"Akala ko ba mag-aaral kang magluto?" bungad sa'kin ni Vincent paglabas ko ng kwarto.
Feel at home ang lalaking 'to, nakahiga ito sa sofa, eating chips while watching TV.
"Why? Is there something wrong with my outfit?"
Bahagya naman itong natawa while rolling his eyes.
"Wala 'te, push.." simpleng tugon ni Vincent saka napatingin sa wall clock. "Matagal pa ba 'yung kaibigan mong araw-araw may regla?"
I winced upon hearing his description.
"Inggit, porket siya hinding-hindi magkakaregla." turan ni Angela na mukhang kadarating lang.
"Wag mong sirain ang araw ko bruha!" sagot naman ni Vincent na paulit-ulit pang inirapan si Angela. "Saka uso kumatok!"
Napatakip na lang ako sa tenga nang patuloy pa ring nagsagutan ang dalawa. Para talaga silang aso't pusa.
"Lumayas ka nga dito, bakit ba sumama ka pa, panggulo ka lang naman!" pagtataboy ni Angela kay Vincent, tinabig pa nito ang balikat ng lalaki.
"Hoy fyi, 'tong beauty ko ang kasalukuyang nangangalaga sa kaibigan mo! Ako ang napeperwisyo sa pagiging bitter niyan! Ako ang pansamantalang humihilom sa sugatan niyang puso. Ako ang pipigil sa kanya kung sakali mang magbibigti siya! Ako at hindi ikaw! Kaya wag na wag mo 'kong sasabihan na panggulo lang ako! Magkakamatayan talaga tayo!" hirit naman ni Vincent na tumayo na at dinuro-duro pa ang pagmumukha ni Angela.
"Aba, ang tapang mo ah, porket walang ibang tao! Bago ka maghamon, ilantad mo muna 'yang kalambutan mo!"
"Pakialam mo sa kalambutan ko, inggit 'te? Sorry nemen, truth really hurts. Mas maganda talaga ako sa iyo.." Vincent smirked at saka umarteng iniipit ang buhok sa tenga niya.
Wala namang ginawa si Angela kundi itulak si Vincent dahilan para mapahiga ito sa sofa. Hindi naman nagpatalo si Vincent at hinila si Angela dahilan para mapadapa ito sa ibabaw niya. Tila wala namang pakialam si Angela sa position nila at sinimulang sabunutan si Vincent.
Iiling-iling na lang akong lumapit sa kanila at naupo sa tapat nila na abala pa rin sa buhok ng isa't isa.
"What are you doing? New way of love making, huh? Hindi pa ba kayo satisfied na first kiss niyo na ang isa't isa?"
Now I wonder, 'yun ba ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang dalawa?
It was an accident, magkasama kami ni Angela noon while waiting for Kuya Larry. It's raining at hindi lang kami ang nasa waiting shed. Maraming estudyante din ang nakatambay, waiting for the rain to stop. Unfortunately, may couple sa likod namin having misunderstanding based on their sour faces. I don't know why but they started pushing each other at nadamay nga si Angela. Muntik na siyang mapasubsob sa semento kung hindi lang nagkataong dumating si Vincent, na may hihiramin lang sanang notes, inalalayan siya ng lalaki.. holding her waists and back. Pero dahil ayaw paawat ng pasaway na couple, si Vincent naman ang naitulak ng mga ito causing him to lost his balance at doon na nagmeet ang mga labi nila.
Bakit nga ba palagi na lang may naghahalikan sa harap ko?
I sighed and seriously stared at them. "Move! You're here at my condo to teach me how to cook hindi para gumawa kayo ng scandal." tumayo naman ako at nagsimula ng maglakad patungong kitchen. "Follow me or else.." hindi pa ako tapos magsalita, naramdaman ko na agad ang pagsunod nila while murmuring to each other.
I faced them when we reached the kitchen.
"What’s the first step?"
Nagkatinginan naman sila pero nauwi lang sa sabay nilang pag-irap.
"R-Rish.. pwede magtanong?" Angela said hesitantly, I just nodded. "Bakit ganyan ang suot mo?"
Muli namang natawa si Vincent.
I frowned at pinasadahan ng tingin ang suot ko.
"I’m just wearing a raincoat, what's the big deal?" I innocently asked them.
"Hindi naman kasi umuulan Rish, anong pauso 'yan?"
"I tried cooking last time and it hurts. Masakit tamaan ng boiling oil!"
Muli namang humalakhak si Vincent.
"Level up ka na 'te, dati payong ngayon naman kapote! Ano naman kaya next time? Try mo kaya 'yung space suit, pak na pak 'yun!" pumapalakpak pang hirit ni Vincent.
"Hindi ka nakakatulong bakla!" saway ni Angela na siniko si Vincent bago ako binalingan. "Rish, hubarin mo nga 'yan.. 'yung apron ang suotin mo!"
I just stared at her. "Ayoko. Ikaw kaya ang habulin ng mantika!"
Napakamot naman ito sa batok at inirapan ako.
"Na-try mo na palang magluto, so hindi na tayo mahihirapan.." saad nito at sinimulang icheck ang mga ingredients na nasa harap niya. "Ano bang niluto mo, isda, manok o baboy? Prito ba?"
Lalo namang tumawa si Vincent na napahawak pa sa tiyan niya.
Hinawakan ko naman ang sandok at akmang ipapalo sa kanya.
Tinaasan lang kami ng kilay ni Angela, waiting for answer.
"Ano.. nagprito." mahina kong tugon saka iniiwas ang tingin sa kanya.
"Pritong?" Angela asked again.
Tinalikuran ko na lang siya ng muling humagikhik si Vincent.
"Expert siya sa p-pagpiprito bruha!" panimula ni Vincent.
"Pritong isda ba?" inis ng saad ni Angela. "Bakit ba tawa ka ng tawa?"
Sinipa ko si Vincent and confidently answered.
"Wala silang apple that's why I cooked fried rambutan instead!"