16 - L-word

949 Words
"Beybi, wag namang ganito.. hahayaan mo na lang ba tayong masira dahil lang sa mga naririnig mong maling paratang tungkol sa'kin?" awtomatiko akong napalingon sa kanan ko kung saan nakaupo ang isang lalaking nakasumbrero at bahagyang natatakpan ang mukha, may kausap ito sa cellphone. "Si Maryela na naman?!" frustrated na turan nito sabay masahe sa sintido. "She’s my ex at wala na kaming communication.. nagpalit tayo ng sim card, remember?" he deeply sighed. "I'am not mad.. bakit kasi mas naniniwala ka pa sa ibang tao kesa sa'kin? Hindi naman kita niligawan para lokohin at hindi kita pinasagot para saktan. Ginusto kong maging girlfriend ka para mahalin at hindi paiyakin.." he paused at seryosong nakikinig sa kabilang linya. Paminsan-minsan pa itong napapailing, napapakunot-noo at napapahilamos sa sariling mukha. "Alright.. if that's what you want.. I'm setting you free." kagat-labing saad nito saka tinapos ang tawag. Ilang minuto pa itong natulala habang nakatitig sa sariling cellphone saka wala babalang inilubog ito sa inorder nitong kape at tuluyan ng tumayo upang lumabas sa coffee shop.   "Sayang si guy, gwapo pa naman! Kung ako na lang sana ang minahal nun.. super duper promise, hindi ko siya sasaktan." komento ng isang babae na nasa table malapit sa'kin. "Asa ka namang mapapansin ka nun.. paano mo nga palang nasabing gwapo 'yun? Tss.. tandaan mo, ang mga lalaking gwapo, hindi papatulan ang tulad mo.." tugon ng kasama nitong lalaki. "Kahit kailan talaga, panira kang lalaki ka.. kaya hindi ka magka-girlfriend e, ang nega mo!" "Hindi ko kailangan ng girlfriend.." "Mag-girlfriend ka na, para naman hindi ako ang inaabala mo!" "Best friend kita.. wala kang karapatang magreklamo."   Inirapan lang naman siya ng babae.     Muli ulit akong napatingin sa bakanteng table na kinaroroonan ng lalaki kanina bago muling bumaling sa librong hawak ko.    Sayang ang cellphone.   I stared at my book, my fifth book.. I must finish reading this!   I'm running out of time, three days na lang.. tapos na ang semestral break and it's our deadline!   The truth is, tinakasan ko lang si Vincent, masyado siyang makulit and when he's around wala akong natatapos na task. Kahit sa condo na ko nag-stay, pinupuntahan pa rin niya ako at pinipilit makinig sa kaartehan niya. Natatahimik lang siya kapag sinasabi kong I'll cook for him. That gay, tss.. masyado daw kasing exotic ang mga niluluto ko.   Lalo na daw 'yung pritong papaya with cheese.   Binibigyan ko lang naman ng hustisya ang papaya, ang unfair naman ng patatas kung siya lang ang pwedeng iprito at gawing fries, right? Equality please!   I sighed, enough. Tanggap ko na naman ang katotohanan na ipinanganak ako para kumain at hindi para magluto!   "Here’s your coffee Mam.."   I just nodded at the crew.   Nang makalayo ito'y kaagad kong inubos ang kapeng inilapag nito at pasimple ko pang inilabas ang baon kong Chuckie saka dahan-dahang isinalin sa tasa kong wala ng laman.   Mission accomplished!   Mas masarap talaga ang Chuckie kesa sa kape.   Muli kong binuklat ang librong binabasa habang umiinom ng Chuckie.   We sing about it, write about it and watch movies about it, but when you think about it, falling in love is crazy and maybe even weird. It makes us feel and do things we usually wouldn't under any other circumstances. First of all, it physically affects our hormones and brain. In fact, scientists have shown that love affects the brain in a way similar to cocaine addiction. Not only that, it also affects us psychologically and behaviorally. I frowned when something hit me, this past few days since I saw them kissing, I felt something weird. But it doesn't mean anything right?  "Ganyan talaga ang love 'te.. parang hangin hindi mo nakikita pero nararamdaman mo.." I remembered Vincent once told me. "But para sa katulad mong tila tinurukan ng isang milyong anesthesia, denial queen at mahilig sa pagkain, ang love ay parang chicharon, kung kailan sarap na sarap ka na.. saka ka naman mauubusan."   Remembering Vincent's words, lalo lang akong naguluhan.   Hindi pa naman siguro ako inlove kay Krisz, maybe.. just maybe, I just miss his presence dahil na rin sa ginagawa kong pag-iwas sa kanya. I just can't face him right now. I'm confused at hindi ko rin alam kung bakit. Ganito ba talaga kakomplikado when it comes to L-word?   "I'm not giving up Rish. It’s okay if you hurt me.. it's really okay. Lahat naman ng nagmamahal, masasaktan. That's how love works. I'm prepared. I'm willing to feel that pain as long as it's for you."Krisz told me when we watched the sunset.    "Alright.. if that's what you want.. I'm setting you free." turan naman ng lalaki kanina.   Ano nga bang mas tama sa dalawa, patuloy na lumaban o mag-give up na lang ng ganun kadali?   Tss.. mas mahirap pa pala 'to sa Accounting.     "Miss.."   I stared at the guy na biglang naupo sa harap ko. He's the guy na nagsayang ng cellphone, I thought umalis na ito.   "Grabe ka naman makatingin, don't tell me naging ex kita?!" turan pa nito saka inayos ang pagkakasuot ng sumbrero. "What do you want?" I asked him, ignoring his remarks.   Ngumuso naman ito sa tasang hawak ko.   "Umorder ka ng sarili mong kape.. bakit kailangan mo pang manghingi.." I told him saka niyakap ang tasa ko.   Bahagya naman itong lumapit sa'kin dahilan para humigpit ang pagkakahawak ko sa aking tasa.   "It's not coffee, I saw what you did. Kaya kung ayaw mong isumbong kita, you must share your blessing.." he whispered as he winked at me at walang pasabing kinuha ang itinabi kong kalhating pack ng Chuckie. Ngunit bago pa lumapat sa labi nito ang straw ng Chuckie ko, nauna nang lumapat sa mukha niya ang kamao ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD