Chapter 9

1313 Words
"Tita pwedi ba hiramin ko si Besty ngayon?kasi gusto sana solohin ngayon araw ang bestfriend ko.!"Paalam ni Jera sa Ginang. Nag-isip pa 'to bago sumagot."Sige pero dapat ingatan mo siya at ang apo ko!"masayang paalala ng Ginang kay Jera. "Thank you po Inay.Ang swerte ko po sa'yo!"malambing na saad ni Cel. Pagkatapos nila kumain naglibot muna sila sa mall at ng groceries.Gusto kasi ng Ginang ipagluto bukas si Cel ng Bulalo 'to kasi ang request ng buntis. "Tita,sure po kayo na ayaw niyo sumama sa amin.Total mag-isa lang naman kayo sa bahay."alok ni Jera sa dalaga. "Oo nga inay,minsan mamasyal din po kayo."segunda naman ni Cel. "Naku mga anak gusto ko nang umuwi dahil gusto ko maglinis ayaw ko kasi makalanghap ng alikabok ang apo ko."Tuwang-tuwa na saad ng Ginang. "Tita halata, na masyado kayong excited."pilyang saad ni Jera. "Siyempre aba'y unang apo ko 'yan."mayabang na saad ng Ginang. Naihatid nila ng maayos ang Ina ni Oscar sa bahay nito,at pagkatapos dumiretso sila sa condo ni Jera. Pagdating sa parking lot agad pinatay ni Jera ang makina ng sasakyan. "Besty may bagong neighbor ako .Mabait naman siya kaso huwag mo nang titigan ang pagmumukha niya dahil buntis ka."nakangising saad ng kaibigan. "Why?ano nangyari sa mukha niya?"interesadong tanong ni Cel sa kaibigan. Pagdating sa elevetor agad pinindot ni Jera ang number 16 ngunit biglang may babaing sumigaw upang humabol. "W-wait sasabay ako."sigaw ng babae mula sa labas ng elevetor.Nang marinig ni Cel agad niya pinindot open kaya bumukas 'to ulit. "Thank you."hapong-hapo na saad ng babae nakasauot malaking salamin. "Ohh ikaw pala Wilma.Besty siya ang sinasabi ko while ago na kapitbahay ko."nakangiwi na saad ni Jera habang ang isang kamay niya ay kinakalabit si Cel dahil titig na titig 'to. May malaking nunal 'to sa taas ng labi.Ang mga ngipin nito ay katulad ng sa rabbit at may itim sa gitna. "I like your eyes.Iyan ang tipo kung mata Malaki at mahahaba ang pilikmata."masayang saad ni Cel.Samantala napatampal naman ng noo si Jera dahil kabilin-bilinan niya huwag tingnan 'to. "Besty nasa # 12 palang tayo, sa pagkakatanda ko nasa #16 ang unit mo."nagtatakang tanong ni Cel kay Jera kasi pinindot nito ang #14 at agad siya hinila palabas ni Jera. "Neighbor see you later dadaan lang kami sa kaibigan ko."alibay ni Jera. "S-sinong kaibiga....."hindi pa natapos ni Cel sasabihin dahil inapakan na ni Jera ang paa nito kaya nahinto 'to sa pagsasalita.Nang tuluyan ng magsara ang pinto ng elevetor inis na pinagsabihan ni Jera si Cel. "Besty sinabihan nakita don't look at her.B-bakit titig ka nang titig sa kan'ya."inis na saad ng kaibigan. After a minute,umakyat na din sila sa #16 floor.Agad sila dumiretso sa kusina upang uminom at habang kumukuha 'to ng tubig bigla nalang 'to nadulas sa kamay ni Cel ang baso at nabasag. "Omg besty! d'ba sabi ng matatanda masamang pangitain ang ganyan"saad ni Jera at mabilis na kumuha ng vacuum at nilinis 'to,samantala si Cel napahawak naman sa dibdib niya dahil mabilis na pumintig ang t***k ng puso niya. "B-bakit besty?"nag-aalalang tanong ng kaibigan. "Besty bigla nalang bumilis ang t***k ng puso ko tapos parang pinagpapawisan ako ng malagkit. Nang marinig ni Jera agad 'to kumuha ng tubig at pinaupo mo na sa couch si Cel. "Besty paabot ng bag ko.Gusto ko tawagan si Inay sa probensiya."saad ni Cel habang hinihimas ang dibdb niya. Kring...kring..Halos 30 minutos pa ang tinagal ng pag-dial niya bago sagutin ng Ina ni Cel ang tawag niya.Nag-request siya agad ng video call dito kasi matagal-tagal na rin siya hindi nakauwi kaya gusto niya 'to makita kahit sa Cellphone lang. "Nay bakit ang tagal mo naman sagutin ang Cellphone mo?Ano ba ang ginagawa mo at hindi mo maiwan.Sabi ko sa'yo lagi mo bitbitin 'yan para kahit anong oras makontak kita agad."sunod-sunod na saad ni Cel sa Ina. "Aba'y ano ang problema mong bata ka at b-bakit parang numumutla ka at balisa anak."nagtatakang tanong ng Ina. "W-wala 'to Inay.Miss na miss lang kita sobra."alibay nito habang palihim na pinupunasan ang tagaktak na pawis nito. "Naku anak na miss mo lang siguro ang luto ko na enseladang langka.Pag may oras ka umuwi ka dito dahil ako walang oras talaga dumalaw sa'yo diyan. Alam mo naman na malapit kana magtapos.Kaya pinag-iiponan ko ang pang board exam mo.Iyan lang ang tanging maipamana ko sa'yo ang edukasyon.Kayamanan na kahit kailan man ay walang nanakaw sa'yo."masayang saad ng Ina. "Inay,s-sorry po.Babawi ako sa'yo promise.I love you Inay."todo iyak si Cel habang Jera naman ay todo senyas sa kan'ya na bawal sa buntis ang umiyak o ma-stress. "Anak pagbutihin mo ang pag-aaral mo.Dahil kung sakali may mangyari man sa akin hindi ka maghihirap ng tulad ko, dahil may tinapos ka at may magandang kang trabaho.Ang pagiging Doctor mo ang siyang a-ahon sa'yo sa kahirapan. Hindi kana hahawak ng piko at itak.Ang tanging hahawakan mo nalang ay ballpen at papel.Pagnangayari 'yan siguro,ako na ang pinakamasayang Ina a buong mundo.Parang natupad ko narin ang aking pangarap na maging Doctor.I'm sorry anak ah.Naalala ko lang kasi ang pangaral ng Itang ko sa akin noon.Huwag ako magpauto sa matamis na salita ng mga lalaki p-pero sadyang pasaway ako dahil sinuway ko 'yon kaya tayo naghihirap ngayon.Sana magsilbi akong salamin sa'yo para huwag kang dumanas ng hirap tulad ko"Mahabang lintaya ng Ina na nagpahagolhol sa kan'ya, ganun narin si Jera halos maubos narin ang tissue sa mesa sakakasinghot nito at punas sa luha. "Inay,basta pagnagkaroon ako ng bakanti uuwi ako diyan saglit.Ingatan mo lagi ang sarili mo at sabihin mo rin kay Insan na lagi kang samahan magpa-check-up para mabigyan ka ng tamang maintenance sa hypertension mo.Huwag na kumontra pa at sumunod sa soon Doctor mo."masayang saad ni Cel. "Ohh siya anak.Mag-ingat ka din diyan.Tandaaan mo mahal na mahal ka ni Nanay." Pagkatapos nila magpaalam sa isa't-isa agad niya din denial ang numero ng Ina ni Oscar pero hindi 'to makontak kaya bumalik ulit ang kaba niya. "Besty hindi ko makontak ang inay ni Oscar."kinakabahan saad ni Cel sa kaibigan. "Baka out of coverage o kaya'y lowbat 'to."mahinahong saad ni Jera. "Impossible besty dahil ako mismo ang nagtanggal sa charger kanina at full battery 'to.At tungkol sa signal malakas naman dahil kahit minsan hindi nagloko ang net ko doon.Bago rin ang Cellphone niya wala pa 'tong isang buwan."konot-noo na saad ni Cel. "Tawagan mo ulit.Pag mga 100 times mo tinawagan at hindi sumagot puntahan na natin siya."mungkahi ni Jera sa kan'ya. Habang abala si Cel kaka-dial sa Ina ni Oscar,gumawa naman ng Kiwi juice si Jera dahil alam niya makakabuti 'to sa mag-ina. "Here the kiwi juice.Uminom ka muna.Masarap 'to dahil mukhang sariwa pa 'to." "Besty I think we need to see her.Kinakabahan talaga ako sobra."paki-usap ni Cel kay Jera. Sumang-ayon naman si Jera na puntahan ang ina ni Oscar.Mabagal lang ang patakbo nito dahil iniisip niya ang kaligtasan ng kaibigan at ng baby. Pagdating sa bahay agad sila nagtaka bakit lahat ng pinto ay naka bukas samantala mahigpit ang Ginang pagdating sa seguridad. "I think andito ang tagalinis ng hardin ngayon at swimming pool."mahinang saad ni Cel. Winala niya sa isipan ang tungkol sa pinto.Tinungo niya agad ang kwarto ng Ina ngunit wala 'to.Agad nila pinuntahan ang kusina at laking gulat nito na sobrang dumi at nagkakalat ang mga mga gulay.Niyaya niya agad si Jera upang maglibot sila hanggang natagpu-an nila 'to sa laundry room nakabulagta sa mga damit ni Cel. "Inay."umakmang hawakan ni Cel ang Ginang pero hinila siya pabalik ni Jera. "Don't touch her.Malakas ang kutob ko hindi simpleng pangyayari lang 'to.Dito kalang at kukuha ako ng tissue.Don't touch her.At tumawag ka narin ng Ambulansiya."Paulit-ulit na paalala ni Jera sa kan'ya. Pagbalik ni Jera naka gloves na 'to.Agad niya pinulsohan ang braso pero walang siyang maramdaman kaya agad niya kinapa ang pulsohan sa may leeg ngunit wala narin pumipintig.Pagkatapos lumingon 'to kay Cel at umiling-iling.Pumalahaw naman agad ng iyak si Cel at napaupo sa upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD