"Daddy nakakatayo kana?" Gulat na saad ni Rina.Nanlaki ang mata nito dahil sa nakita n'ya ang ama na nakatayo habang nagbibihis. "Anak huwag mo muna tawagan ang Mommy mo.Gusto ko kasi s'ya sorpresahin."Nakangiting saad ni Oscar "Yes Daddy,basta promise mo sa akin ipapasyal mo ako." "Oo naman.Paghindi na busy si Daddy lalabas tayo.Magbihis kana at ihahatid kita sa school."saad ni Oscar.Mabilis 'tong tumakbo ng marinig ang sinabi ng ama. "Daddy ready na ako."Malapad na ngumiti sa ama. "Baby halika na,dahil nag-aantay na ang friend ni daddy sa labas."Yaya ni Oscar sa anak. Pagdating sa labas ng gate.Nakangiting nag-aantay si Condrad. "Bro,I'm sorry kung late na ako.Pwedi ba i-daan natin si Rina sa school n'ya.Nag-promise kasi ako sa bata." Napailing si Condrad dahil naguguluhan 'to s

