Chapter 13

1229 Words
Halos lumipas ang oras,araw at buwan.Walang Oscar na dumating.Sobrang nagluksa at nalugmok si Cel dahil sa nangyari sa buhay niya.Kung nawala si Oscar dumating naman si Jetro.Siya ang nagsilbing katuwang at nag-aalaga kay Cel habang si Jera naman ang umako sa ibang gastusin. Hindi na bumalik si Cel sa Maynila.Pinagpatuloy n'ya ang pagtatanim ng gulay at mais sa bukirin na iniwan ng Ina.Si Sara ang kasama n'ya at tuwing walang pasok o day off ni Jetro umuuwi 'to sa probensiya ni Cel. Ipinagpatuloy ni Cel ang pagbubuntis dahil kay Jera at Jetro. "Jetro...Bestfriend...Sara..Manganganak na ako."Sigaw ni Cel habang paika-ika na lumapit sa tatlo. Natatarantang binuhat ni Jetro Cel.Si Sara naman ang kumuha ng mga gamit. At Jera ang nag-drive. Habang nasa loob ng delivery room si Cel,parang trumpo naman si Jetro na hindi mapakali,lakad doon at lakad dito. "Jetro ano ba! nahihilo ako sa kakalakad mo."Inis na saway ni Jera. "Kinakabahan kasi ako. Paano kung sumuko si Cel?"Mariin na saad ni Jetro. "Alam kung ayaw niya sa bata.Naiintindihan naman natin 'yon.Hindi madali ang pinagdaanan niya."Napasinghap si Jera dahil kahit s'ya ay nahihirapan din. Halos sabay-sabay silang tatlo tumayo ng bumukas ang pinto sa delivery room. "Congratulation Mr!" bati ng Doctor na lalaki kay Jetro.Nagtaka sila bakit bigla 'to bumuntonghininga. "M-may problema ba?Nag-aalalang tanong ni Jera sa Doctor. "I'm sorry,hindi namin nailigtas ang identical twins niya.Dalawang batang babae ang pinagbubuntis ni Cel.Hindi s'ya nabigyan ng nararapat na gamot dahil hindi n'ya 'to pina-chreck.At isa pang problema.Huwag n'yo na siya sisihin dahil malala na ang depression niya."Mahabang lintaya ng Doctor kina Jera at Jetro. "Doc,may magagawa pa ba tayo sa kan'ya?Ano po ang dapat namin gawin?"Sabat naman ni Jetro. "Based sa nabasa kung mga symptoms n'ya ay nasa major stage na into.Sabi niyo nga nawawalan na ito ng gana sa buhay,namamayat,lagi sinisisisi ang sarili o kawalan ng tiwala,at panghuli nasa report paper din n'ya, na minsan na 'to muntikan magpakamatay.Dapat sa kan'ya ay pagtu-anan ng pansin."Segundang saad nig Doctor. "Doc one time nasabi ko sa'yo ang tungkol sa gusto niya mangyari sa bata.Ano po ang gagawin ko dahil ako'y naguguluhan din."Saad ni Jera. "Ang mainam mong gawin ay ibigay mo sa kamag-anak mo.Dahil mas dilikado na sa kan'ya 'to.Malaki ang risk na masasaktan n'ya 'to,once nag-trigger ang kan'yang depression at anxiety.Theres a possibility na masakal n'ya ang bata hanggang mamatay.Nag-hahalucinate ang pasyente na malala na ang depression sa tuwing inaataki sila."Paliwanag ng Doctor. Napanganga si Jera.Minsan niya na saksihan ang pag-iba-iba ng mood ni Cel. "Sige na.May pasyente na ako.At puntahan n'yo na siya sa room n'ya.Talk her about her daughter,baka magbago pa ang kan'yang desisyon once nakita n'ya na 'to."Seryosong saad ng Doctor. Naliwanagan na rin Jera at Jetro tungkol sa kondisyon ni Cel.Bumuntonghininga sila bago pumasok sa silid ng mag-ina. Nadatnan nila na hindi magkaugaga si Sara sa pagpapatigil sa sanggol. "Ilayo n'yo siya sa akin.Patigilin n'yo yan ng iyak."Nanginginig na saad ni Cel.Tinatakpan nito ang kan'yang tainga at pawis na pawis. "Cel please.Aalagaan natin si Baby.Andito lang ako sa tabi mo.Hindi kita iiwanan.Nakahanda ako tulungan ka at bumangon sa pagkalumok."Saad ni Jetro. "Bestfriend tingnan mo ang ganda ni Baby.Kamukha mo s'ya at sobrang puti n'ya din."Masayang saad ni Jera. "Ayaw ko sa kan'ya."Umiiyak na saad n'to.Nagwala si Cel at inagaw ang bata.Muntikan na rin 'tong mahulog kaya nagdesisyon sila ni Jetro na ilayo nalang 'to. "Sara ikaw na muna ang bahala dito.At ako narin bahala sa kay baby Scarlette,"Ang tinutukoy nito ay ang batang patay na. Sabay lumabas si Jetro at Jera.Bitbit ni Jera ang isang kambal.Habang papalapit na sila sa morgue may nasalubong silang mga Nurse at mukhang nagmamadali ang mga 'to basi sa kanila reaksyon