Kabanata 11

1352 Words
Chandria "Sauce! Kreige! Tuli na ba 'tong bunso mo at bumabanat na?" Napapitlag ako nang marinig ang tinig ng taong nasa hindi kalayuan at mukhang kanina pa yata naroroon. Awtomatiko kaming napabaling sa kanya. Nang makita siya ni Khol ay bahagya pang nanlaki ang mga mata at namula dala ng hiya. "Tito Kon naman!" asik niya. Umismid ang kanyang tiyo. "Mga banat mo halatang turo ni Daddy, ah?" He chuckled. Tila aliw na aliw na asarin ang pamangkin. Sumimangot si Khol. "I was just teasing her, alright?" Tumaas ang kilay ng kanyang tiyo habang nananatili ang ngisi sa mga labi. "Oo na lang, pamangkin kahit narinig ko na rin 'yan sa tatay mo." He moistened his lower lip. "Pahiram ako ng bente. Hindi kita isusumbong sa nanay mo. Dali. May binatog sa labas ng subdivision. Nami-miss ko nang kumain ng binatog." We saw Khol's father went towards our direction. "Tigilan mo nga ang anak ko, kuya? Do'n ka kay kuya Keeno humingi ng bente." Umikot ang mga mata ni Sir Kon. "Kaya nga sa bata ako humihiram dahil kayong mga gurang puro asul ang pera sa pitaka." He turned his gaze back to Khol. "Dali, Khol. Baka lumayas 'yong tindero. Sabi ko hintayin lang ako at hahanap ako ng bente." Nagkamot ng batok si Khol. "Wala rin akong bente, tito. I got some five hundred bills, though." Sumimangot ang tiyuhin niya. "Khol, dilaw lang ang mais pero orange ang kailangan ko. Orange. 'Yong Manuel Quezon hindi ang mag-asawang Aquino." I noticed how stressed Sir Kreige and Khol are already getting. Kaya nang matapos na ang problema nila sa bente pesos ay inalis ko ang ID ko sa ID holder at kinuha ang nakaipit na bente pesos doon. I then went towards Sir Kon and gave him the bill shyly. "Ito po, oh? Bente po." Umaliwalas ang kanyang mukha. He even kissed the folded bill as if he wanted to glorify it. "Ah, it's been a while, buddy Manuel." He grinned and looked at me. "What's your name, love?" Lumunok ako sandali. "C-Chandria po. Ria." I forced a smile. Maya-maya ay nagmano ako sa kanya kaya napangisi si Sir Kreige. "Oh, bigyan mo 'yan ng pamasko. Hindi 'yong baliktad. Kung sinong nagmamano 'yon pa nag-aabot ng bente," biro ni Sir Kreige. Sir Konnar made a click sound with his tongue. "Do you accept blue bills? I swear I don't have lower notes. Kahit bumalik ka sa pasko hindi kita bibigyan ng bente kasi akin lang 'yon for emergency purposes." Napakamot ako ng patilya. Ano bang klase ang trip nitong tiyuhin ni Khol? Ito lang yata ang mayamang nakita ko na parang mas gugustuhin pang sambahin ang bente. Umiling ako. "Hindi na po. Ayos lang po kahit wala po." "Nah, young lady. That's not how you do business." He pulled his wallet out, took probably ten one-thousand-peso bills from it and forcibly put it in my hand before he patted my shoulder. "You're a hero. I'm proud of you. Quezon is so proud of you, sweetheart," aniya na para bang napakalaking ambag sa lipunan ang pagbibigay ko sa kanya ng huli kong pera. Ni hindi tuloy ako nakaimik nang halos patakbo na siyang umalis dala ang bente. Baka kung hindi pa bumuntonghininga si Khol ay hindi ko pa mamamalayang nakaawang pala ang mga labi ko dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. "Si tito Konnar talaga . . ." He sighed and looked at me. "Itago mo na 'yan. Kahit iyakan mo 'yon, hindi niya rin tatanggapin pabalik 'yan so better keep it." Nahihiya akong tumingin sa kanyang ama. "N-Nakakahiya po." I lifted my hand. "Kunin n'yo na lang po." Sir Kreige flashed a fatherly smile. "Was that your last money, Ria? That twenty-peso bill you gave to my brother?" Tumangu-tango ako. "Opo." Humugot siya ng hininga't isinara ang aking kamaong may