Chapter 2. Happy Birthday

2551 Words
Happy Birthday Happy Birthdaaaayyy... Happy Birthday to you! Inihipan ko na ang candle ko, happy birthday to me! 18 na ako! "Happy Birthday Cassandra" bati ni Tita Beth. "Salamat po Tita" hinalikan ko siya sa pisngi. Lumapit naman si Tito King at Tita Viel sa'kin. "Happy Birthday Princess" niyakap naman ako ni Tita Viel, ang bait talaga nilang mag-asawa, parang anak na nga ang turing nila sa'kin eh. Ganito talaga siguro pag wala kang anak na babae. "Salamat po Momsy and Popsy. Salamat po sa inyong tatlo," tumingin din ako kay Tita Beth. Alam mo bang sinorpresa nila ako. Halos maiyak ako sa sobrang emotion. Pag gising ko kasi kaninang umaga, niyaya ako ni Kathy na mag boating. Take note, boating. Sumakay kami ng taxi papuntang port, hanggang sa sumakay kami sa ferry ng Paradise Island, isang resort sa Samal Island. Akala ko nga wala lang eh. Pero nagtaka na ako nun kasi yung mga bell boy at porter sa daungan parang nagkakagulo na sa kanilang walkie-talkie something. Pag daong namin sa port ng resort, maraming tao, mga tourista, hinatak lang ako ni Kathy papuntang Conference room, kaya eto na. Chadan! Ang aking surprise birthday celebration pero di pa rin ako binabati ni Dave! Wala rin siya dito. "Ash nakita mo ba si Dave?" Umiling lang siya, nag-iinuman silang tatlo dito eh, si Elle pati na rin si Kathy. Tanghaling tapat ha. "Maybe he's with another babe Alex" "Tumahimik ka nga Papa Elle, birthday ng best friend ko! Wag mong sirain." Nabatukan pa ni Kathy si Elle. Asan na ba yun? "Princess are you okay?" nilapitan kami ni Tita Viel. "Ahhh..Ehh..Momsy asan po ba si Dave?" Isa akung kaawa-awang girlfriend, wala man lang ang boyfriend sa birthday. "I don't know Princess, di pa ba siya nagtetext sayo?" "Wala po eh.." DDAVVVEE!! Asan ka na ba? Kumag ka talaga, ba't ngayon ka pa nag hanap ng kapalit ko? Sa araw pa ng birthday ko? "Baka na traffic lang yun." Sabi pa ni Elle na naka taas na ang paa. Lasing na ba to? "Ulol! Bakit matatraffic yun? Island nga to oh, mag Jet Ski na lang siya." Si Ash naman, lasing o hindi lasing pareho lang. "Cassandra mag swimming kami dun, sasama ka?" niyaya ako nila Tita Beth, kasama niya na ata yung dalwang tanda-ers eh (-_- nagiging Elle na talaga ako) Close na agad? "Ahh..Hindi po Tita, dito na lang po ako." Nginitian ko na lang, baka mag tanung pa eh. Dave naman kasi, asan ka na ba? "Oh basta Alex ha, order anything you want, charge na to sa'kin..." sabi naman ni Tito King habang hawak ang kamay ni Tita Viel, ang sweet nilang mag-asawa. "Salamat po popsy." "Ang daya naman! Eh kami Tito?"  Nakikisingit naman si Elle. "Oo na, kayo na rin...moderate your drinking, binata na kayo..." Tito King "Wag kang mag-alala Tito, maghahanap pa kami ng babes mamaya, di pa pwedeng malasing..." sabi naman ni Ash, sus! Mga sira na talaga. "That's my boy!" TT__TT Isa rin pala tong si Tito King. "Halika na Pa, tinotolerate mo na naman sila." Niyaya na sila ni Tita Viel. Kaya eto, naiwan ako sa tatlong lasenggo dito. "Oi Alex wag ka ng ma sad diyan, birthday mo pa naman..." pinat pa ni Kathy ang ulo ko...Hhaaayyy.. "Eh paano hindi maging sad yan pare eh wala yung boy—I mean asawa." Haha..natawa ako ng kunti, eh paano naman, ang tawag ni Elle kay Kathy 'pare' samantalang si Kathy, ang