"Subukan mong gumawa ng ingay at malalagot ka sa akin."
Pagbabanta ng lalaki kaya napalunok ako ng aking laway. Tanging pagkabog lamang ng aking dibdib ang aking naririnig habang unti-unting nawawalan ng pag-asa. Pero sa dulo ng daan ay mabilis kong natanaw ang isang lalaking papalapit sa amin. Pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ko habang papalapit siya sa amin. Gusto kong humingi ng tulong sa kaniya pero hindi ko alam kung siya ba ay kakampi o isang kaaway.
"Handa kana bang mamatay?"
Tanong ng lalaking nasa aking harapan. Agad namang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Drake. Gusto ko siyang yakapin kaso may lalaking tumutok pala sa akin ng kutsilyo.
"Bitawan mo siya!"Sigaw ni Drake pero nagmatigas parin ang lalaking nagtutok sa akin ng patalim kaya sinuntok ito ni Drake. Sa isang banda naman ay napapikit na lamang si Drake dahil nasugatan na pala siya sa kaniyang braso hanggang sa sinikmuraan na siya ng lalaki. Mabilis naman siyang palibutan mga di kilalang lalaki habang sinisikmuraan kaya agad akong nanlumo.
"Drake!"Sigaw ko habang humahagulgol. Hindi ko na kasi alam ang gagawin dahil pinagtulungan na siya at sa pagkataranta ay pinulot ko ang baril na nakita ko sa isang tabi. Nanginginig man ay itinutok ko parin ang baril sa mga lalaki habang nakapikit. Mabilis ko itong kinalabit kaya nagulantang naman silang lahat pero bago pa man sila makatakbo ay sunod-sunod ko na silang napatumba. Sunod sunod na putok ng baril ang maririnig sa paligid hanggang sa kaming dalawa nalang ni Drake ang natitirang buhay.
"Ang akala ko talaga mawawala kana." Humahagulgol kong saad sa kaniya pero niyakap parin niya ako. Halos hindi na siya makilala dahil sa sugat na natamo niya pero nagawa niya paring ngumiti sa akin. Gusto ko siyang pagalitan pero alam ko na ginawa niya lang naman iyon para iligtas ako sa kapahamakan.
"Malakas yata 'to!" pagmamayabang naman nito habang sinuntok ang kaniyang sarili. Napakayabang talaga kahit kailan.
"Sa susunod huwag ka ng lalabas ng gabi ah." sabi naman nito kaya mabilis akong tumango pero napuno parin ng ako ng kuryusidad sa kanilang lugar pero umiling na lamang ako. Agad ko naman siyang napansin na paika ikang naglalakad kaya inalalayan ko na siya.
"Kaya ko ano kaba!"
Nakangiting saad nito habang nakangiti pero umiling lamang ako sa kaniya.
"Maawa ka naman sa sarili mo Drake!" nakasimagot na saad ko sa kaniya. Masyado kasi siyang ma pride kaya kahit na nahihirapan na siya ay ipipilit parin nila ang gusto niya.
"Oo na!" nakangiting saad nito habang napapakamot sa kaniyang ulo. Nahawak ako sa kaniyang balikat habang ang kaniyang kamay ay nakahawak sa aking leeg.
"Napaaway na naman ata."
"Balita ko marami raw napatay iyong kasama nung lalaki."
"oo nga eh! nakakatakot."
"Tara na! umuwi na tayo." rinig kong bulungan ng mga taong nakakita sa amin. hindi naman nakawala sa aking mga mata ang pagsara ng kaniyang kamao habang ito ay galit na galit na nakatitig sa mga taong pinagchi-chismisan kami.
"Huwag mo nalang silang pansinin." sabi ko naman dito kaya nagsimula na kaming naglakad pero agad din naman kaming napatigil ng makita ang ina ni Drake.
"Anak anong nangyari sayo?" natatarantang taong ng kaniyang ina habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na kalagayan ng kaniyang anak. Mabilis naman siyang dinala sa hospital. Hindi na nga nila napansin ang presensiya ko pero kahit na ganon ay nanatili parin ako sa tabi ni Drake. Ilang oras na ang nakalipas ng madala siya sa hospital pero hindi parin siya gumigising. Pinilit kong matulog sa kaniyang tabi pero hindi parin ako dinadalaw ng antok kaya tinitigan ko na lamang siya. Napakaamo ng kaniyang mukha pero sa likod nito ay nakatago ang kaniyang nakakatakot na anyo. Mabilis naman akong umiling ng maalala ang hitsura ng mga taong napatay ko.
