Dahil sa panghihikayat nina Jera at Jetro napapayag nila si Cel na pamahalaan ang kompanya na naiwan ng lolo n'ya.Kahit medyo nangangapa s'ya sa pagpapalakad,kinaya sa tulong ng mga loyal employee ng kompanya.
Napanganga silang lahat ng bumababa si Cel.Nakasuot 'to ng black bodyfit dress may hiwa 'to sa tagiliran,with red lipstick.Sobrang litaw ang kan'yang kaputian.
"Wow saan ang lakad natin ngayon bestfriend?"Tanong ni Jera.
"Kukunin ko ang kompanya kay Daisy,wala s'yang karapatan na pamahalaan iyon.That's mine,not her."Taas kilay na saad nito.
Masayang pumalakpak si Jera.Gusto niya kasi maging palaban si Cel.
"Masaya ako at natauhan kana.Tama lang ang ginagawa mo.Hindi sa lahat ng oras lagi tayo magpakumbaba."
"Let's go."
Umalis silang tatlo. Para bawiin ang kompanya Nabalitaan niya kasi malaling pera ang nawawala dahil paunti-unti itong nililipat ni Daisy sa kan'yang personal account.
Pagdating sa malaking building.Namangha sila dahil sobrang taas 'to at ganda.Isa 'to sa personal na pinamamahalaan ng lolo n'ya.Kaya 'to ang napili n'yang pwestohan.
Habang nasa guard house sila,bigla nalang sila hinarang ng mga security guard.
"Ma'am may appointment ho ba kayo kay Ma'am Daisy."Inosenteng tanong nito.
"For what?I don't need appointment,"Inis na saad ni Cel.
"Pasensiya na po kayo Ma'am sinusunod lang namin ang protocol ng kompanya."saad ni Manong Guard.
"Manong i understand.At masaya ako dahil isa kang masurin na empleyado,pero kailangan ko mo ako papasukin or else isasama kita sa tatanggalin ko."Dinukot ni Cel ang id niya,kaya lahat nagulat at nagyukuan.Nagbigay sila ng daan at agad humingi ng tawad.
Halos lahat nakatingin sa kanila.Pagdating sa CEO building,taas noo naman lumapit si Cel sa secretary ni Daisy.
"Where is she?"
"Goodmorning po Ma'am Cel.Nasa loob po si Ma'am Daisy at kasama ang asawa niya."saad ng Secretary nito.
Napakunot naman ang noo ni Cel at ganun din sina Jera at Jetro.
"Kailan pa s'ya nag-asawa?"Mahinang tanong ni Cel kay Jera.
"Alamin natin" taas kilay na saad ni Jera sabay ngisi.
Tinaasan din siya ng kilay ni Cel.Pagkatapos bumuga muna 'to ng hangin bago kumatok ng pinto.Kahit alam n'ya sarili na hindi dapat bigyan ng halaga o respito si Daisy, patas niya parin i-trato.
Knock..Knock...Dalawang katok lamang iginawad ni Cel.Hindi na siya nagsalita at naghintay sa sagot mula sa loob.
"Come in."Malakas na sigaw mula sa loob.Pinihit ni Cel ang pinto ng marinig ang saad nito,ngunit laking gulat nila ng pagbukas ni Cel ng pinto may kasabay 'tong isang ballpen,mabuti nalang at maagap siya kaya na salo niya 'to.
"What are you doing here."Tanong ni Daisy kay Cel habang nakamewang.
Ngunit nilampasan lang siya ni Cel at diretsong umupo sa swivel chair.At sina Jera naman ay diretsong umupo din sa maliit ng sofa.Habang inililibot ni Cel ang mata at nagulat s'ya sa nakita, nagtagpo ulit ang kanilang mga mata ng lalaking minsan ng gumulo sa kan'yang isipan.Tinitigan niya lang 'to at ipanagsawalang bahala ang kabog ng kan'yang puso.
Kumunot ang noo ni Cel na bumaling ng tingin sa kaibigan,bigla naman agad ni Jera iniba ang usapan.
"I don't like this office for you bestfriend.Masyadong masangsang ang amoy at hindi ko gusto ang kulay masyadong boring."Walang preno na saad ni Jera.
"Who are you to judge my office? Lumayas kayo dito."Inis na inis na saad ni Daisy.
Tumayo si Cel mula sa pagkaupo pagkatapos tumayo sa harap ni Daisy.Kinuha nito ang folder sa taas ng mesa at hinulog sa sahig.
Namula sa galit si Daisy.Itinaas nito ang kamay upang sampalin si Cel,pero bago paman nakadapo sa pisngi ni Cel ang palad ni Daisy nahawakan n'ya na 'to.
"Kunin mo ang mga basura na nasa sahig, dahil katulad ka rin nila na dapat linisin. Matagal na kitang gustong itapon sa basurahan para hindi ka makasakit ng iba."Mariin na saad ni Cel habang isang kamay niya ay mahigpit na hinahawakan ang braso ni Daisy.
Bumalik ulit si Cel at tumawag sa security sa baba.Nang marinig ni Daisy ang sinabi ni Cel,mabilis nito niyaya ang nurse at asawa para lumabas.Mabilis naman tumayo si Jera at hinarangan 'to.
"Saan ka pupunta? we just started playing, are you going to give up right away?"Nakangising saad ni Jera.
"Enough girls.Diretsahin niyo na siya!"saway naman ni Jetro.
"No,ling! kulang pa iyan.Sa lahat ng ginawa niya sa akin nawalan ng ama ang anak ko."Galit na saad ni Cel.
Bigla naman nalungkot ang mukha ni Jetro dahil sa sinabi ni Cel.Samantala si Daisy humalakhak 'to ng malakas.
"Akala ko ba mahal mo si Oscar.Pero ilang taon palang pinalitan mo na siya.How sweet.By the way thank you dahil natuwa ako sa mga narinig ko right honey,siguro naman narinig mo ang lahat."Natatawang saad ni Daisy.
Samantala maluha-luhang tumingin si Oscar kay Cel at matalim na tiningnan si Jetro.
"Wala akong paki-alam sa asawa dahil kung hindi kayo aalis baka makalimutan ko may kapansanan ang asawa mo."Taas kilay na saad kay Cel.Alam n'ya na hindi niya dapat idamay ang asawa nito.
"Kaya pala bestfriend may pinagmanahan ang anak.Kung ano kabastos ang ina, namana lahat ng anak."Sarkatiskong saad ni Jera.
"Huwag mo idamay ang anak ko.Hindi mo ako kaya babaing malandi.Kahit kailangan hindi ka mananalo sa akin.Pagsisihan mo na kinalaban mo ako."
"Gawin mo Daisy.Ilang beses mo na ako pinatay.Ilang beses mo na ako sinaktan.Hindi ako natatakot sa'yo."Mariin na saad ni Cel.
"Ma'am nandito na lahat ng security,ano ang gagawin namin."Tanong ng isang Guard.
"Ilabas mo ang babaing iyan at huwag na huwag mo na ibalik.Kahit anino n'ya ayaw ko na makita."saad ni Cel
"Masusunod Ma'am!"
"Huwag n'yo ako hawakan dahil marunong ako lumabas."Bago tuluyan makalabas ng pinto nilingon pa ulit nito at pinagbantaan si Cel.
"Tama na Daisy umalis kana.Hindi ko hahayaan na saktan mo ang babaing mahal ko."Mariin na saad ni Jetro.
"Hibang kana.Hindi ikaw ang mahal niya.
Baliw ka at naniwala ka sa pagmamahal n'ya."Sigaw ni Daisy habang kinakalakad
palabas.
Galit na galit si Daisy habang nagmamaneho.Hindi niya namalayan na may kasalubong sila na sasakyan.
Baaaggggggg....isang malakas na kalabog ang narinig..Bigla nalang kasi sumulpot ang isang sasakyan sa harapan nila.
"S-sino kayo?Tanong ni Daisy bago nawalan ng malay.Samantala napahawak ng sa batok si Oscar at pilit na idinidilat ang mga mata.
"Oscar Bro,okay kalang?"
"C-condrad? Buhay ka?"Naiiyak na saad ni Oscar.
"Bro halika kana.Tumakas na tayo bago pa magising si Daisy."saad ni Condrad.
"Hindi Bro,hahayaan lang natin s'ya sa kahibangan n'ya.May kinalaman sila tungkol sa aksidente natin at sa pinagbabawal na gamot.Need ko pa ng kunting panahon."
"Kailan kapa nakakalakad?Matagal nakita sinusundan sa malayo!"tanong ng kaibigan.
"Halos tatlong buwan palang ako nakakalakad.Nung makita ko si Cel at babaing bata sa rehabilitation center,gusto ko isigaw sa kanila na ako si Oscar,pero paano ko sasabihin kung nakatago ako sa mukhang lalaki na 'to."Malungkot na saad ni Oscar.
"Ano ang plano mo?"tanong ni Condrad?
"Magpatuloy bilang Denver.Kailangan ko makaisip ng paraan para mahuli si Daisy.Paano mo pala nalaman na ako 'to?"
"Sa tulong ni Windy.Siya ang tumulong sa akin para hanapin ka?"saad ni Condrad.