Chapter 1. My Wife
"Pokemon ko bangon na..."
"Hhhmmm..."
"Bangon na Pokemon ko..."
"Mamaya na..."
Ang hirap naman gisingin nito oh.
"Pokemon ko naman eh, pupunta na nga lang ak-"
AAHH!!!
Hinila ba naman ako, kaya eto ako, yakap niya na.
"Hhhmm... Pikachu wag kang gumalaw, dito ka na nga lang, mamaya na tayo lumabas" Ano ba naman to.
"Baka hanapin na tayo ni Kathy, mag aalas-9 na Pokemon. Di ka pa ba ginugutom?" Gutom na ako. Baka umalis na rin nga siguro si Kathy eh, ewan ko ba dun, lagi na lang wala tapo-
AAAAHHH!!!
Kamuntikan na akung mahulog, bigla ba namang tumayo.
"Pikachu ko, maligo ka na, kakain na tayo sa labas. Ginugutom na kita, hindi na ako matutulog..." natatawa ako sa kaniya, para siyang bata na nakagawa ng kasalanan, parang bigla na lang naging busy, "...ay hindi, sabay na lang tayo maligo, para mas mabili- Aray!"
Nabato ko na lang tuloy ng suklay medyo masakit rin yun.
"Maliligo na ako, diyan ka lang. May pasabay-sabay ka pa diyang nalalaman..."
Pumunta na lang kaming dalawa sa mall, ayaw niya pa sana kasi marami raw tao. Nagiging alien na ata ang Pokemon ko.
"Table for two miss." Sabi niya sa receptionist. Sa isang mamahaling restaurant na naman kami kakain, magastos talaga to.
"Pokemon bakit dito tayo kakain? Dapat dun na la-"
"Sige babe, reklamo ka pa, hahalikan na kita eh. Kita mo oh, daming tao, sige ka"
Tinakot ba ako.
Tahimik na nga Alex, ang ingay mo talaga Alex.
Umupo na kami sa table namin, tapos siya na ang umorder. Ang dami atang inorder eh, ganun ba ako kagutom? Aakalain nitong waiter eh patay gutom ang kasam-
"Ah ma'am sa inyo po?" napatingin ako sa waiter. Gwapo si kuya, pero mas gwapo pa rin ang Pokemon ko.
"Ah okay na y-"
"That would be all, pakibilisan na lang." sumingit naman ang Pokemon ko. Nagseselos lang ata. If I know.
Bilis-bilis namang umalis yung waiter, sa titig pa lang ng kasama ko baka napatay na siya eh.
"Nagseselos ka no?" tanung ko sabay ngiti.
"Ako? Hindi no." Alam na alam ko talagang nagsisinungaling to,namumula ang tenga eh.
"Ah ganun ba? Sige kausapin ko na lang yung waiter na pa-"
"Aist! Oo na nga, wag na kasing magpa-cute pa eh..." Namumula na talaga ang Pokemon ko.
"Sabi ko nga." Tapos pinigilan ko na lang ang tawa ko, baka magalit eh.
"Pikachu malapit na ang birthday mo." Oo nga pala, magde-debut na ako. Sa March 31, matanda na ako, pero mas matanda naman si Pokemon, dapat ata Lolo ko na siya eh.
"Oo nga..." nag agree na lang ako, ano pa bang sasabihin ko? Ayoko naman yung may sayaw-sayaw no, baduy kaya nun at very formal, mababagot ako dun.
"Gusto mong mag European tour?" Ano daw?
"European tour ka diyan. Maglagay na lang tayo ng lamesa sa harap ng bahay tapos isang case ng beer, isama mo na yung tatlo, ganun ang gagawin natin." Natawa naman siya, ayaw mo nun, para walang gastos, sa gitna pa ng daan, ipa-detour na lang lahat ng dadaan.
"Sira na talaga ang Pikachu ko. Paano ba yan babe, legal ka na, 18 ka na. Pwede na nating gawin si Batman at Boninay..."
Nahihiya ako.
Ilang months na rin ang nakalipas nung nag propose sa'kin si Dave, the best day/night of my entire life. Sa edad kung ganito, feeling ko ang dami ko ng experience pag dating sa pagmamahal. Buti na lang palpak yung amnesia effect ko, kung hindi wala sana akung Dave ngayon.
"Pikachu ko," hinawakan niya ang kamay ko, tumingin lang ako sa kaniya, "...engaged na tayo diba?" napatingin ako sa ring na binigay niya sa'kin noon, isang gold ring na may anim pa na maliliit na diamond and arranged na pa-diamond din.
Engage na nga kami, hinihintay na lang namin ang right time, handa naman akung maghintay eh at bata pa ako. Marami pa akung plano sa buhay ko, at lahat yun kasama si Dave kaya dapat hindi siya mawala, kasi masisira ang protocol.
"I'm going to work in our company, bibigyan kita ng bahay, ikaw ang magiging buhay ko, ikaw na nagiisang tumatawag sa'kin nang Dave and I'm going to marry you and we're going to have beautiful children, magiging masaya tayo, hindi kita iiwan... That I promise you." Tapos hinalikan niya ang kamay ko. Ibang-iba na siya simula nung una ko siyang nakilala.
"Yo! Kamusta na Alex?" Si Elle talaga ng unang nakakita sa'min ah. Pagkatapos naming kumain dumiretso kami sa bar ni Ash. Andito pala silang dalawa eh.
"Okay lang naman, teka mukhang busy ata si Ash ah." Nakita ko kasing nakakunot pa ang noo kaharap ang laptop niya.
"Ah yan. Naglalaro ng Tetris, ilang beses na natatalo eh, ang bobo naman kasi, tinuturuan na nga." Tetris lang pala.
"Ulol! Panalo na ako-s**t! Tumahimik ka kasi Elle!" feeling ko talo na naman si Ash eh, concentrate masyado.
"Sinong banda yan Elle?" tanung ni Pokemon, napatingin ako sa stage, may bago na nag rerehearse nga, pero hindi naman ganun kagalingan. Ang lalaking mama eh, parang hindi naman mga musikero. May mga bandage pa na parang galing lang sa upakan.
"Oh hell man! Sila yung mga nakabangga namin kagabi sa isang bar sa Rizal. Hindi ba naman kami kinilala, kaya yan, sila ang kakanta mamayang gabi." Halos natatawa pang sabi ni Elle.
"Ano? Sigurado ka? Eh baka mag mukhang comedy bar to." Sabi naman ni Pokemon.
"Don't worry, nag hire na rin ako ng mga impersonators para mamaya, para maiba naman ang genre ng bar..." biglang sumulpot si Ash.
"Oh napano na ang Tetris mo?" tanung ko naman, himala tumayo na sa kinauupuan niya eh.
"Wala. Sisiw." Weh?
"Sisiw daw, eh nilalampaso ka na ng mga kalaro mo eh..." Elle
"Puchaks! Tumahimik ka nga, upakan na lang kami ng mga yun eh." Sabi na nga ba, nagsawa na lang sa pagkatalo si Ash.
"Halika na Pikachu, baka matulad ka pa sa kanila..." hinila na lang ako palayo ni Pokemon. Matindi na nga ang sayad ng mga yun.
"Oi Alex mag ingat ka diyan sa boyfriend mo, matindi ang sayad niyan..." pahabol pa ni Ash.
"Anak ng! Sabing asawa ako eh..." kina-career na niya ang 'asawa' effect ah.
Naupo na lang ako dun sa may couch, malapit sa may VIP seats. Kumuha ng juice si Pokemon.
Bigla namang tumunog ang phone ni Dave.
"Pokemon nag riring ang phone mo..." tinawag ko siya.
"Sagutin mo na lang babe..."
Tiningnan ko yung caller ID.
Si Tita Viel.
"Hello Tita?"
"Hello? Sino to?" Di pala ako nagpakilala.
"Si Alex po ito, may kinuha lang po si Dave..."
"Oh Princess. Ikaw pala, sabing momsy na lang ang tawag mo sa'kin eh, anyway, buti na lang ikaw ang nakasagot..."
Momsy nga pala.
"Ano po yun momsy?"
Ang awkward at weird talaga ng momsy, pati kay tito, popsy na rin.
"Diba malapit na ang birthday mo hija?"
"Aaahh...opo" paano niya kaya nalaman? Ah baka kay Dave, bakit parang napaka-big deal talaga.
"Debut mo na, anung gusto mong gawin natin?" mag tagay.
"Ah..ehh.. kailangan pa po ba talagang may gawin?" alam ko ang nasa isip niya, alam na alam ko. Isang ina na walang babaeng anak, nakakatakot.
"Gusto mo ba may cotillion Princess?"
"Po?! Ahh..wag na po-"
May humablot agad ng cellphone, si Dave. Bakit ngayon niya pa kukunin?
"Pokemon akin na, kausap ko si Tita Viel." inaabot ko yung phone pero tinataas niya eh, feeling ko tuloy ang pandak ko na.
