Sobrang saya ng bata na nakaupo sa daddy nito at ang babae ay nakangiting nakatingin sa kanila.
"Good morning sir, excuse me sir may pa papermahan lang po ako sana sayo sir." bati ko dito ng makapasok ko at sabay abot ng papel na dala ko.
"Ok ano iyan." sabay kuha ng papel na inabot ko, at ako nakatayo parin sa harap ng table nito.
"Mag ha-Halfday ka? hmmmm.... Not Feeling well?" basa nito sa nakasulat na reason sa papel.
"Yes po sir, sumama kasi pakiramdam ko sir." malumanay na paliwanag ko.
"Pumunta ka na ba ng Clinic?." pag-aalala tanong nito na tumingin sa akin.
"Wala po pero gusto ko na lang po sanang umuwi para makapagpahinga siguro na over fatigue ako sa puyat ko kagabi sa report para matapos." pagsisinungaling na paliwanag ko na kahit ang totoo ay kami naman ang magkasama kagabi.
"Ok ayan, get some rest." sabi sa akin sabay abot ng papel na pinirmahan niya.
"Salamat po, alis na po ako ma'am, sir." paalam ko sa kanila.
***** JOAQUIN POV. *******
Ikinagulat ko talaga ang pag dating ng anak ko at Ex-Wife ko. Alam ko na nagulat talaga si Hanah sa nangyari, gusto ko man sabihin sa kanya noong una about sa anak ko eh kumukuha pa ako ng tyempo pero huli na ang lahat alam niya na ngayon.
Alam ko sa sarili ko na kailangan ko talaga ipaliwanag sa kanya ang lahat. Kung saan nag kaayos kami ay nagulo na naman ulit. Ayaw ko mawala si hanah sa akin. Yan ang kinakatakot ko kaya tinago ko muna sa kanya.
"Baby, sorry pupunta ako mamaya sa inyu usap tayo about sa nangyari." Chat ko sa kanya.
"Wag na!" reply nito sa akin.
Alam ko na galit na galit ito ngayon sa akin.
After ng Office ay nag dinner kami ng anak ko at ng Ex-Wife ko sa El Grande Hotel.
"Baby, daddy will go somewhere I have to fix sa work ko, danica iuwi muna si sheska at bukas bibisita na lang ako after work sa inyu." paalam ko na pagsisinungaling ko sa anak ko at utos ko ky Danica.
"Saan ka naman pupunta at gabi na?" Tanong ni Danica sa akin.
"Basta about work dalhin muna si sheska, papahatid ko na lang kayo kay Tatay Henry." sabi ko dito at tinawagan ko na kanina c Tatay Henry na driver namin na sunduin sila at ihatid sila sheska sa bahay nila Danica.
"Ok" tanging na sagot nito sa akin.
Maya-maya at dumating na si tatay Henry.
"Tatay Henry!" tawag ni Sheska sa driver namin kahit papano ay kilala pa niya ito.
"Sheska ang laki muna at mabuti marunong ka pa rin mag tagalog." nakangiting sabi ni tatay Henry kay sheska.
"Yes po kasi si Mommy tinuturuan parin ako." masayang paliwanag ni sheska
"Tara na ma'am." pagyaya ni Tatay Henry kay Danica ng pag buksan nito ng pinto ng sasakyan sa passenger seat.
Sumakay na sila at agad na umalis. Ako naman ay tumungo agad sa Sasakyan ko sa parking area. Bumyahe agad ako patungo kina hanah pero bumili muna ako ng Boquet at box of donuts para dalhin sa kanya.
Nang mabili ko na ang mga kailangan kong dalhin para sa kanya ay dali-dali akong bumyahe patungo sa kanila. Habang nasa byahe ay alam ko na ang laking galit nito sa akin dahil tinago ko ang anak ko.
Pagkadating ko sa kanila ay kumatok ako sa gate nila at pinagbuksan ako ng Papa nito.
"Good evening po tito, si hanah po?" Bati ko sa papa nito nung ma buksan ako ng gate.
"Ay, lumabas iho may bibilhin lang daw, pasok ka muna." sabi nito sa akin at mas binuksan ang ang gate para makapasok ako.
"Salamat po tito." sabi ko sabay pasok dala ang mga pinamili ko sa kanya.
"Tito pwedi po bang lagay ko po ito sa kwarto niya?" paalam ko sa papa nito.
"Oo naman magugustuhan niya iyan, kanina pa yun kasi nag mukmuk sa kwarto nito." sabi ng papa nito na may pag aalala.
Nung makapasok na kami sa bahay ay tumungo ako sa kwarto nito.
"Good evening tita." Bati ko ky mama niya nang makasalubong ko ito mula sa kusina.
"Oh iho, Good evening lumabas c hanah." sabi nito sa akin.
"Oo nga daw po sabi ni tito, lagay ko po ito sa kwarto niya tita sana." paalam ko sa kay tita.
"Sige iho, matamlay kasi kanina yun ewan ko ba sa bata na yun ayaw naman mag sabi kung ano nararamdaman." malungkot na pagbibigay alam ni mama niya sa akin about sa kalagayan nito nung umuwi mula sa trabaho kanina.
Pumasok na ako sa kwarto niya at binuksan ko ang ilaw at wala nga siya rito sa kwarto niya. Nilapag ko ang dala ko sa mesa. Tumungo ako sa kama para umupo. Binuksan ko ang drawer nito na maliit na malapit sa kama nito at may kinuha ako.
Habang binabasa ko ito ay nag bukas ang pinto at si hanah ang nakita kong pumasok na parang gulat sa presensiya ko at sa hawak ko.
"ano ito?!!!!" tanong ko na parang may nagbabaga na init sa ulo ko sa galit.
"Hanah sumagot ka, Iniinum mo ito? Pills? Kailan pa? Kaya di ka mabuntis buntis pala." sunod sunod na tanong ko dito kasi sa totoo lang ay gusto ko talagang mabuntis siya everytime na mangyayari sa amin yan ang hiling ko sa sarili ko pero nagulat ako sa kanita ko.
"ano bah ginagawa mo dito at nangi alam kapa ng gamit ko!!!!" galit na sabi nito sa akin sabay agaw ng hawak ko.
"Sagutin mo tanong ko!!!!" sabi ko sa kanya at hinawakan ko siya sa balikat at hinaharap sa akin habang nag lalagay ng kinuha ko sa drawer nito.
"Bakit ba!!!! Dapat ko lang gawin iyon para sa kapakanan ko at sayo!!! Di pa ako ready at alam mo iyan!!!! Paano na buntis ako at may anak ka pala!!!!!" Sabi nito sa akin na my galit sa akin.
"MANLOLOKO KA!!!!!!" sigaw nito sabay hagulgol.
"Ginawa mo akong kabet!!!?" sunod na sabi nito na humahagulgol sa iyak.
Di ako nakakibo at niyakap ko siya ng mahigpit. Naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya.
"Shhhhh.... Sorry baby." sabi ko sa kanya sabay tingin sa kanya na niyayakap ko.
"Bakit nilihim mo sa akin? Ano pa ang di ko alam? Ano pa ang tinatago mo?" sunod sunod na tanong nito sabay pag patak ng mga luha nito sa aking dibdib.
Umupo ako sa kama nito at hinawakan ko siya sabay pinaupo ko siya sa mga paa ko.
"Sorry kung tinago ko kasi sa takot na mawala ka sa akin. Sorry, pero sasabihin ko naman sana iyun, kaso kumukuha pa ako ng tyempo kasi alam ko ito ang dahilan na ikalayo mo sa akin." nalulungkot na paliwanag ko sa kanya sabay angat ng mukha nito para titigan siya.
"Ang sakit kasi tinago mo, ang sakit kasi alam ko sa sarili ko na di dapat ako masaktan ng ganito kasi wala namang tayo, ang sakit kasi parang naloko ako sa unang pagkakataon at ikaw pa ang gumawa." humihikbing sabi nito sa akin.
Niyakap ko sa siya ramadam ko ang sakit na naramdaman niya, di ko naman gusto na saktan siya at malaman niya tungkol sa anak ko sa ganitong paraan. Ramdam ko ang pag tagos ng mga luha nito ulit.
"Pero bakit di mo rin sinabi na gumagamit ka ng Pills na palihim pala." malungkot na tanong ko sa kanya.
"Sorry di pa talaga ako ready." tanging sagot nito patuloy sa pag iyak.
"Ok sige hihintayin ko ang araw na maging ready ka, pero aayusin ko ang sa anak ko at sa atin." sabi ko sa kanya.
"Paano c Danica? Ang asawa mo." tanong nito sa akin.
"Ex-Wife ko na siya, we already divorce, ang may ugnayan kami ay sa anak lang namin." paliwanag ko sa kanya.
"How about me? Us?" tanong niya bigla.