"Hindi ko sinasadya!" Sigaw ko sa aking sarili pero nagulantang ako ng pumasok ang mama ni Drake sa kwarto.
"Ayos kalang ba iha? tanong nito sa akin kaya mabilis akong tumango habang pinipigilan ang pagpatak ng aking luha. Gusto kong magwala dahil ayaw kung matulad sa kanila pero mas malala pa pala ang kaya kong gawin sa kanila. Hindi ko kabilang kung ilang tao ang nalatay ko kanina pero alam kong higit sila sa sampu.
"Magpahinga ka muna iha, ako na muna ang magbabantay sa anak ko." sabi naman nito. Gusto ko sana siyang tanggihan dahil hindi ko alam kung kakayanin kong lumayo kay Drake lalo na sa ganitong sitwasyon. Dahil maraming mga taong nagbabanta sa buhay ko at hindi ko alam kung ligtas paba ako sa lugar na ito.
"Tita pwede bang dito nalang ako matulog?" tanong ko sa mama ni Drake. Noong una ay nakakunot pa ang noo nito pero sa huli ang akala ko ay hindi Ito papayag pero maya-maya ay mabilis naman itong tumango.
"Salamat po tita." nakangiting saad ko at hindi napigilang yakapin siya. Mabilis naman akong humiwalay dito nang mapagtanto ang aking nagawa.
"Pinapahiya mo na naman ang sarili mo Claire." bulong ko sa aking sarili habang pilit na ngumiti sa mama ni Drake. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa aking nagawa pero pinilit ko paring tumungo sa kabilang kwarto.
"Ughh!Bakit hindi ako makatulog!" inis na sigaw ko habang nakatingin sa kisame ng kwarto pero agad na nanlaki ang aking mga mata ng mahulog sa aking mukha ang isang butiki.
"Mapapatay kitang bwisit ka! dadapo kapa sa maganda kong mukha hayop ka!" Sigaw ko habang pinapalo ng tsinelas ang butiki na dumapo sa akin. Humiwalay na ang buntot nito hanggang sa gumapang na ito sa kung saan.
"Asan kanang hayop ka?"
Sigaw ko habang hinahanap ang butiki na dumapo sa aking mukha. Agad ko naman itong nakitang papalabas ng pinto kaya sinundan ko lang ito pero hindi ko napansin na may nabunggo na pala ako.
"Hala ano to?"
Bulong ko sa aking sarili ng mauntog ako sa malambot na bagay. Pinipisil ko pa ito pero agad akong napaayos ng aking pagkakatayo nang marinig ang boses ng mama ni Drake.
"Anong ginagawa mo iha?"
Galit sa sigaw nito kaya agad akong napakagat ng aking labi. Nahawakan ko na pala ang dibdib nito ng di ko namamalayan susmaryosep! Lagot ako neto! Drake gising! Sigaw ko sa isip ko dahil katapusan ko na ngayon. Parang hindi na ako aabutan pang buhay ni Drake dahil sa ginawa ko sa mama niya.
"Sorry po tita nahawakan ko po ang dede niyo. Hindi ko naman po sinasadya. Paghingi ko ng tawad sa kaniya habang nakaluhod. Ibubuka palang sana niya ang kaniyang bibig ng mapatingin kami kay Drake ng bigla itong nagsalita.
"Anong nangyari?"
tanong nito habang nakapikit ang kaniyang mga mata.
"Drake binugbog ka, ang hina mo kasi eh." bulong ko sa aking isip kaya bigla nalang silang napatingin sa akin dahil nasabi ko pala ng malakas.
Ay sorry nadulas." nahihiyang saad ko habang nakatingin sa mama ni Drake na ngayon ay palipat-lipat ng tingin sa akin at kay Drake. Siguro naguguluhan parin siya hanggang ngayon dahil sa mga pinagsasasabi ko.
"Hindi pa po ba naikikwento sa inyo ni Drake ang nangyari? tanong ko kay tita kaya mabilis naman akong binatukan ako ni Drake.
"Alam mo namang wala akong malay kanina eh."sabi naman nito kaya napatango nalang ako. May point nga naman siya.
"Kasi ganito po iyon tita, may nagtutok po sa akin kanina ng kutsilyo tapos niligtas po ako ng anak niyo pero sa huli siya po iyong niligtas ko kasi napakalampa ng anak niyo. the end!"pagkukwento ko kaya napailing na lamang si Drake habang nakahawak sa kaniyang noo. Naistress ata lalo pero ngumiti lang ako kasi kung hindi siya dumating kanina pa siguro ako pinaglalamayan. Laking tulong din kasi siya iyong binugbog at hindi ako.
"Pero huwag po kayong mag-alala kasi gwapo naman ang anak niyo." dagdag ko na ikinangiti naman ni Drake. Agad naman itong napasimangot ng maramdaman ang sugat sa gilid ng kaniyang labi.
"Gwapo lang ang ambag." bulong ko pa kaya napahawak na lamang si Drake sa kaniyang noo.
"Anak magpahinga ka kasi muna."
sabi naman ni Tita kaya tumango naman si Drake. Mabilis ko naman siyang inabutan ng tubig dahil nanunuyo na ang kaniyang mga labi.
"Salamat." sabi naman nito kaya tumango naman ako. Masaya naman kaming pinapanood ng kaniyang ina nang biglang may umutot.
"Drake ang baho ah!"naiinis na sigaw ko habang tinatakpan ang aking ilong. Amoy tae na kasi iyong utot niya siguro matagal narin siyang hindi tumatae kaya iba na iyong amoy.
"Itae mo nayan!" Sigaw ko pa hanggang sa hindi ko na nakayanan ang amoy kaya napatakbo nalang ako sa labas pero nagulat ako ng sumunod ang amoy ng utot.
"Tita? bakit po kayo nandito?" tanong ko rito nabg makita ko itong nakangiwi habang sumusunod sa akin. Nakahawak ito sa kaniyang pwet habang nakatagilid.
"Ah wala." sabi naman nito at tuluyan ng tumakbo papunta sa banyo. Agad naman akong napatakip ng aking bibig nang mapagtantong ito nga ang umutot kanina.
"Hay naku Claire, lagi ka nalang gumagawa ng kapalpakan."
Sabi ko sa aking sarili habang nakasandal sa pinto. Pero agad din naman akong bumagsak sa lupa ng bumukas ang pinto.
"Oh Claire? Bakit diyan ka nakahiga?"
Tatawa tawang saad ni Drake kaya napasimangot naman ako rito.
"Kung makatawa akala mo, hindi nabugbog ah." pang-aasar ko sa kaniya kaya mabilis na nawala ang ngiti sa kaniyang labi.
"Kung hindi lang talaga kita mahal matagal na kitang napatay." sabi nito kaya mabilis ko itong niyakap.
"Hindi ka naman mabiro Drake!" sabi ko sa kaniya pero agad niyang ininda ang kaniyang mga sugat kaya mabilis din akong napabitaw.
"Ang sakit mo namang magmahal." nakangiwing saad niya habang nakahawak sa kaniyang sugat habang paika-ikang bumalik sa kaniyang higaan gusto ko sana siyang tulungan pero itinaas na nito ang kaniyang kamay.
"Sige alis na ako, hindi mo naman na ako kailangan diba?" tanong ko sa kaniya kaya mabilis niya akong hinarap.
"Claire bakit ang bilis mong magtampo?" tanong niya kaya napakibit balikat nalang ako. Hindi korin kasi alam kung bakit ako nagkakaganito basta ang alam ko lang ay maganda ako period!
"Hayst mga babae nga naman." bulong niya kaya agad na nangunot ang aking noo.
"Ikaw kaya reglahin!" galit na sigaw ko sa kaniya kaya mabilis niyang tinakpan ang kaniyang tenga.
"Easy bubuntisin pa kita." nakangiting saad nito kaya mabilis na uminit ang aking ulo.Gusto ko siyang sapakin pero hindi ko magawa dahil bugbog sarado pa siya ngayon. Siguro kapag nakarecover na siya pwede ko na siyang sapakin. Kahit isang sapak lang ok na.