"Momsy...isusumbong kita tinatawag mo siyang Tita eh." pinagkakaisahan na ako ng pamilya niya.
"Oo na nga, akin na." Talon hablot talon hablot. Wa epek!
"Ako na ang kakausap, diyan ka lang." Tapos biglang tumakbo, sinundan ko naman pero pumasok na men's room.
Ano naman kayang pinaplano nung dalawang yun?
Naupo na lang ako sa sahig, nagbabantay na lumabas sa men's room si Dave. Naman oh!
"Hi miss." I look up. Nakita ko yung isa sa mga lalaking nagrerehearse kanina sa stage.
"Aahh...Hello"
"Anung ginagawa mo diyan? Marumi diyan eh." Dahan-dahan naman akung tumayo yun ko lang na realize na wrong move pala kasi nga diba nakasandal pa ako sa wall, pag tayo ko ang lapit niya na.
May masamang balak pa ata to eh, naaawa ako. Hindi sa sarili ko kundi sa kaniya, territoryo to nila Dave eh, sigurado akung basag ang mukha nito.
"Ah wala, may hinihintay lang..." aalis na sana ako ng bigla namang dumating yung iba niya pang kasamahan, patay! Medyo madilim pa naman dito sa CR malapit. Pero nasa loob naman si Dave eh. Pero baka-
"Oi may chick pala dito, ayos!" sabi nung isang lalaki na parang drug addict.
Fine! Medyo natatakot ako, sino bang hindi eh, anim na silang nakatingin sa'kin.
"Tang ina! Gusto niyo bang mamatay?" nagsilingunan silang lahat, nakita ko si Ash na halos patayin na sila sa titig.
"Ai Ash, kilala mo ba to? Wala kaming ginagawa..." sabi nung isang lalaki, halatang natatakot sila kay Ash.
"What's happening?" napalingon ako sa kakabukas na pinto sa men's room. Si Dave, lumapit ako sa kaniya, hinawakan niya naman ako sa kamay. Alam niyang may nangayayari.
"Ah pare wala, kasama mo pala yang babae, tinutulungan lang namin siya." Sabi naman nung isang naka bonet.
"Oo, tama... nawawala ata siya eh" sabi nung isa pa na unang lumapit sa'kin.
Di na ako nagsalita, baka pa kasi gumulo eh, nakakatakot magalit si Dave, alam niyo naman siguro yan.
"Sus! Maniwala ka diyan, tinawag niya yung asawa mo na 'chick' eh" patay na! Sinulsulan pa ni Ash.
Naramdaman kung humigpit ang hawak ni Dave sa'kin.
"What did you do to my wife?" sinabi niya yun na parang nagpipigil pa, halos di na ako makatingin sa kaniya, umiiba kasi ang aura niya pag nagagalit.
"W-wala..." sabay pa silang anim nagsalita.
"Don't play bullshit with me!" napatalon ako ng sumigaw na si Dave.
"Tama na Pokemon ko." Bulong ko tapos hinawakan ko ang braso niya. Medyo kumalma naman, pero yung mga lalaki parang matutunaw na.
"Pasensya na, hindi naman namin alam na asawa mo pala yang chick na y-"
Hindi na natuloy ng lalaki ang sabihin niya ng biglang kumonekta ang kamao ni Dave sa pisngi niya.
Nagulat na lang ako ng bigla ng sinuntok ni Dave yung lalaki, nag-atrasan naman yung ibang kasamahan nung lalaki. Si Ash naman nakatingin lang kasama si Elle.
Bigla na lang akung hinatak ni Dave, sunod-sunod rin naman ako. Hanggang sa maka-labas kami ng bar. Pumasok na agad kami sa kotse, pero pareho kaming nasa back seat.
"I'm sorry Pikachu ko, you shouldn't see me like that." Sabi niya sa'kin. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"Control your temper Pokemon ko, ayokong lagi kang ganiyan."
"Kasi naman babe eh. Hindi nga kita tinatawag na 'chick' tapos tatawagin ka nilang ganun? Ano ka manok? Ako lang ang may karapatan na tumawag sayo ng mga pangalan, wala ng iba."
"Oo na, sige na. Basta wag ka na ulit mananapak, sa susunod magpaalam ka muna sa'kin. Okay?" Bahala na. Hindi ko naman siya binabawalang manapak, manuntok or anything, basta magpaalam lang siya sa'kin. Hindi ko alam, pero parte yun ng kung sino siya eh, basagolero ang boyf- I mean asawa ko, kasali yun sa mga minahal ko sa kaniya.
"Yes maam."