Pagod at masayang namasyal si Cel kasama ang Ina at pinsan nito.Babalik na kasi 'to sa susunod na araw dahil malapit na ang final exam nila.
"Inay,maupo kana dito.Namiss ko ang mga gulay natin kaya our menu for today ay sari-saring gulay."Masayang saad ni Cel sa Ina.
"Wow anak mukhang especial na gulay 'to.At saka kailangan mo talaga kumain para malusog ang apo ko."Nakangiting saad ng Ina ni Cel.Kahit masakit para sa kan'ya ang nangyari sa anak.Hindi n'ya 'to hinusgahan at ipinaranas ang naranasan n'ya noon ng malaman ng mga magulang n'ya buntis s'ya.
"Ate Cel,dadalawin ka namin lagi doon sa maynila.At saka dalhin mo din dito si Kuya Leo paminsan-minsan."saad ng pinsan ni Cel.
"Tao po."Katok mula sa labas ng bahay nila.
"Inay,may bisita ba kayo?"Nagtatakang saad ni Cel.
"Wala akong inaantay.Baka ikaw Sara meron?"Saad naman ng Ginang.
"Wala rin po ante."Aakmang tatayo na si Cel ng pinigilan s'ya ni Sara.
"Ako na po ate."
Bumalik si Sara na bitbit ang isang sobre na puti.
"Ano 'yan?"tanong ulit ni Cel.
"Hindi ko alam. Pero galing 'to sa Francisco Uneversity."Matipid na sagot ni Sara.
"Akin na."Inabot ni Cel ang sobre at agaran na binuksan.
"Sige anak buksan mo na at basahin.Baka payment mo 'yan para sa sa nalalapit mo na final exam."
Nang mabasa ang nakasulat.Namutla at napahawak si Cel sa tiyan n'ya
"No,hindi pwedi gawin nila 'to sa akin."Umiiyak na saad ni Cel.
"Ano ba 'yan.Akin na."Inagaw ng Ina ni Cel ang papel at binasa ang nakasaad."Katulad ni Cel naiyak din 'to at biglang nanigas.
"Pinsan,Ante.Tulungan n'yo kami.Tulong..Ruben tulong........."Sigaw ni Sara na natataranta dahil hindi alam kung sino ang unang bubuhatin dahil pareho na 'tong walang malay.
Naisugod sa Hospital ang mag-ina sa tulong ng mga kapitbahay.Wala silang kamag-anak sa lugar na 'to.Dahil hindi tubong Mindoro ang Ina ni Cel.Pinalayas 'to ng totoong Ina niya ng malaman ang tungkol sa pinagbubutis ng Ginang..Dito n'ya napili na mamuhay ng matiwasay hanggang sa nakilala n'ya ang mag-asawa na matanda at inampon s'ya nito.Nang mamatay 'to pinamana sa kan'ya ang mga lupain .
Nang mabalitaan ni Jera ang nangyari sa kaibigan agad niya kinontak si Leo pero out of coverage 'to.
Kahit hating-gabi na,nagpahatid 'to sa private plane ng kaibigan dahil 'to mapakali.Alam kasi ni Jera na walang kaibigan at ibang kamag-anak ang mag-ina.Pagkadating sa hospital nagtanong 'to sa silid ni Cel.
"Sara kamusta ang kaibigan ko?"Nag-alalang tanong ni Jera kay Sara.
"Pero iyak ng iyak lang si Sara,"at nanginginig 'to.
"Sara,tell me what happen to my bestfriend at kay Tita?"pangungulit ni Jera kay Sara.
"Ate Jera.Si Pinsan okay na po,pero ang baby dilikado pa."Pagkatapos yumakap 'to kay Jera at humaholhol ng iyak.
"How about kay Tita?Nasaan s'ya?"Sunod-sunod na tanong ni Jera.Kinakabahan 'to dahil natatakot s'ya sa susunod na sasabihin ni Sara.
"Ate patay na po si Tita.Sabi ng Doctor pumutok daw ang ugat niya sa ulo.Hindi ko alam kung papaano sasabihin kay pinsan ang nangyari kay Tita."
Bumuntonghininga si Jera.Kahit siya hindi alam ang gagawin dahil alam niya masasaktan ng husto si Cel.
"Ano ba ang nangyari Sara?"Curious na tanong ni Jera.Ini-abot naman ni Sara ang sulat galing sa Francisco University.
Dear Parent/Guardian,
This letter is to inform you that Maricel Jugno has violated the policy of our school.
Our school strictly prohibits getting pregnant while studying. We don't agree with Pre-marital s*x.
Our Faculty and President have decided to suspend your child.
If you have any questions about our decision. You can email or come to our office. Thank you.
Marcelo Francisco
President/Owner
Pagkatapos basahin ni Jera ang sulat.Kinalumos niya 'to.Tinawagan niya ulit si Leo pero hindi talaga 'to makontak.
"Fuck.Ito na nga ang sinasabi ko.Hayop s'ya.Magtago kana ng tuluyan Leo dahil oras na malaman ko na niloloko mo lang si Cel.Ako mismo ang sisingil sa'yo."Bulong nito sa sarili.
