CATHLYN Habang nasa daan kami pauwi ng condo ay hindi ako mapakali. Hindi` ko maiwasang hindi kabahan sa mga nangyayari. Dapat ay takot ang manaig sa akin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang taong gumawa ng masama sa akin pero heto ako, kung ano-ano ang iniisip. Natutulala ako sa tuwing tatanawin ko si Sir Ezekiel sa tabi ko na nagmamaneho. Hindi ko inaasahan na siya pa mismo ang maghahatid sa akin pauwi ng condo. Alam ko naman na nag-alala din siya kahit paano sa akin dahil empleyado niya ako at may nangyaring masama sa akin kaya dapat lang na mag-alala ito. Pero hindi na siguro kasama sa pag-aalala nito ang mangako sa mga magulang ko na hindi niya ako pababayaan. Nagulat ako ng marinig ko mismo sa mga labi niya ang mga pangakong sinabi niya sa mga magulang ko na para

