Bbbraaggg.. Isang malakas na kalabog ng pinto ang nagpa-angat sa ulo ni Cel. Kumunot ang noo ni Cel ng makita na magkasama sina Jetro at Daisy. Palipat-lipat n'yang tiningnan ang dalawa. "Ano 'to, reunion? Anong meron at napasugod ka Daisy?" Mahinahong tanong ni Cel. Itinago niya ang inis at pilit na ipinapakita kay Daisy na hindi s'ya naapektuhan. "Saan mo 'tinago ang asawa ko?" Mariin na tanong nito. "Tanungan ba ako ng mga lalaking nawawala. Anong paki ko sa asawa mo." "Huwag mo itago ang asawa ko. Nilalandi mo s'ya." Pasigaw na saad ni Daisy kay Cel. Ngumiti naman si Cel habang nilalaro-laro ang ballpen na hawak nito. "What do you think? kulungan ang opisina ko para dito hanapin ang asawang mong nawawala. Hindi 'to home for the agent. Hindi kami ampunan ng mga gurang."Saad ni Cel