"Alam ko namang katawan ko lang ang habol mo sa akin eh." bulong ko habang nakatitig sa kaniya. Mabilis namang nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Gusto kong umiyak pero pinigilan kong pumatak ang aking luha. Gusto ko siyang sumbatan pero hindi ko magawa dahil nandito ako ngayon sa teritoryo nila at hindi lang iyon dahil sila rin ang kumokontrol sa mga tao rito.
"Hindi Claire! mahal kita!" sigaw nito at hindi niya na mapigilang lumuha habang nakatitig sa akin.
"Bakit ka ganiyan Claire?Iniintindi naman kita pero bakit ganito?"
sigaw nito habang sinusuntok ang pader. Mabilis naman akong napahagulgol habang nakatitig sa kaniya. Ngayon lang siya nagkaganito parang napapariwara. Gusto ko siyang yakapin at bawiin ang lahat ng sinabi ko sa kaniya pero para saan pa? Nasaktan ko na siya.
"Drake wala narin namang patutungunan ito—"
"Nakikipaghiwalay kaba?" tanong nito sa akin kaya mabilis akong tumango. Hahakbang na sana ako pero bigla na lamang akong nawalan ng malay. Hanggang sa dilim na lamang ang sumalubong sa akin.
"Claire buntis ka?" Salubong na tanong sa akin ni Drake nang magising ako. Mabigat ang aking katawan kaya hindi ko magawang makatayo. Gusto kong humilata nalang sa kama kaso parang naduduwal ako.
"Hindi ko alam." Naguguluhang sagot ko habang nakahawak sa aking ulo. Magmula kasi nang mawalan ako ng malay ay parang binibiyak na ang ulo ko. Mabilis naman itong napansin ni Drake kaya tinawag niya na ang kaniyang ina.
"Ma ayos lang ba siya?" Tanong ni Drake sa kaniyang ina.
"Normal lang yan sa mga buntis anak." Sabi naman ito kaya makahinga din siya ng maluwag.
"Ako? Buntis?"Gulat na tanong ko ng mapagtantong buntis nga ako. Mabilis naman silang tumango sa akin kaya napatakip na lamang ako ng aking bibig. Hindi pwede 'to!
"Hindi ako naniniwala." Maluha-luhang sasd ko habang nakatingin sa kanila. Mabilis namang lumapit sa akin si Drake habang hinahawakan ang aking kamay.
"Magiging nanay kana ng magiging anak natin." Nakangiting saad niya. Kita sa kaniyang mga mata kung gaano siya kasaya pero kabaliktaran iyon ng nararamdaman ko.
"Hindi! Hindi pwede drake! Hindi ko pa kaya!" Sigaw ko habang hinahagis ang lahat ng bagay na aking makita.
"Claire, kumalma ka please!" Galit na sigaw nito pero umiling lang ako sa kaniya. Hindi ko parin matanggap na magiging nanay ako.
"Tumigil nga kayo!" Sigaw ng mama ni Drake kaya napakatahimik kami ni Drake. Parang may maitim na aura na nakapaligid sa kaniya habang nakasara ang kaniyang kamao.
"Huwag kayong matakot hindi naman ako nangangagat." Pagbibiro ng mama ni Drake pero nanginginig parin ako habang nakatingin kay tita. Para kasing anytime kaya niya kaming saktan o baka kaya niya rin kaming patayin gamit ang kaniyang mga kamay.
"Ma ano ba! Tinatakot mo si Claire!" Galit na sigaw ni Drake sa kaniyang ina pero tumawa lang si tita.
"Wala naman akong ginagawa." Nakangiting saad ng kaniyang ina habang nakatingin sa akin kaya napalunok nalang ako.
"Diba Claire?" Tanong nito sa akin kaya tumango nalang ako. Gusto kong umalis sa kwarto pero nakaramdam ako ng pagkahilo kaya humiga nalang ako sa kama.
"Drake pwede ba kitang makausap? Iyong tayong dalawa lang?" Tanong ko sa kaniya kaya mabilis nitong tinignan ang kaniyang ina. Mabilis namang tumango si tita at tumungo na sa may pinto. Hindi naman nakawala sa aking mga mata ang pagkindat nito sa kaniyang anak.
"Drake pwede bang umalis na tayo dito? Para kasing hindi tayo ligtas dito." Bulong ko sa kaniya. Baka kasi may makarinig sa amin kaya pinili ko nalang na bumulong.
"Saan naman tayo pupunta?" Tanong nito sa akin kaya napaisip naman ako.
"Kahit saan Drake. Basta gusto ko lang na makalayo." Sabi ko naman dito kaya mabilis siyang tumango.
"Bukas na bukas aalis na tayo." Sabi naman nito kaya ngumiti ako rito.
"Basta ingatan mo ang magiging anak natin ah." Dagdag pa nito habang hinahalikan ang aking noo kaya napapikit ako hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis pero ilang sandali pa lamang ang nakakalipas ng biglang.
"Drake!" Sigaw ko nang mamilipit ako sa sakit. Hinang hina na ako para ilakad ang aking mga paa pero wala si Drake sa aking tabi kaya gumapang na lamang ako sa sahig habang humihingi ng tulong.
"Tulungan niyo ako!" Sigaw ko nang makita ang isang nakamaskarang lalaking papalapit sa akin pero hinila na nito ang aking mga paa. Pinilit kong kumapit sa paanan ng kama pero wala na akong nagawa dahil hinang hina narin ako. At ang nagawa ko na lamang ay ang umiyak habang binibigkas ang pangalan ng taong mahal ko.
"Drake." Bulong ko habang nakatingin sa maliwanag na buwan pero sandali ko lamang itong nakita dahil tinakpan na nila ang aking mga mata gamit ang isang panyo.
"Ano bang kailangan niyo sa akin?" Galit na sigaw ko nang sumalubong sa akin ang kadiliman. Hindi ko na alam kung nasaan kami pero isa lang ang nasisigurado ko. Na isang maling galaw ko lang ay maari akong mapahamak.
"Takpan mo nga ang bunganga ng babaeng yan!" Galit na sigaw ng isa pang lalaki kaya nilagyan narin ng panyo ang aking bibig. Lalo naman akong napahagulgol dahil sa mga nararanasaan ko sa lugar na ito.
"Parang awa niyo na palayain niyo ako." Pagmamakaawa ko sa kanila pero sarado na ang kanilang isip . Tanging ingay ng kanilang mga halakhak ang maririnig sa paligid.
"Pinatay mo si papa!" Sigaw ng isang batang babae habang umiiyak. Tila namanhid ako ng marinig ang bawat salitang binibitawan niya. Hindi ko ikakaila na may napatay ako pero hindi ko iyon sinasadya.
"Mas malala ka pa pala kay Madam Saavedra." Sabi naman ng isang lalaki kaya mabilis na nangunot ang aking noo.
"Sinong Madam Saavedra?" Tanong ko sa kanila.
"Ang babaeng pinakamakapangyarihan sa lugar na ito." Sabi naman ng lalaki kaya mabilis akong napatango. Kaya siguro maraming natatakot sa kaniya kasi kaya niyang manipulahin lahat ng tao.
"Wala kayong puso!" Sigaw ng isang batang lalaki habang binabato ako ng kung ano-ano. Mabilis naman akong yumuko upang hindi ako matamaan sa mukha.
"Mamamatay tao!"
"Ang dapat sa inyo! mamatay!" Sigaw ng iba habang patuloy akong binabato pero wala akong magawa upang pigilan sila. Masakit na marinig ang mga salitang binibitawan nila pero hindi ko magawang takpan ang aking tenga. Gusto ko nalang na makawala pero hindi ko alam kung sa pagkakataong ito ay may tutulong sa akin. At habang tumatagal ang pananatili ko rito ay lalo akong nawawalan ng pag-asang mabuhay. Dahil balak nila akong patayin.
"Ang baby ko." bulong ko habang tahimik na umiiyak. Wala na iyong mga taong bumabato sa akin pero iyong sakit na dinulot nila ay nandito parin. Ramdam ko ang kanilang mga hinanakit pero hindi ko na maibabalik ang buhay ng mga nawala. Napatay ko sila pero hindi ko iyon sinasadya.
"Akala mo ba maaawa kami sayo? Nagkakamali ka!" Sigaw ng lalaki kaya napatahimik ako. Akala ko kasi wala ng tao pero may nagbabantay pa pala sa akin. Puro lalaki ang naririnig kong nagtatawanan kaya lalo akong humikbi.
"Parang awa niyo na! pakawalan niyo na ako!" Pagmamakaawa ko pero lalong lumakas ang kanilang mga halakhak na tila ba nang-aasar.