tawag kay Elle 'papa'. Haha..I keep such weird friends. Kring! Kring! Kring! "Excuse me, have to take this call." Tumayo si Ash, may tumawag sa phone niya, siguradong babae naman yun, nakangiti eh. "Tss. Nangangaliwa na." Elle. 5 mins. Later. "Alex, 'lika dito!" TT__TT Kung maka tawag naman to si Ash, sisigaw talaga. "Oo na, wag ng sumigaw." Nilapitan ko siya. May kausap pa rin siya sa phone. Ano ba yan? Papapuntahin ako dito tapos may kausap na iba? Ano ba yun? Malamang may iuutos lang to, ako pa ang inutusan ha. "Ano ba yun? Wag mo akung uutusan Ash ha, sasapakin kita." Pinakita ko na agad sa kaniya ang aking taekwondo stunt. Haha.. "Sira! Eto, may gustong kumausap sayo.." inabot niya sa'kin yung phone. Tiningnan ko lang. "Sa'kin?" sino naman? Si Dave kaya? "Hindi, hindi...Yung kapitbahay niyo..." -_- nagiging Vice Ganda na rin si Ash. Kinuha ko na yung phone tapos umalis na siya. Required ba yung umalis? "Hello?" sabi ko sa kung sino mang tumawag. "Rapunzel Muncher..." O_O isa lang ang tumatawag sa'kin nun, himala nga at dinugtong niya na. "Duke?" ^_______________________^ tumatawag si Duke! Kausap ko si Duke! Narinig ko siyang tumawa, "I thought hindi mo na makikilala ang boses ko." "Namiss kita..." sabi ko, hindi ko na namalayan na naiiyak na pala ako. "I miss you more sweety, happy birthday." Mas lalo ko ng hindi ma-explain yung feeling, masaya nga tong birthday ko, tumawag si Duke eh. "Salamat, kelan ka ba babalik?" balita ko nasa Taiwan pa rin siya eh. "In time..." tapos nag sigh siya. "Baka makalimutan mo na ako..." natatakot akung makalimutan niya ako, naging malaking parte siya ng buhay ko. Hindi ko man naibalik ang pagmamahal na binigay niya sa'kin pero lagi niya akong pinagtitiisan. "Imposible naman ata yun? Bakit magkaka-amnesia ba ako? Ah hindi, kahit siguro amnesia, maaalala pa rin kita..." kumakabog naman yung puso ko. "Bakit? Kasi sira ulo ako?" sabi ko. "Hindi, alam naman natin siguro na hanggang ngayon....umaasa pa rin ako." O_O hanggang ngayon.. Ano bang sasabihin ko? "You don't have to say anything sweety, just be happy. Babalik ako pag kaya ko na, sabihin mo lang pag binitawan ka niya, sasaluin kita..." napangiti naman ako. Hindi pa rin siya nagbabago, ilang buwan na rin ng huli ko siyang makausap, namimiss ko na nga siya eh. "Duke?" "Hmm?" "Sorry" sorry for all the pain that I caused you. "Para saan?" "Sa lahat." Tumutulo naman ang luha ko. Ano ba to, nagiging iyakin na ata ako. "Kaw talaga..." I heard him chuckle, "...kasalanan ko naman eh." "Thank you na rin." Pahabol ko pa, "...salamat sa pagmamahal mo." Tumahimik na agad siya, pero naririnig ko pa rin ang pag hinga niya. Tahimik lang kami, I don't know for how long, pero ang luha ko unti-unti pa ring tumutulo. Mayamaya pa. Narinig ko na siyang huminga ng malalim, "I guess my heart will always be like this, frozen inside, preserved...for you." Sa mga panahong ito, gustong-gusto kung yakapin si Duke, namimiss ko na siya ng sobra. Naguiguilty ako kasi hindi ko siya kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko kay Dave. "T-Thank you..." was the only word that I can say. Tumawa lang siya ng mahina, "Sige na sweety, enjoy your party." So paalam na ulit? "Na miss kita..." sabi ko ulit, kelan ko naman kaya maririnig ang boses niya, sana umuwi na siya. Ang tanga-tanga mo talaga Alex, kasalanan mo naman kung bakit siya umalis eh, ang landi mo kasi (  _ _") "Please don't make it too hard for me..." tapos bigla niya ng pinatay ang phone. Kasalanan ko to, I deserve this guilt. Nasasaktan siya ng sahil sa'kin +++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++ Later... "O sige na Cassandra ha, mag-ingat ka..." nagpaalam na sila Tita Beth, uuwi na rin kasi siya sa GenSan. Tapos sila Tito King at Tita Viel, babalik na rin sa Davao, kaya maiiiwan kaming tatlo dito sa resort. "Wag po kayong mag-alala Tita, kami na po ang bahala" sabay akbay pa ni Elle sa'kin. Sus! Pero ang galing din mag-inuman nitong tatlo ha, buhay pa si Elle at si Ash. Pero si Kathy, KO na talaga. Andun sa room, nag rent na rin kasi kami. Over night daw eh. "Oh bahala na kayo dito, boys ha, take care of the girls..." sabi ni Tita Viel, hinatid kasi namin sila sa may ferry. Bawal nga eh, naki-please na lang kami. "Goodbye everyone..." sabi ni Tito King habang paalis na ang ferry na sinasakyan nila. "Ang hangin naman dito, nagugulo ang aking beautiful red hair..." natatawa ako kay Elle, ayaw niya kasi talagang pahawakan yung buhok niya. Naalala ko yung nasa condo kami ni Dave, basta matagal na yun. "Mas mahangin ka lang pre..." sabi naman ni Ash. Naglalakad na kami pabalik sa resort. Mahangin nga naman talaga. Hapon na eh, alas-4 na siguro. "Hi babe" ( _ _") nagsisimula na ang hunting ni Elle, sinabihan niya lang yung isang babaeng dumaan. Ang dami naman kasi talagang babae dito, ang gaganda pa tapos sexy. "Oh pano Alex? Mag swimming na tayo, ready na akung ipakita ang aking hot body..." nag pose pa si Elle. Haha... baka mamaya makita ko na lang na may dinadala na siya sa room niya. "Oo nga naman Alex, just observe how we play our charisma..." sabay kindat pa ni Ash. ^__- Wala na, alam na alam ko na talaga ang mangyayari. "Bahala na nga kayo...kakain na lang ako." "Fine, iba talaga ang epekto pag wala si Prince..." (TT__TT) pinaalala pa eh... "...hey!" tinawag ni Ash yung waiter, "...bring her whatever she orders, charge to room 08-A." kung makapag-utos lang. "Parang yung mga katulong lang sa bahay niyo Ash ah." Sabi ko sa kaniya. "Pft! Mas malala pa yan sa bahay nila eh..." natawa pa si Elle. Feeling ko mag-aaway naman tong dalawa eh. "Yah right! Tara na nga, dito ka lang Alex, baka akalain pa nila babe ka namin eh." Si Ash naman ang OA. Sabagay. "Right! And Prince will kill us." Elle Ni hindi nga yun nagpakita sa birthday ko. Che!  "Oo na, use protection" natawa pa sila sa sinabi ko. Umalis na sila, ewan san yun sila pupwesto. Mga lalaki talaga. Asan na ba kasi si Dave? Nagiging loner na lang ako dito. Buong araw ko na siyang hinahanap. Patay ka talaga sa'kin Weinstein! "Ha? Sila ba yun? Ang gwapo naman nila." Narinig ko na sabi ng babae sa kabilang table ko. Magbabarkada siguro sila. "Talaga? Balita ko mga playboy daw yun eh." Girl 2 "Ano ka ba girl? Eh kung ganun man lang kagwapo, why not?" girl 3 Feeling ko alam ko na kung sino ang pinag-uusapan nila eh. "And did you see Elle Peter Lee? Omg! Ang gwapo niya..." nag squeak pa yung isang babae, sabi na nga ba sila Elle na yun eh. Baka ng striptease na. "He's mine!" girl 4 "Basta akin si Ash, he knows how to play." ( _ _") player yun eh...malamang. Haayyy...ano ba naman to, wala na akung ginagawa kundi pakinggang ang mga nag drools sa dalawa. Hindi ko naman maka-usap si Kathy kasi siguradong tulog na tulog na talaga yun sa kalasingan. "Maam, chocolate cake..." napatingin ako sa waiter habang binababa niya yun order sa mesa. Yah! Kakain ako ng cake kasi depress ako, wala ang Dave ko eh. Nom nom nom nom... "Miss?" O_O "Yep?" sabi ko dun sa tumawag sa'kin na babae, yung mga babae sa kabilang table. Anung kailangan nila? "I saw you with Elle and Ash kanina eh, ikaw ba yun?" aaahhh!!! Oh c'mon! "Uhhmmm..Oo." ano na ba? Kukuyugin na ba nila ako? "Omg! Ka-fling ka ba nila?" O_O HUWHAT??!! "Excuse me? Hindi, Kaibigan lang ako." I said with all the restraints. Patay na talaga yung dalawa sa'kin, nagmukha pa ako ngayong 'fling' "Oh sorry..." sabi nung girl na nagtanung. "Oh wait..." -_- ano bey? Hindi niyo ba ako titigilan? "...maybe you can introduce us naman sa kanila?" sabi pa nung isang girl. ( _ _") "Look Miss, kahit hindi niyo na ako kailangan, lumapit lang kayo sa kanila. Mas gusto nila yun, talagang kakausapin kayo nun." Totoo naman eh. I don't mean to be rude, pero wala nga yung boyfriend ko tapos makikisali pa ako sa kaguluhan nila. Naman! "Really Miss?" abot tenga naman na tanung sa'kin nung isang girl. "Yep, basta lumapit lang kayo, kausapin niyo lang." nginitian lang nila ako tapos nag thank you at nag sitayuan na. Dapat magpasalamat yung dalawa sa'kin. Bwuahahaha!!! So ako naman ang nag-iisa ngayon? Iisipin ng mga tao, dakilang loner na ako eh. "Maam..." lumapit naman yun waiter sa'kin tapos may binigay na papel. Bigla namang umalis. Ano to? Receipt? Babayaran ko ba? Akala ko ba charge kay Ash. Wait... Hindi pala resibo, letter. Pikachu, Room 21-B  Andito siya! Dali-dali na akung tumayo. Naglakad-I mean tumakbo papuntang room 21-B (^-^)// Andito siya!!! Malapit na talaga ako sa 21-B at kitang-kita ko na ang daming lights papunta dun, maraming flowers. Nasa gate na ako, tapos lumabas siya. Naka-white tuxedo, ang gwapo niya ^_^ "Pikachu naman eh, pumasok ka na. I'm not good at this so bear with me.." natawa na lang ako sa kaniya, may dala pa siyang flowers, pumasok na ako. Tumakbo ako papalapit sa kniya tapos niyakap siya. ^___^ Ang saya ko, hindi niya nakalimutan ang birthday ko. "Happy Birthday Pikachu" sabi niya habang yakap ako. "Thank you. Ba't ngayon ka lang?" napansin niya sigurong sad ako kasi tiningnan niya ako. Hinawakan niya ako sa pisngi. Ang lapit ng mukha niya. "Gusto ko kasing tayo lang, pag pumunta ako kanina, ehdi ang dami ko ng kaagaw..." napangiti na lang ako. Then he kissed me *_* Eeehhh... Ang adik sa halik. "Akala ko nakalimutan mo na eh..." nag pout ako. Pinikit niya ang mata niya, hindi naman nagsalita. "Oi" "Hm?" sabi niya, pero nakapikit parin. "Ba't ka nakapikit?" nag-eemote ba to? "Wag kasing mag pout pag kinakausap kita ng ganito kalapit eh. Gusto ma r**e kita?" O_O "Hindi na nga..." sabi ko tapos tiningnan niya na ako ulit. Nakangiti pa siya. Ang dami niyang pina-order na pag kain. Kawawa naman yung room service na naghahatid dito, pabalik-balik na rin eh. Pagkatapos nun, sa sobrang busog ko, nag CR pa ako. Haha... Nakakahiya talaga ang lahi ko. Ngayon naka tambay na lang kami sa terrace, parang bahay rin naman kasi ang mga room