at kilos.. Pagdating sa loob nakita nila ang isang kambal.Nagtaka si Jera bakit kung identical twins sila,hindi 'to magkamukha.Ngunit hindi na pinansin ni Jera ang mga agam-agam ng isipan. "Sayang at hindi na s'ya na buhay."Pailing-iling na saad ni Jera. "Saan mo balak dalhin si Sandrae?" "Sandrae?" "Jera gusto ko ipangalan sa bata ay Althea Sandrae."Maluha-luhang saad ni Jetro. Ngumiti din si Jera at sumang-ayon sa gustong ipangalan sa baby. Matapos mailibing ang isang kambal.Nakipagkita si Jetro at Jera sa kapatid ng binata.Naghahanap 'to ng maampon dahil almost 14 years na sila ng asawa nito,hindi parin sila biniyayaan ng supling. "Bunso napakagandang bata.Matutuwa ang kuya Raul mo nito."Excited na saad ng kapatid ni Jetro. "Ate ingatan mo siya at alagaan.Kung ako lang ang masusunod gusto ko,ako mag-alaga sa kan'ya."Yumuko 'to at umiyak. "Pero wala akong karapatan.Ikaw ate ang pinili kung bigyan para naman makikita ko si Sandrae habang lumalaki. "Don't worry Jera,bunso.Hindi ko kayo bibiguin.Lahat ng gusto niya ay ibibigay ko.She's Angel for us.S'ya ang tumupad sa pangarap namin mabuo at matawag na pamilya.Hindi man s'ya nanggaling sa akin,pero mamahalin ko s'ya ng higit pa sa buhay ko."Malapad na ngiti ng Ginang. Sa huling pagkakataon kinarga ni Jera ang bata at hinagkan."Sandrae magpapakabait ka sa Mommy Janice mo.I'm sorry baby kung wala ako nagawa."Malungkot na saad ni Jera. Lumabas ng restaurant si Jera na pasan ang kalungkutan para sa mag-iina.Sobrang galit 'to kay Oscar.Kaya pinagbuti nito ang pag-aaral ng law dahil gusto niya maging public atty. ng mga kababaihan o battered wife and children.Nais niya ipagtanggol ang mga babaing ina-abuso ng mga asawa. "J-je tulungan mo ako para bumalik sa dati si Cel."Naiiyak na saad ni Jetro "Jetro matanong kita.Ano ba si Cel sa buhay mo?" Tumingala 'to sa langit at hilaw na ngumiti kay Jera."Noong una wala talaga sa intensiyon ko na seryosohin si Cel.Pinsan ko si Leo o Oscar.Bago s'ya umalis iniwan n'ya sa akin si Cel.Bantayan ko daw 'to habang wala siya.Ang hindi ko maintindihan bakit sa tuwing tatawag ako sa kan'ya para ipaalam ang nangyayari sa mag-ina niya,babae ang sumasagot.Ilang beses ko narin pinuntahan ang opisina n'ya.Ang sabi lang nila sa akin na sa confidential mission 'to."Malungkot saad nito. "Tarando ka.Isa karin palang manloloko.Magpinsan nga kayo ni Leo o sino pang herudes iyon.Hindi na kayo naawa sa kaibigan ko."Galit na galit na saad ni Jera.Pinaghahsmpas niya sa balikat at dibdib ni Jetro. Lumuhod naman ang binata at hinayaan n'yang saktan siya ni Jera."Siguro noong iba ang pakay ko pero sa mahigit 6 na buwan na kasama ko si Cel.Nasaksihan ko lahat ng paghihirap niya ng dahil sa pinsan ko.At sa mga panahon na kasama ko s'ya,nahulog ang loob ko.Totoo lahat ng pinapakita ko.Mahal ko ang kaibigan mo."Umiiyak na saad ni Jetro. "Kung nasasabi mo lang 'yan dahil naawa ka.Huwag muna ituloy.Paano kung darating ang panahon na mahulog ang loob ni Cel sa'yo.Ano iiwanan mo din s'ya tulad ng pag-iwan ng pinsan mo?"Walang emosyon na saad ni Jera. "Give me a chance Je.Gusto kung tulungan si Cel makabangon.Mahal ko s'ya.Hayaan mo ako ang pumuno at bumura sa mapait na karanasan n'ya.Isa akong pasaway at walang plano sa buhay,pero nagbago ang lahat ng nakilala ko Cel."Seryosong saad ni Jetro. "Paano kung bumalik si Oscar at bawiin si Cel sa'yo.Paano kung s'ya parin ang piliin ni Cel sa kabila ng gagohan nito."Sunod-sunod na tanong ni Jera. "Kung s'ya ang pipiliin ni Cel at 'to lang ang makakapagpasaya sa kan'ya.Kahit masakit,magpapakalayo ako.Ang importante sa ngayon ay gumaling s'ya." Kahit alam ni Jera na walang kasiguradohan kung magtatagumpay si Jetro sa kan'yang plano.Binigyan niya parin 'to ng basbas dahil wala siyang ibang hinangad para sa kaibigan ay maibalik ang dati nitong kasiglahan.Gusto niya ulit makita ang mga ngiti sa labi ni Cel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD