Pagka alis ni Samantha ay nag ayus na ako ng mga folder na kailangan kong ipasa sa kay sir Joaquin para this month na report. Nung maayos ko na ay tumayo na ako at umalis patungo sa opisina ni sir Joaquin.
Nang makarating ako sa pinto ng opisina niya ay kumatok ako ng tatlong beses.
"Pasok." sabi ng boses sa loob.
"Good Mor.....ning?" mahinang pag bati ko kasi di pala sir Joaquin ang nasa loob ng opisina niya.
"Nasaan si sir Joaquin?" tanong ko dito.
"Hi, ako pala si Dennis ang bagong sekretarya ni Boss Joaquin." preskong pag bati nito sa akin sabay abot ng kamay nito sa akin.
"I'm hanah, nasaan si sir?" pagpakilala ko sa kanya sabay tanong dito ulit nang di ko inabot ang kamay nito, parang gwapong gwapo sa sarili ang lalaking ito.
"Lumabas lang miss sungit." sagot nito sabay balik upo sa couch at ako umupo sa upuan sa harap ng table ni sir.
"Ok, thank you." tanging sagot ko.
"May boyfriend kana miss ganda?" tanong nito na nakangiti.
"Wala" sagot ko na naiinis.
"Oh! Baka pwedi ako maka apply na boyfriend mo?" natatawang tanong nito
"Anong boyfriend?!" Biglang may malaking boses nag tanong mula sa pinto na ikinagulat ko at ito pala si Sir Joaquin na nakitang kong galit ito.
"Ah wala sir, mag aaply sana ako ng boyfriend kay miss ganda sir." naka ngiting pang sumagot ito kay sir at di pa nahiya talaga.
Tumigin sa akin si sir Joaquin.
"Oh? gusto mo din hanah?" tanong nito na nakatingin sa akin patungo sa office chair nito na nakikita kong galit ito.
"Ha?! Sa kanya sir? Wag na sir salamat na lang, busy ako!" sagot ko dito sa Dennis na ito at sinamaan ko ng tingin.
"Sungit mo naman miss ganda." panunukso pa nito sa akin.
"Sir ito pala ang report." sabay bagsak ng mga folder sa mesa ni sir Joaquin.
"Galit ka miss hanah?" tanong ni sir Joaquin na nakataas ang isang kilay nito na nagulat sa pag bagsak ng mga folder.
"Di po sir, Sorry naiinis lang ako sa sekretarya mo." naiinis na sagot ko.
"Mr. Dennis don't bother miss hanah in the office." utos nito.
"Ok sir." natatawang sagot nito at tumigin ako ky Joaquin ng naiinis.
"Do you want to lose your job?!" galit na tanong nito kay dennis.
"No, sir sorry." sagot nito.
"So, Fucos! don't bother any of my staff or else I will fire you." Utos nito sa kanya.
"Ok sir, sorry miss ganda." sagot nito sabay yuko at nagpaka busy na sa Laptop nito.
"Back to work, by the way miss hanah ito naba lahat?" sabi nito sabay tanong na binuksan ang isa sa mga folder na dala ko.
"Yes, sir the pa pirma na lang po ako ng isa diyan after mo po ma check at ibabalik ko kay Miss Shane." sabi ko dito habang nakatingin sa kanya na nakatingin sa folder, si Miss Shane kasi ngayon ang head ng Accounting department at nakikita ko ang mapupungay na pilik mata nito, ang ganda talaga ng pilik mata nito.
Habang naka masid ako sa kanya at mas na oobserbahan ko ang mukha nito na ang gwapo talaga, bigla akong nakaramdam ng init sa aking mukha at tenga patungo sa loob ng aking katawan.
"Mukha pa lang ng mukong ito ay nag iinit na ang katawan ko ano pa kaya kung mag hubad ito sa harap ko. Siguro kung wala lang ang sekretarya niya ay kanina pa kami nag sunggaban nito." natatawa na pag uusap ko sarili ko.
"Yes miss hanah?" Nakangiting tanong nito at di ko na malayan ay nakita niya pala ako na nakangiti sa mga iniisip ko.
"Daddy!" biglang may tumawag sa likod namin na ikinagulat ko. Napatayo talaga ako sa gulat.
"Daddy?" Tanong ko ng may nakita akong batang biglang pumasok sa office at tumingin ako ky Joaquin na natutulala sa gulat.
"Ha?!!! Daddy? May asawa siya? Ito ba itong babae na ito? Maganda naman ito, pero bakit? Kabit ba ako?" Sunod-sunod na tanong ko sa isipan ko na nagulat talaga ako.
"Oh! Baby your here? Kailan pa?" Tanong nito sa bata at pinaupo sa kandungan nito.
"Last night dad, sabi ko ky mom na surprise ka po namin." masayang sagot na kandong kandong sa kay sir Joaquin.
"Daddy?" biglang mahinag sambit ko.
"Hanah please meet Sheska anak ko." sabi nito sa akin nakita niya nagulat talaga ako.
"Hi, hanah I'm Danica, wife of Joaquin, your the secretary?." sabi ng magandang babae na nasa gilid ko sabay natong at abot ng kamay nito para mag kamay sa akin.
"Tama ba rinig ko? Wife?" tanong ko sa sarili ko na gulat na gulat sa mga nangyari.
"Ex-Wife!" sabat naman ni Joaquin.
"No po, nasa Accounting department po ako ma'am nag pass lang po ako ng report, Mr. Dennis is the Secretary of Sir Joaquin." sagot ko sabay turo ky Dennis na nasa couch.
"Oh, Mr. Joaquin himala at lalaki ang sekretarya mo ngayon." nakangiting sabi nito ni Danica na namangha.
"Oo para bago naman." pag susungit na sagot nito sa kay danica.
"Excuse me sir Joaquin, kukunin ko na po yung na permahan mo para makabalik na po ako." sabi ko dito na tumingin talaga ako pinaramdam ko mula sa mata ko ang inis at parang may luhang papatak mula dito.
"Bakit niya tinago? Ano pa ang di ko alam? Ano pa ang pwedi kong malaman mula sa kanya? Ano pa ang mga tinatago niya." Sunod-sunod na tanong ko sa sarili ko.
Gusto kong umiyak pero di pwedi. Wala akong right.
"Ito miss Hanah." Sabay abot ng Folder sa akin at nakikita ko sa mata niya ang pag aalala pero di pwedi ako ma apektohan. Manloloko siya.
"Alis na po ako ma'am sir." paalam ko sa kanila.
"Daddy can we have dinner tatlo tayo ni mom,para happy family ulit tayo." sabi ng anak niya na narinig ko ng palakad ako patungo sa pintuan para lumabas.
Nadudurog ako, ngayon sa loob ko parang gusto kong sumalampak sa sahig at umiyak.
Sobrang sakit ang nalaman ko ngayon.
"Manloloko siya." sabi ko sa sarili ko na nakahawak sa labas ng pintuan ng opisina niya.
Lumakad na ako patungo sa Office ni ma'am Shane para ipasa ko itong report. Parang biglang gusto kong umuwi at humagolgol sa iyak.
"Ma'am ito na po ang report." matamlay na sabi ko kay ma'am shane na pinagtaka nito.
"Miss Hanah are ok?" nagaalalang tanong nito sa akin.
"Ma'am?" mahinang tawag ko sa kanya na nakatingin sa mga folder na nasa mesa na lahat my perma ni sir.
"Yes?" tanong nito sa akin na ang atensyon ay nasa folder parin.
"Ma'am pwedi po akong mag early out? Bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko ma'am." matamlay na sabi ko dito na nakayuko. Gusto na talaga ng dibdib ko na sumabog sa sakit. Gusto kong umiyak pero di pwedi.
"Yes, miss hanah you can early out but you should bring this first to sir at pa papermahan to approve." sabi nito sabay abot ng papel na 1/4 na papel sa laki.
"Kailangan po talaga ma'am?" pagtatakang tanong ko sabay kuha ng papel na inabot nito at tiningnan.
"Yes, kasi yan ang bagong rules ngayon, kasi dapat mag meeting pa tayo tomorrow about some new rules kaso na una ka na mag-paalam kaya ngayon alam muna ang isa sa mga bagong rules." paliwanag nito sa akin.
"Ok po ma'am, thank you po." sagot ko dito.
"Maiitindihan ka naman ni sir kasi masama pakiramdam mo." sabi nito sa akin.
Umalis na ako at bitbit ang papel. Pinag iisipan ko pa kung mag halfday lang ba ako or wag na. Pero tumungo parin ako sa opisina niya, buo na desisyon ko halfday muna ako.
Napabuntong hininga muna ako bago kumatok.
Nang buksan ko ito ay nakita ko sila na masaya, kausap ang anak nito na nakaupo parin sa kandungan nito.