Magkadikit ang mga kamay ko habang tahimik na nakaupo sa gilid ng kama. Rinig ko ang paglagas ng tubig na nagmumula sa banyo. Nandito ako ngayon sa loob ng kuwarto ni Boss Jacob. Pagkarating namin dito ay nagpaalam agad siya na maliligo habang ako naman ay matiyagang hinihintay siya na matapos. Sobrang kinakabahan ako. Ramdam ko ang panlalamig sa kamay ko at pagbilis ng t***k ng puso ko. Gusto kong tumayo at umalis palayo rito pero hindi ko magawa. Ni hindi ko nga magawang tumayo dahil sa kawalan ng lakas at panginginig ng tuhod ko. Napayuko ako at napapikit nang mariin habang nananalangin na sana panaginip lang 'to. Pakiramdam ko ay unang beses akong m************k dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano aakto at kung ano ang gagawin. Parang tumigil ang t***

