"Galit ka?" kanina ko pa siya tinatanung pero hindi naman ako pinapansin ( _ _")
"Oiii... Pokemon? Galit ka ba?" Aaayyy naman. Ba't ba ayaw akung pansinin nito? Galita nga eh. Ako naman kasi, hindi ko rin naman alam na makikita ako ni Lance sa mall.
Kaya eto ako, wala naman si Kathy sa bahay. Gabi na di pa rin umuuwi kaya si Dave ang nagluluto ngayon, di ko naman inutusan eh. Ayaw lang ata akung kausapin kaya nagluto na lang.
"Pokemon? Sorry na...hindi ko naman alam na nandun si Lance eh, promise. May kinuha lang ako, babalik naman talaga ako agad eh." sobrang pa-cute at mukhang iiyak ba ako sa kakapaliwanag kay Dave pero di niya pa rin ako pinapansin. Nagtatampo nga talaga.
"Oooiii..." wwaaahh!!! Wala talaga. Hopeless na ako.
"Why didn't you just tell me na may kukunin ka sa mall, sana sinamahan na lang kita. Sinabi ko na na ayoko sa kumag na yun pero sumama ka pa sa kaniya." ( _ _") nagsalita na pero galit.
"Hindi na mauulit, sorry na baby ko. Sorry na" nilalambing ko na siya. Tapos niyakap. Kailangan mabait ako. Huhuhu... Hindi na talaga ako uulit.
"Alex." sinasabi niya na parang tumigil na ako. Pero waaahhh!!! Galit siya.
"Alex naman eh." naiirita na ata.
"Wag ka ng galit..." huhuhuhu....
"Alex bitawan mo ako." inaalis niya na yung kamay ko sa bewang niya.
"Ayoko! Wag ka na munang magalit..." hindi pwede! Dapat hindi na siya galit sa'kin.
"Hindi ako galit. Just..just get off..." O_O galit pa rin siya.
"Ayoko! Eh kung hindi ka galit ba't ayaw mo akung kausapin?"
"Hindi nga ako galit eh. End of the story." naiirita na talaga siya, galit pa rin.
"Galit ka." insist ko pa.
"Alex."
Huhuhu... Kasalanan ko to, galit siya.
"Alex I'm not mad at you." medyo lumambot na ang boses niya, pero if I know galit pa rin siya.
"Eh ano?"
"I'm just jealous, you know how I am so possessive of you..." naramdaman kung huminga siya ng malalim.
^____^ Aaaiiyyeee.... Parang lumulundag naman ang puso ko. Sheme!
"Ai nakkooowww.... Ang Pokemon ko talaga. Kaw lang naman ang mahal ko eh, wag kang over!" tapos niyakap ko pa siya ng mahigpit.
"Just don't do it to me again, ayokong may kasama kang iba." he said it na parang galit na naman siya. Sows! Nagseselos.
Akala ko magagalit talaga siya sa'kin at bibigyan niya ng big deal eh.
The next day, nagtext sa'kin si Dave na di daw muna siya pupunta sa bahay dahil may inaayos daw sila ni Ash at Elle. Hindi ko naman alam kung ano, at hindi ko na rin tinanung dahil alam kung hindi na naman ako sasagutin. Kaya eto ako ngayon, stuck sa bahay kasama si Kathy.
"Girl nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Angeline?" tanung niya habang kumakain sa sala.
Si Angeline? Siya yung school hotty sa university. Naalala ko pa siya nung binuhasan siya ng tubig ni Dave nun, yung pumunta siya sa school at hinanap ako.
"Oh, wala. Bakit?" sigurado ako may nakaaway naman yun. Ibang klase ang lahi nun eh.
"Buntis siya girl."
O_O Talaga?
"So nadale na talaga?" I'm not being judgmental pero ineexpect ko naman talaga na mangyayari yan kay Angeline eh. Parang ganun kasi siya 'kakaiba'
"Mismo girl. And you know what, unknown pa rin ang father." chismis pa ni Kathy.
( _ _") Ai nakow. If she was just being wiser.
"Hmp! Hayaan mo na lang yang mga problema nila..." tapos tumayo na ako. Maliligo na ako kasi manonood daw kami ni Kathy ng The Avengers. Maganda daw yun eh, gusto ko lang naman dun si Iron Man. Ang HOOOT naman kasi ni Robert Downey Jr. Hahaha... Wag maingay sa Pokemon ko.
"Ai wait girl. Di ba sasama sila Papa Dave?" Uhhmm... If I know, si Elle at Ash ang hinahanap niya. Wag naman sana si Dave noh.
"Hindi eh, may inaasikaso pa daw." na hindi ko pa rin alam hanggang ngayon.
"Tsk! Sayang! Makakasama ko na sana yung dalawa sa dilim!" O_O Kitams.
"Heh! Tumigil ka nga..." tapos naglakad na ako papuntang CR.
"Bili tayo popcorn!" aaayyy nakow! Parang yaya lang ako ni Kathy ntio. Andito na kami sa Mall. Ang daming tao. Buti na lang nga nakabili na kami ng tickets kasi parang naguubusan na.
Hila-hila pa ako ni Kathy para bumili ng popcorns.
"Oo na, sandali."
Tapos siya na rin pumila para bumili. Nandito lang ako sa gilid tapos hinihintay siya. Para nga akung nawawalang bata.
Elle's POV
"s**t! Paano nangyari to?" Prince
"Maari pong pumasok ang magnanakaw sa gamit ang ibang susi." the police dude said.
Ninakawan ang condo unit ni Prince dito sa Marco Polo. Hindi rin namin alam kung papaano, pero who ever did it had done a good job, wala talagang natirang bakas kahit yung CCTV camera walang nakuha.
"I will sue your company for being so incompetent in your security!" sigaw ni Prince sa manager. He serves the right.
The weird thing is, wala namang pera ang nanakaw, kahit yung safe. Kahit TV nga andiyan pa rin.
But...
"Nawawala ang mga papeles..." Prince muttered. Alam namin ang tungkol sa mga papeles na yun.
It's important like f**k.
BOG!
Fuck! Galit na naman si Prince!
"Prince!" Ash shouted.
Parang sasapakin niya kasi yung manager na bigla ng tumakbo.
That's how important those stolen papers are.
"Bro, I think they did it." Ash
"I don't know Ash, it's hard to point fingers." I said. Isa lang naman talaga ang paghihinalaan namin eh. Pero mahirap na, kailangan mahanap ang mga papeles bago magkagulo.
Alex's POV
Ang taaaaagggaaallll....
Pumipila pa rin si Kathy.
Sumenyas na lang ako na maghahanap na lang muna ako ng upuan.
Ano kayang problema nung tatlo at naging busy ngayon?
Hindi naman tumawag si Dave eh.
"Alex!"
Napalingon ako, (//_) Bakit nakikita ko naman siya.
(//_o) sinilip ko, andiyan nga siya.
"Oi bat ka nagtatakip?" tinanung niya ako. WAAHH!!! Ayoko maging bad pero nag promise ako kay Dave.
"Alex are you okay?" TT___TT Papatayin na talaga ako ni Dave.
"Aahh... eehh.. Hello Lance."