"Mommy!" Abala ako sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko nang biglang sumulpot si Liam. Nag-angat ako ng tingin bago siya nginitian nang matamis. "Liam," sabi ko. Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "I missed you, Mommy," umiiyak na usal niya na siyang nagpalambot ng puso ko. Hinagod ko ang likod niya at hinalikan ang tuktok ng ulo niya. "Me too, baby. I missed you." Tumingala siya habang humihikbi. Kumirot ang puso ko sa nakita at pinunasan ang luha sa mga mata niya. "Promise me that you will never leave me again," saad niya dahilan upang matigilan ako. Napansin naman niya iyon dahilan upang kumawala siya bago humakbang paatras. "A-Anak…" "Promise me, please," nagmamakaawang wika ni Liam dahilan upang mapalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang sasa

