Lasing na umuwi si Daisy sa Unit niya.Pagkagaling nito sa bahay ni Oscar dumiretso 'to bar at uminom.
"Ma'am kaya niyo pa ba?"tanong ng guard sa kan'ya habang pasuray-suray 'to.
"Don't touch me.I'm okay."Mataray na saad nito sa Guard.
"Pasensiya po Ma'am.Andiyan pala si Sir Denvy sa taas nag-aantay sa'yo."
Nang marinig ni Daisy ang sinabi ng Guard.Inaayos nito ang sarili niya at nagmadali umakyat.
"B-bakit ngayon ka lang?Kanina pa ako nag-aantay sa'yo."Galit na saad ng kapatid ni Daisy.
"K-kuya i'm sorry.Uminom ako dahil hindi ko matanggap na tinalo ako ng hampas lupa na 'yon."umiiyak na saad nito sa kapatid.
"Come on Princess.You're not a loser.Ang mga Romero ay hindi tumatanggap ng pagkatalo.Bakit hindi mo bali-an ng pakpak ang babaing 'yon."
Ngumisi si Daisy."Nakuha ko ang gusto mong sabihin Kuya."
"Good.Mag-ayos ka dahil ngayon darating ang malalaking kapartner ni Daddy sa negosyo."
After ng dinner with business partner ng Daddy ni Daisy.Nagpaalam 'to na may importante na lalakarin.
"Ma'am hating-gabi na po,pwedi ba bukas nalang natin ipagpatuloy ang byahe."Reklamo ng drayber nito at mga tauhan.
"Ano ba kita?"Taas kilay na tanong nito sa drayber niya.
"Ah ehh..Drayber po Ma'am."Na-u-utal na saad ng nito kay Daisy.
"So,sa palagay mo ano ang ginagawa ng drayber sa amo?"Sarkatiskong tanong ni Daisy.Hindi naman nakasagot ang drayber at panay lunok nalang 'to ng laway.
"Kung ayaw mo na ihulog kita diyan.Manahimik ka at bilisan mo ang pagmamaneho."
Halos tatlong oras ang nakalipas bago sila nakarating sa nais puntahan ni Daisy.Hindi na sila kumatok bagkus marahas nilang binuksan ang pintu-an.
Napabalikwas naman ang Ina ni Cel ng makaramdam ng malakas na kalabog mula sa labas.Dahan-dahan 'tong lumabas ng silid.
"S-sino kayo?"Nagtatakang tanong ng Ginang.
"Hindi mo ako kilala pero ikaw at ang anak mo na haliparot, kilang-kilala ko."Hinagis nito ang mga larawan na magkasama sina Cel at Oscar.
"Hindi 'to totoo.Sinungaling ka.Hindi magagawa ni Maricel na magsinungaling sa akin."Napahimas ang Ginang sa kan'yang dibdib at basta nalang 'to bumagsak sa upuan.
"Ante.S-sino kayo? Ano ang ginawa niyo kay Ante?"Natatarantang tanong ng pinsan ni Cel na kakarating lang mula sa labas.
"Hindi mo na kailangan alamin kung sino kami.Sabihin mo sa anak mong malandi na layuan niya ang boyfriend ko."
"Tigilan mo ang pagtawag sa anak ko na malandi.Matinong babae ang anak ko.Lumayas na kayo dito."Galit na sigaw ng Ginang kay Daisy.
Humalakhak naman si Daisy sa sinabi ng Ginang.
"Talaga?Pwes tingnan mo 'to.Baog ibigay mo sa kan'ya ang brown envelope.Tingnan natin kung maipagmalaki pa niya ang kan'yang anak."Ibinigay naman agad ng tauhan ni Daisy ang brown envelope.Ang nilalamin nito ay isang ultrasound,Home Pregnancy Test(HPT) and Blood test,request for human chorionic gonadotropin(HCG).
Lahat ng resulta ay positibo na nagdadalang tao si Cel.
"Hindi 'to totoo.Niloloko mo lang ako."Umiiyak na saad nito at nanginginig ang kamay ng Ginang habang hawak-hawak ang mga papel.
"Oh ngayon sabihin mo sa akin kung matino ang anak mo.By the way iyan lang ang pinunta ko dito."Nasa pinto na 'to ng bumalik ulit si Daisy sa Ginang.
"Wait..Since dukha naman kayo.At alam ko naghihikahos kayo sa buhay,for sure wala din kayo ipapakain sa apo mo.So,ito ang 5.5 milyon kapalit ng pananahimik niyo.Sana malinaw ang pag-uusap natin at sumunod kayo sa kasunduan."Numutla ang Ginang at nahimatay dahil sa mga pang-i-insulto ni Daisy sa kanila.
Agad naman nakahingi ng tulong sa kapit bahay ang pinsan ni Cel kaya agad 'to dinala sa hospital.
Samantala walang kaalam-alam si Cel sa nangyari sa Ina na isinugod 'to sa hospital.Pinauwi naman 'to kinaumagahan ng Doctor kasi maayos naman ang lagay nito.
"Babe I'm sorry kung hindi ko matutupad ang aking pangako.Kailangan ko lang talaga magtrabaho sa malayo.Para din 'to sa kinabukasan natin."saad ni Oscar habang nag-iimpaki ng mga gamit.Limang araw lang ang burol ng Ina dahil wala naman silang inaantay na mga kamag-anak kaya nagdesisyon si Oscar na ipalibing na 'to.
"Promise mo sa akin babalik ka dito.Baka mabalitaan ko may babae ka na doon."Nakangusong saad ni Cel.
"Halika nga dito.Hinawakan niya 'to sa baba at siniil ng halik.Promise ikaw lang ang papakasalan ko at papayagan ko na na magdala ng apilido ko.Kaya huwag kanang sumimangot hindi bagay sa'yo."Malambing na saad ni Oscar sa nobya.Hinampas naman ni Cel sa balikat si Oscar at niyakap ng mahigpit.
"Andito lang ako mag-aantay sa'yo,pero huwag mo tagalan at baka maghanap ako ng iba na ipapalit ko sa'yo."Pabirong saad ni Cel habang nagpupunas ng luha.
"Ay naku lagot ka sa akin.Malabo mangyari iyan."At hinalikan 'to ulit sa labi.Halos ilang minuto din ang tinagal bago sila naghiwalay.
"Hoy kayong dalawa, walang respito sa single.Maawa naman kayo sa akin.Daig niyo pa ang love birds puro kayo tukaan."Inis na saad ni Condrad habang kunwaring hinahalikan ang malaking teddy bear ni Cel na niregalo ni Oscar.
"Sorry na.Pero tigilan mo na kakahalik sa baby bear ko at baka mag-amoy laway na iyan."Masayang saad ni Cel kay Condrad.
Napangsinghap naman si Cel pagkaalis nina Oscar at Condrad.Nagkunwari siyang hindi malungkot kasi ayaw niya mag-alala ang nobyo,kaya pinilit niyang ngumiti sa harapan nito.
Half day lang ang klase niya tuwing Friday.Nakaramdam siya ng boredom sa bahay na inuupahan niya.Umuwi si Jera at ibang ka board mate niya at naiwan siya mag-isa ngayon kaya biglang tumahimik ang buong bahay.Naghiwa 'to ng prutas at pumunta sa maliit na sala at nanood ng television.Nakaidlip na 'to ng biglang tumunog ang Cellphone niya.
"H-hello L-leo."Masayang bungad nito sa katawagan.
"S-sinong Leo?"Kalmadong tanong ng Ina na may halong sarkatiskong tono.
"I-inay ikaw pala.Wala kaibigan ko lang si Leo."Alibay ni Cel.Tagaktak ang pawis nito sa sunod-sunod na tanong ng Ina.
"Umuwi ka ngayon.Kailangan natin mag-usap."Seryosong saad ng Ginang.
"P-pero Inay hapon na po baka gabihin na ako sa daanan."
"Kailangan mong umuwi Maricel kung ayaw mo ako ang luluwas ng Maynila."Inis na saad ng Ina.
"Sige po Inay.Magbibihis lang ako."Pagkatapos patayin ang tawag ng Ina.Bigla nalang siya kinabahan .Palakad-lakad 'to sa loob ng silid niya habang isa-isa pinipisil ang mga daliri niya.
"May alam na kaya si Inay.Paano na 'to."Naluluhang saad nito sa sarili.
Wala siyang Idea tungkol sa pag-uusapan nila ng Ina.Kaya minabuti nalang ng dalaga na sumakay ng bus pauwi sa kanila.Alas 11 na ng hating gabi 'to nakarating.Pagdating sa babaan ng bus,nag-aantay naman ang pinsan nito at kapitbahay.Hindi nagsasalita ang pinsan nito hanggang sa nakarating sila ng bahay.Hindi niya narin 'to ginambala dahil baka wala lang 'tong samod makipag-usap.
"Inay nandito na ako."Masayang bungad niya Ina.
"Mabuti naman at marunong ka pa umuwi dito."Kumain ka na ba?Kung hindi pa may pagkain diyan sa mesa.Alam mo naman siguro kung nakasaan nakalagay ang mga plato at kutsara.Pagkatapos magpahinga kana at bukas na tayo mag-usap."Matamlay na saad ng Ina at tumalikod na 'to.Sobrang nagtataka naman si Cel sa kinilos ng Ina kaya mas lalong lumakas ang kutob niya na may alam na 'to.
"Ante inumin mo muna ang gamot at baka atakihin ka ulit."
"Alam mo Sara.Mahal na mahal ko ang anak ko.Pero hindi ko matanggap na matutulad siya sa akin.Sa pangalawang pagkakataon nabigo ako."Hagolhol ng Ginang.
"Inay patawarin mo ako.Hindi ko sinasadya na itago sa'yo ang relasyon ko kay Leo."Lumuhod 'to at nagmakaawa sa Ina.
"Wala na akong magagawa.Kahit magalit man ako sa'yo at ipagtabuyan ka,hindi parin magbabago ang katotohanan na magiging Ina ka na."
"Promise ko po sa'yo Inay na g-graduate at magiging Doctor ako."Pinatayo 'to ng Ina at niyakap ng mahigpit.
"Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay gabayan ka.Itama ang mga mali mo.Ikaw lang ang buhay ko Maricel.Nang iniwan ako ng Ama mo at ipinagpalit sa iba,ipinangako ko sarili ko na hindi kita iiwanan kahit ano mangyari.Tutulungan kitang bumangon sa tuwing madadapa ka."Napuno ng iyakan ang gabi ng mag-ina dahil sa madamdamin nilang usapan.