After namin magpaka saya sa ginagawa namin ay nakatulog ako sa braso nito habang nag uusap kami di ko na malayan na nakatulog na pala ako.
Na gising ako sa pag alarm ng phone ko, pagkagising ko ay wala na c Joaquin sa aking tabi.
"Dito din kaya natulog yun? Nakatulog kasi ako, kung dito na tulog yun ang aga naman nagising nun at din man lang ako ginising." Tanong ko sa isipan ko ng pag gising ko ay wala na ito sa aking tabi.
Dali-dali kong kinuha ang tuwalya ko para maligo naka ngiti akong nagtungo sa banyo kasi masaya ako dahil ok na kami. Humarap ako sa salamin ko sa banyo.
"Good Morning Self, start your day with a smile para maging maganda ang araw mo ngayon." kausap ko sa sarili ko na nakaharap sa salamin na naka ngiti.
Naligo na ako at pagkatapos kong maligo ay agad akong nag bihis pinatuyo ko ang buhok ko at nag ponytail ako ngayon para medyo ma iba naman.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako sa aking nakita.
"Good Morning baby." Bati nito sa akin na nagluluto sa kusina.
"Si mama?" Tanong ko nang nagtataka.
Andun sa kwarto nila nag sabi ako na ako muna ang magluluto ngayon." Nakangiting sabi nito sabay lapag ng pagkain sa mesa.
"Akala ko umalis ka na?" Tanong ko dito na nakasalubong ang mga kilay ko sa pagtataka.
"Hindi umaga lang ako na gising para magluto at di kita ginising kasi sobrang aga pa naman." nakangiting sabi nito sabay halik sa noo ko.
"Thank You." sabi ko na nakangiti.
"Nak, gising ka na pala yung boyfriend mo nag pumilit na mag luto kaya hinayaan ko na." nakangiting sabi ni mama sa akin.
"Boyfriend?" tanong ko ky mama.
"Hindi naman po kami magka relasyon ni Sir Mha." Sunod na sabi ko ky Mama na napatingin naman c Sir Joaquin sa akin.
"Tita, Hindi pa po magpapaalam pa lang po ako sana sa inyu ni tito kaso nakakahiya kasi may edad ako sa anak niyu baka ayaw niya sa akin." nakangiting sabi nito ky Mama.
"Ok lang yan iho, nasa ky hanah naman yan kung tatanggapin ka niya or hindi sa edad mo, Diba anak." Sabi ni mama sa kanya at biglang tumingin sa akin c Mama na nakangiti.
"Kain na lang tayo at baka ma late pa tayo" sabat ko sa usapan nila kasi naiilang ako.
"Ano bang ginagawa ng mukong na ito or anong nakain nito at ba't nagka ganyan siya." Pagtatakang tanong ko sa isipan ko.
Umupo na kami at sabay sabay na kumain at biglang dumating c Papa at sumabay na din sa amin.
Nang matapos na kaming kumain ay ang nag ligpit na kmi ng pinagkainan namin at c Mama na ang maghuhugas ng plato dahil aalis na kmi at c Papa naman ay lumabas na para mamasada.
"Mha, alis na po kami." Paalam ko ky mama sabay halik sa pisngi nito.
"Tita Alis na po kami, salamat po ulit." Paalam naman ni sir Joaquin ky Mama
"Sige ingat kayo anak." Paalala ni Mama.
Lumabas na kami ng bahay ni sir Joaquin.
"Sa Tricycle na lang po ako sir." sabi ko ky Sir Joaquin habang palabas kami ng Gate.
"Anong Tricycle? May sasakyan ako at sa akin ka sasabay." sabi nito sa akin.
"Pero...... ano na lang sabihin ng mga empleyado mo na ang isang empleyado mo sumasabay sayo." sabi ko sa kanya.
"Pake ko? Ah basta Miss Hanah Perez, sa akin ka sasakay that's my Final Answer." Sabi nito sabay bukas ng pinto ng sasakyan niya sa frontseat niya.
"Ok" tanging sagot ko.
"Habang nasa byahe kami napapaisip ako ano kaya sasabihin ng makakakita sa amin, baka awayin ako ng ibang empleyado, eh marami pa naman may gusto sa kanya kasi kahit my edad na si sir Joaquin ay ang pogi talaga nito di mo talaga mapagkakamalang may edad na, ah basta! Bahala na c Batman mamaya, wala na akong magagawa eh, gusto niya akong sumabay sa kanya." Pag uusap ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami ng Opisina, hindi cya huminto sa harap ng building umikot cya pa puntang Parking area sa ground floor. Pagkarating namin ay bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Thank You." sabi ko dito.
Di siya sumagot tanging humalik lang sa noo ko at ikinagulat ko, dali-dali akong tumingin sa paligid namin baka my naka kita.
"Nerbyosa mo, ano ba kinakatakot mo sa kanila kung gagalawin ka nila, ediee sisantihin natin." natatawang sabi nito sa akin.
"Ewan ko sayo, tara na nga." sabi ko dito sabay tapik sa dibdib nito.
Naglakad na kami patungo sa elevator papuntang 2nd Floor andun kasi Department ko at Office niya din. Habang nasa elevator kami ay nagulat ako kasi biglang hinalikan niya ako sa leeg ko.
"Mr. Joaquin please behave, wag dito." Pag saway ko kanya kasi baka bumukas ang elevator at may makakita sa amin.
Pagka bukas ng elevator ay agad akong lumabas at nag tungo sa desk ko, habang nag lalakad ako ay napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin ito sa akin hanggang sa makarating ako ng Desk ko. Laking gulat ko ng mg isang boquet ng rose sa mesa ko.
"Have a nice day, baby - Secret Admirer." Basa ko sa Card na nakalagay.
"Uyyyyyy.... kanino yan galing? Sana all my pa rosas sa umaga." Panonokso ni Samantha sa akin.
Si Samantha ay isa sa mga na naging kaibigan ko sa Department dalawa sila ni Mark kaso nilipat na si mark ng mukong na yun.
"Ewan kanino galing." Pagsisinungaling ko dito dahil may kutob ako ky Sir Joaquin ito galing.
Agad akong umupo at nag chat sa kanya sa w******p pero may biglang message pala na dumating na di ko pa na basa galing ky Joaquin.
"Maganda ba? Nagustuhan mo ba?" Sunod-sunod na tanong nito at tama nga ako ng hinala.
"Paano? eh, magkasama tayo diba?" tanong ko dito.
"Pinadeliver ko syempre para surprise." reply nito sa akin.
"Thank You." reply ko dito sabay send ng Picture ng bulaklak sa kanya.
Sinantabi ko muna ang Boquet at nagpaka busy na ako sa trabaho ko.
"Tara break tayo." Yaya sa akin ni Samantha para mag break kasi Oras na ng break pala di ko na malayan ang oras sa sobrang Busy ko.
"Tara" sagot ko dito sabay tayo.
Naglalakad na kami patungo ng canteen ng ma salubong namin si Sir Joaquin.
"Good Morning sir Joaquin." bati ni Samantha sa kanya na naka todo smile talaga.
"Good Morning sir." bati ko naman dito
"Good Morning." sagot nito sa amin sabay sakay ng elevator.
"Ang pogi talaga ni Sir no? kahit may edad na pero ok pa yan kaya pa yata niyan." natatawang sabi nito sakin na hanga sa ka pogi-An ni sir na parang may pagka andonis sa kapogi-An.
"Bet mo ba si sir Hanah?" sunod na tanong nito sa akin.
"Hindi" mabilisang sagot ko kasi mahirap na.
"Di ka ba na a-attract sa kanya nung naging sekretarya ka niya, ang swerte mo kaya araw-araw magkasama kayo." naka ngiting sabi nito sa akin.
"Hindi, ang sungit kaya niya." sagot ko dito habang nag babayad na kmi ng binili namin.
"Yun lang" sagot nito sa akin habang patungo kami sa mesa na kakainan namin.
Busy na kami ni Samantha na kumakain ng breaktime namin. Nung matapos na kami kumain ay agad na kami bumalik sa Desk namin.
"Uy girl alam mo na ba kanino galing ang Boquet mo?" nakangiting tanong nito sabay turo ng Boquet na nasa table ko gamit ang nguso nito.
"Hindi pa, ewan ko ba kung kanino galing yan sa pangit kong ito may magbibigay ng ganito ka gandang bulaklak." Nakangiting pag sisinungaling kong sabi sa kanya.
"Sana all na lang talaga." Panunuksong sabi nito sabay alis na ito.