Si Jera na ang nag-asikaso sa bangkay ng Ginang.Tulog parin si Cel at hindi n'ya alam kung paano sasabihin ang nangyari sa ina nito.
"J-jera"napalingon naman s'ya dahil sa lalaking tumawag sa kan'ya.
Napakunot naman ang noo ni Jera at inaalala kung saan n'ya nakita ang binata
"Ako si Jetro.Ang bagong n'yong ka board mate.Nabalitaan ko kasi kay Nanay soling ang nangyari sa kan'ya.Wala akong masakyan kagabe kaya pinaumaga ko na muna."Paliwanag ng binata habang palinga-linga 'to
"Hindi ko alam ang totoong pakay mo.Pero sa ngayon kailangan ni Cel ng kaibigan.Kailangan n'ya tayo."Seryosong saad ni Jera.
"Pwedi mo ba sabihin sa akin ang buong pangyayari.Huwag kang mag-isip.Wala akong pakay na masama sa 'nyo.Mabait si Cel kaya ang gaan ng loob ko sa kan'ya."
Niyaya siya ni Jera sa Canteen upang mag-usap sila habang nag-a-almusal
"Namatay si Tita dahil sa cardiac arrest.Nalaman n'ya ang tungkol kay Cel at leo,kaya inataki 'to at dinala sa hospital pero naagapan.Kahapon dumating ang sulat mula sa Francisco University at naglalaman 'to ng suspension letter.Sa pangalawang pagkakataon hindi naisalba ang buhay ni Tita dahil pumutok ang ugat sa ulo n'ya."Mahabang lintaya na saad ni Jera.
"f**k that bastard."Mahinang saad ni Jetro sa sarili.
"Naawa ako kay Cel. Wala na s'yang kamag-anak.Natatakot ako sa pweding maging reaksyon n'ya."
"Halika na.Puntahan natin s'ya.Kailangan n'ya tayo ngayon."saad ni Jetro.
Pagdating nila sa kwarto,gising na si Cel at nagwawala 'to. Todo ang iyak at sigaw nito habang pinaghahagis ang mga unan.
"Bestfriend."tawag ni Jera at niyakap 'to ng mahigpit.Pero si Cel todo iyak lang 'to at hindi nagsasalita.
"Kung kailangan mo sumigaw gawin mo.Huwag mong kimkimin ang sakit.Andito kami para damayan ka."
"Ang sakit.Hindi pa ako nakabawi kay nanay.Paano na ako ngayon.Siya lang ang buhay ko."saad ni Cel habang umiiyak
"Don't say that.Andiyan pa ang anak mo.Be strong para sa kan'ya."Pang-aalo ni Jera sa kaibigan.
"Hindi ko s'ya kailangan malas s'ya sa buhay ko.Simula nabuo siya sunod-sunod ang mga kamalasan sa buhay ko.Una namatay si Tita ngayon si Inay Pagkatapos ngayon iniwan ako ni Leo."
"Wait ano ang ibig-sabihin n'yo na anak?"Nagtatakang saad ni Jetro.
"Buntis s'ya at si Leo ang Ama.Pero hindi ko s'ya makontak."Ibinigay ni Jera ang larawan ni Leo.Nanlaki naman ang mata ni Jetro ng makita ang mukha ni Leo.
"B-bakit Jetro.You know him?Ipapahanap ko s'ya.Kailangan n'ya managot sa mag-ina n'ya "Galit na saad ni Jera.
"H-hindi.Hindi ko s'ya kilala."Na-u-utal na saad ni Jetro.
"Huwag na kayo mag-aksaya ng panahon dahil masaya na siya sa totoong mahal n'ya. Niloko n'ya lang ako.Niloko n'ya ako......Ang tanga-tanga ko...."Sigaw ni Cel.
"What do you mean bestfriend?"Naguguluhan saad ni Jera.
Inabot ni Sara ang mga larawan na ipinadala ni Daisy at may sulat pa 'to.Mga larawan na magkasama sila ni Oscar natutulog sa isang kama
Hello My dear.Alam mo na siguro kung sino ang kinalaban niyo.Kung sumunod lang sana ang ina mo.Hindi hahantong sa ganito.Sorry for your lost but you deserve that.Malandi ka kasi at ambisyosa.
Well....well...huwag mo na hanapin si Leo,I mean si Oscar dahil masaya na kami.Pinagloloko ka lang n'ya at uto-uto ka naman.
"Hayop s'ya.Huwag kang mag-alala tutulungan kita at hindi kita pababayaan."Awang-awa na saad ni Jera.
"Gusto ko makita si Inay.Please dalhin n'yo ako sa kan'ya."Paki-usap ni Cel.
Since medyo okay na Cel.Pinayagan sila ng Doctor na lumabas na.Dumiretso sila sa purinarya pagkalabas nila sa hospital.Sobrang alalay naman si Jetro kay Cel dahil ayaw n'ya mapahamak 'to,ganun din Jera kay Cel.Oras-oras tinatawagan ni Jera si Leo ng palihim ngunit hindi na talaga makontak 'to.