CATHLYN Lumipas ang ilang araw at hindi nan ga pinabalik ni Sir Ezekiel ang dalawang bodyguards na nagpunta sa shop para bantayan kami o ang mga mamimili. Unti-unti ay bumabalik na ulit ang mga costumer na regular na bumibili sa shop namin. Hindi ko rin namalayan at hapon na rin pala. Busy ang mga kasamahan ko sa shop sa pag e-entertain ng mga costumer. Nang silipin ko ang cellphone ko ay doon ko nakita ang isang text na galing kay Limuel. Busy daw ito sa trabaho kaya hindi nakakadalaw sa shop. Binanggit din nito ang tungkol sap ag franchise nito sa negosyo namin na nakalimutan kong banggitin kay Sir Ezekiel ng huli kaming magkita sa restaurant. Kahit papaano ay nalilibang ako sa mga ginagawa ko dito sa shop kaya paminsan-minsan ay nawawaglit sa isipan ko ang tungkol sa nararamdaman

