman itong ngumiti sa akin dahil muntik na naman siyang makaisa sa akin
"Drake nasaan ka?" tanong ko habang iginagala ang tingin sa paligid pero hindi ko mahanap si Drake. Malalim na ang gabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok kahit na ilang araw na akong di nakakatulog.
"Drake!"muling sigaw ko ngunit katahimikan lamang ang sumalubong sa akin. Nakailang ikot na ako sa kwarto pero hindi ko parin siya mahanap sa silid. Gusto kong matakot dahil nag-iisa lang ako dito pero pinilit ko paring kalmahin ang aking sarili habang hinahakbang ang aking mga paa papunta sa labas. Agad naman akong sinalubong ng malamig na hangin kaya napayakap na lamang ako sa aking sarili pero nagulantang ako ng bigla na lang may nagtutok sa akin ng isang patalim.