dito. "Pikachu naiinip na ako" -_- lagi naman eh. "Bakit?" "I want my babies, now." O_O "Dave gusto mong masapak?" "I love you too Pikachu--ARAY!" ayan, nakurot ko na siya tuloy. "Ang sakit nun ha. Kiss mo ako! Masakit yun..." nilapit niya na ang mukha niya sa'kin. Parang bata talaga to. "Ayoko." dinilaan ko pa siya. "Sige ka, pag di mo ako hinalikan, it means you don't love me anymore." nag pout pa siya. ^_^ ang cute niya talaga. "Sige na Pikachu ko..." "Naku naman! Kaya naman pala, nilalanggam na ata ako." (//_) "Elle!" haha..natatawa ako sa titig ni Dave sa kaniya.Himala ata at iniwan niya si Ash dun, paano niya kaya nalaman na nandito ako, baka... "Elle ba't mo alam na nandito ako? Siguro al—" "Oo na Alex, sinabi naman kasi ng asawa mo na wag ipagsabi sayo eh." Napakamot pa sa ulo si Elle, pumasok na rin siya. Tapos umupo dun sa isang upuan. May plano ba siyang mag stay? -_- "What do you want Elle...you're a little disturbing" sabi naman ni Dave, ba't ang dali ma annoy nito. "Yo! Wag ng magalit, may sasabihin ako." tumabi si Elle sa'min "What is it?" halatang irritated tong Pokemon ko, paranoid lang. "Alex can we talk alone? Maya na kayo mag lambingan, para kayong bagong kasal." -_- okay, baka boy talk to. Tatayo na sana ako, "Baby ko dito ka lang..." hinigit ni Dave ang kamay ko pabalik. "Dude! Importante tong sasabihin ko." insist naman ni Elle, ano ba ka-importante yun na kailangan ko pang umalis? "Ano ba yun Elle? She can stay." tumahimik na lang ako. "Gago! Andito sila, bumalik na ata!" iritang sagot pa ni Elle, parang nagkakainitan na sila ng ulo, hindi ko alam kung normal pa ba ang pag-uusap nila. Natigilan silang dalawa, tiningnan ko si Dave, mukhang gulat siya. Sino ba yung 'sila' na sinasabi ni Elle? May iba pa ba? Sino? "Sinong 'sila' Elle?" tanung ko na parang alanganin pa. "Nevermind," hinatak na ako patayo ni Dave tapos naglakad palabas, ano ba yun? "...I'll take you home baby." "H-ha? Teka...bakit? Ano bang meron Dave?" hindi niya lang ako pinansin, may lumapit na bell boy sa kaniya, nakita kung nakasunod din si Elle sa'min na parang tuliro. "Sir?" tanung nung bell boy. "Prepare the boat, we're going." Sabi ni Dave. Aalis na talaga kami? Bakit? May iniiwasan ba? Napunta na kami sa tables, yung maraming tao, sa likod kasi yung mga room at exclusive lang yun sa mga nag-ooccupy. Aalis na talaga kami. "D-Dave..." tawag ko sa kaniya, gusto ko man itanung pero parang galit na galit siya eh. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko na parang mayamaya lang mawawala na ako. "Prince!" may tumawag kay Dave...napatigil si Dave sa paglalakad. Lumingon siya, pero hindi nakatingin sa'kin. Lilingon din sana ako pero hinila niya ako at parang tinago sa likod niya. Nakita ko lang si Elle na tumabi sa'kin. "Elle, sino yun?" sinilip ko mula sa likod ni Elle, may papalapit na grupo ng mga lalaki. "Don't  talk Alex, this is a man's business." TT___TT aw okay. Nakita kung papalapit na yung mga lalaki, parang mga koreanong kinuha lang sa TV, ang gagwapo eh, at mapapansin mo talaga na pinatitinginan sila ng mga babae. Lumapit na rin si Ash, may masama bang mangyayari? Naging alerto na rin yung mga staff ng resort, pati yung mga body guards nila Dave. Sino kaya sila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD