Chapter 10

1317 Words
"Maayos niyo ba na i-download sa Cd tape ang lahat na kailangan ko?" nakangising tanong ni Daisy. "Yes po Ma'am.Na edit na rin namin ang pinapagawa mo.Walang kaduda po ang mukha niyo dito.Hindi ka na pagdudahan dito."saad ng lalaking kausap ni Daisy. "Sige umalis na kayo at pagbalik ni Oscar sa Maynila alam niyo na ang gagawin niyo.Kayo na ang bahala kasi may importante akong lalakarin."Mariin na utos ni Daisy sa mga tauhan niya. Samantala nang mabalitaan ni Oscar at Condrad ang nangyari sa Ina, agad 'to lumawas ng Maynila.Inilagak ang labi ng Ina niya sa mismong bahay nila,ito ang kagustuhan niya.Pagdating niya sa bahay nila dumiretso 'to sa kabaong ng Ina.Halos mahulog na 'to dahil sa yakap ni Oscar. "Bro calm down.I know Tita at nakakasigurado ako na magagalit iyon pagnakita ka niyang ganyan."saway ni Condrad sa kaibigan. "How can i calm down kung alam kung wala ng buhay ang pinakamanahal kung ina."Umigting ang mga panga ni Oscar habang sinasabi 'to. "O-oscar."Umiiyak na saad ni Cel. Walang emosyon na hinarap ni Oscar ang nobya. "Paano nangyari 'to.Ipinagkatiwala ko ang Ina ko sa'yo."seryosong saad ni Oscar habang mahigpit na hinahawakan niya 'to sa braso. "W-wala akong alam,pag-uwi ko nakita ko nalang siya na walang buhay."paliwanag ni Cel kay Oscar. "Hindi ko alam.Huwag mo na muna akong kausapin dahil gusto ko mapag-isa."Walang emosyon na sagot ni Oscar kay Cel. "Oscar please,hindi ko talaga alam ang nangyari kay Inay.Kausapin mo naman ako."Nagbuntonghininga lang si Oscar at tinalikuran si Cel. "Miss ganda.Intindihin mo lang siya sa ngayon.Masyadong nasaktan lang siya dahil sa nangyari kay Tita.This time he needs you."Pang-aalo ni Condrad kay Cel. "Oscar don't need her.Ipinagkatiwala ni Oscar si Tita sa kan'ya,pero what happen.Pinabayaan niya ang kawawang Ina ni Oscar.Inalila niya 'to kaya inataki si Tita."saad ni Daisy nakakarating lang. "Who is she Condrad"Inosenteng tanong ni Cel. "Ako si Daisy,ang totoong mahal ni Oscar.Rebound kalang dahil nagkaroon kami ng problema.Kaya kung ako sa'yo ngayon palang magbalot kana at umalis dito."Nakangising saad ni Daisy. "Daisy please stop.Igalang mo ang burol ni Tita."Saway ni Condrad kay Daisy. Malakas na boses ni Daisy ang nangingibaw,rinig 'to hanggang sa kwarto ni Oscar. "What are you doing here?Kung andito ka para manggulo please,umalis kana dahil wala akong oras makipagtalo."Walang gana na saad ni Oscar. "No,babe.Nandito ako para samahan ka.Siya dapat ang paalisin mo."Sumakit ang ulo ni Oscar dahil sa mga sinasabi ni Daisy.Gusto niya lapitan si Cel pero galit siya dito. Abala sila sa pag-uusap ng dumating ang mga pulis. "Bro,nandiyan sina Srgt. Reyes,Garcia at mga kasamahan nito."Saad ni Condrad. "Mr. Mendez nandito lang kami para ipaalam ang tungkol sa resulta ng investigation.Lumabas sa Autopsy ng nanay mo. Inataki 'to sa puso."saad ng pulis. "Paano inataki ang nanay ko,wala naman siyang history nagkaroon siya ng high blood.Maingat ang Inay ko pagdating sa pagkain at kalusugan.Kailangan natin i-review ang mga Cctv sa bahay."Hindi makapaniwalang saad ni Oscar "Actually nagawa na namin Mr. Mendez.Walang naka-record sa Cctv mo. Naka-unplog 'to kaya hindi namin nakita kung my foul play na nangyari.Kung katawan naman ng Ina mo,Cardiac Arrest lang ang sanhi ng pagkamatay niya." "Thank you srgt. Garcia and Reyes."Pagkaalis ng mga pulis agad naman hinila ni Condrad si Oscar. "Oscar you need to see this."Saad ni Condrad. "Ano ba yan Bro?"Inis na tanong ni Oscar "Nakita ko sa labas ng kotse ko."Agad isinalang 'to ni Condrad ang Cd Tape sa DvD player.Bumungad agad dito na nagluluto ang Ina ng pagkain para kay Cel pagkatapos pumasok 'to sa kwarto ni Cel at naglinis habang nanood lang ng Tv ang dalaga.Dumaan pa 'to sa harapan ng Dalaga ang Ina niya na buhat ang mga labahan ni Cel.Pagkatapos hindi na muling nakita ang Ina na dumaan muli. "Fuck.What she did to my Mother."Nasuntok ni Oscar ang pader dahil sa galit. "Calm down.Huwag kang padalos-dalos ng desisyon mo dahil hindi mo ba naisip.Ang sabi ni Srgt. Reyes blanko ang Cctv,walang record 'to at sabi mo din never mo ini-unplog 'to.So, kung pagsusumahin natin ang pangyayari hindi talaga magkatugma." Pinindot ulit ni Oscar ang DvD for play.Paulit-ulit 'tong pinanood ng magkaibigan."I think may gustong sumira sa amin ni Cel.Pero bakit ang Ina ko pa ang kailangan gamitin.Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa Ina ko."Galit na saad ni Oscar at hinampas nito ang mesa "Bro si Daisy lang ang may motibo na paghiwalayin kayo.At natandaan mo ang mga sinabi niya while ago.Paano niya nalaman na pinahirapan si Tita." "I know Bro.Wala akong ibang maisip na pwedi gumawa nito kung hindi pamilya ni Daisy o Siya.Kailangan ko humanap ng ebedensiya.Hindi naman sila pwedi hulihin na wala akong sapat na katibayan.Ang inaalala ko lang si Cel baka ano ang gawin nila dito."nag-aalang saad ni Oscar. "Kaya ingatan mo si Miss Ganda."Paalala ni Condrad. Nang marinig ni Oscar ang sinabi ni kaibigan agad 'to lumabas at hinanap si Cel.Kumatok muna 'to ng tatlong beses ng walang sumasagot pwersahan niya ng sinira ang pinto.Pagbukas ng pinto agad niya 'to nilapitan.Mukhang nalatulog 'to sa kakaiyak. "B-babe I'm sorry.Nasaktan lang ako.Parang hindi ko kaya g tanggapin na wala na si Inay."Hinalikan niya 'to sa labi at sinuklay ang buhok ng dalaga gamit ang kamay niya. "O-oscar.H-hindi kana galit sa akin?Hindi mo na ako iiwanan?"naiiyak na saad ng kasintahan. "Alam ko mali ang naging trato ko sa'yo.Ayaw ko madamay ka.After ng libing ni Inay bumalik kana muna sa bahay mo.Doon mas safe ka kasi andoon ang mga kaibigan mo,dito mag-isa ka lang."mahabang lintaya ni Oscar. "Bakit parang pinapaalis mo na ako sa buhay mo.May plano ka bang iwanan ako?Sabihin mo na Oscar para huwag ako umasa."malungkot na saad ni Cel. "H-hindi sa ganun.Kaligtasan mo lang ang iniisip ko.I love you.Ikaw nalang ang natitira sa akin.Sana huwag mo ako sukuan.Pagkatapos Misyon ko sa probensiya babalik ako dito para magpakasal tayo."sabay halik nito sa noo ng Nobya. "Sino si Daisy?"konot-noo na tanong ni Cel. "She's part of my past na pilit bumabalik.Trust me aayusin ko 'to." Habang nag-uusap ng masinsinan si Oscar at clCel sa guestroom.Nagwawala naman si Daisy labas. "Condrad let me go inside.Alam ko nandiyan sa loob si Oscar at ang mang-aagaw na hampas lupa,kaya papasukin mo ako."bulyaw ni Daisy kay Condrad na nakaharang sa daanan. "Daisy hindi ka ba nakakaintindi?Nag-uusap ang dalawang lover kaya please bigyan natin sila ng privacy at moment."Pang-iinis na saad ni Condrad kay Daisy. "Wala akong pakialam.Ako ang girlfriend ni Oscar kaya dapat kami ang magkasama."Pamimilit ni Daisy kay Condrad. "Ang kulit mo din noh.Sa pagkakatanda ko,Ex-girlfriend ka ni Oscar.Ex it means wala na kayo.Dido na kana sa kan'ya at higit sa lahat si Miss ganda ang mahal niya at nakakasigurado ako ngayon pinapaligaya niya na si Ganda sa kanyang kandungan.Pero kung okay lang manood tayo sa kanila.At kung naiinggit ka,gayahin natin sila.Pwedi na rin kita pagtayagaan."Nakangising saad ni Oscar habang si Daisy mukhang sasabog na sa inis sa pang-uuyam ni Condrad sa kan'ya. "How dare to say that na pagtyagaan ako.Maraming lalaki ang naghahabol sa katawan ko at isa na doon si Oscar." "Oppss.Correction, noon pero ngayon isa kanang malaking ekis sa buhay niya."diretsong saad ni Condrad. "You so Damn.Sino ka para bastusin ako ng ganito.Tandaan mo gagawa ako ng paraan para hindi sila maging masaya,akin lang si Oscar."inis na bulyaw nito "Akin kanalang.Salohin nalang kita mukha kanaman kawawa !"Pang-aasar ni Condrad kay Daisy. Pakkk.Sinampal ni Daisy si Oscar kaya sumeryoso ang mukha ni Condrad.Nilapitan niya habang dinidilaan ang labi niya.Pagkalapit ni Condrad kay Daisy kinulong niya 'to sa kan'yang mga bisig. "Huwag kang sumigaw.Don't assume na gusto kita.Hindi ako pumapatol sa disperada.Hindi kita type kaya huwag kang mag-inarte."Galit na saad ni Condrad at hinila nito si Daisy palabas ng bahay.Huwag kana dito bumalik dahil hindi ka welcome dito.Lahat naman napatingin sa ginawa ni Condrad. "Gago ka.Babalikan ko kayong lahat.Pagsisihan niyong lahat na kinalaban niyo ako. Antayin niyo ang paghihiganti ko.Jerk!" Ngumisi lang si Condrad at nag-b-bye pa 'to kay Daisy. "See you in Hell"Kumindat pa 'to kay Daisy bago sinara ang gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD