"Boss? Puwede ba akong mag-early out ngayon? Wala kasing magbabantay kay Mama sa Hospital," nahihiyang paalam ko kay Boss na seryosong nakatingin sa akin. Hindi siya sumagot bagkus ay tumayo siya bago inayos ang suot na suits. Kinuha niya ang cellphone at wallet niya bago dumiretso sa pinto. "I'll be going too. Let's go." Magpoprotesta na sana ako nang walang sabi-sabi siyang lumabas sa opisina kaya napapailing na sumunod ako sa kaniya. Nang makarating kami sa Hospital ay nagmamadaling nagpasalamat ako bago bumaba. Ganoon na lamang ang pag-awang ng labi ko nang bumaba rin ng kotse si Boss. Baka naman may bibisitahin din. Nagkibit-balikat ako bago dumiretso sa loob. Habang naghihintay ng elevator ay may biglang tumabi sa akin. Pamilyar ang pabango nito dahilan upang kunot-noong nilin