hawak ng pera. "Then you deserve this, Ria. You're a good kid." My heart warmed when I felt his sincerity. Ganito ba ang pakiramdam kapag napupuri ng father figure? Nakaka-boost pala ng kumpyansa sa sarili. Siguro kahit may ugali ang Mama ko, kung buhay lang si Papa ay hindi malungkot dahil may magpapalakas palagi ng aking loob. I smiled. "Thank you, Sir." "Sir sounds too formal, hija. You can call me tito." Nahihiya kong nilingon si Khol ngunit ngumisi lamang siya't tinanguan ako. I smiled at him before I drifted my gaze back towards his Dad. "Thank you po, t-tito." He gave me a fatherly pat on my shoulder before he told us that he will go help his wife prepare the dinner. Nagprisinta akong tumulong ngunit tumanggi siya't sinabing kaya na nila iyong mag-asawa. Khol and I spent an hour playing with his dogs. Nang dumating ang mga kapatid niya ay ipinakilala ako. Khalid Ducani teased him, though. Sabi ay binata na raw si Khol dahil nagdadala na ng girlfriend sa bahay. "Hindi ko siya girlfriend. Will you stop making her feel uncomfortable?" iritableng sita ni Khol sa kapatid habang namumula na naman. Palibhasa ay mestizo kasi kaya hindi niya naitatago maging ang kaunting pagpula dala ng hiya. Khalid's girlfriend sighed. "Tigilan mo na si Khol pwede?" Khol smirked. "Oo nga. Ate Francia kapag wala ka, palagi na lang akong inaasar niyan." Khalid turned defensive. Nang kurutin ng girlfriend sa tagiliran ay umikyad bago humahalakhak na hinuli ang kamay nito. He then anchored his arm on his girlfriend's shoulders before he pecked a kiss on her cheek. Maya-maya ay tinawag na kami ng katulong. My heart felt so happy when I realized how lively their dining hall gets every dinner. Nagtatawanan, nagbabahagi ng mga interesanteng bagay na nangyari sa kanya-kanyang mga araw. I couldn't help but watch their pretty smiles. Ganito pala ang pakiramdam ng may masayang pamilya? My chest tightened. Napawi ang kurba sa aking mga labi nang mapagtanto kong wala akong alaala ng masayang hapunan. Maliit pa ako nang magpakamatay ang Papa ko. My mother never shared even a single meal with me. Palaging . . . ako lang sa hapagkainan. Malungkot. Tahimik. I felt Khol's hand on mine as he looked at me worriedly. "Are you alright?" Humugot ako ng hininga't pilit na ngumiti. "Oo, ayos lang." I scanned the others. "Ang saya-saya ng pamilya ninyo, ano?" I asked before I looked at him again. Lumamlam ang kanyang mga mata. Maya-maya ay humugot siya ng matalim na hininga't pilit na ngumiti. "You can have dinner with us whenever you want. W-Wala namang problema sa'min." Lumawak ang kurba sa aking mga labi. "Salamat, ha?" "For what?" "For . . . sharing your family to me." His face lightened up. "You're welcome." Ngumiti kami sa isa't isa bago nagsibalik na sa aming mga pagkain. Nang matapos ang dinner ay nagpaalam na rin ako dahil gumagabi na. I was surprised when Mrs. Ducani gave me a hug before they let Khol take me home. Ang saya-saya ko pa habang nasa byahe kami pauwi sa bahay namin ni Mama. Dahil hindi ako pwedeng magpababa sa mismong harap ay pinatigil ko na ang kotse ni Khol sa kanto. "Thank you, Khol! Kita na lang tayo bukas sa school, ha?" sabi ko saka akmang lalabas na ng kotse. "Ria, wait." I turned to him again. "Hmm?" His lips opened but he wasn't able to speak as if his words were trapped in his throat. Sa huli ay bumuntonghininga siya saka biglang pinatakan ng halik ang aking pisngi. Napakurap naman ako't hindi nakagalaw, nabigla dahil sa ginawa niya. Did he just . . . kiss me? He cleared his throat. "S-Sige na. Kailangan mo na ring . . . magpahinga." He forced a smile. "See you tomorrow. I . . . had a lot of fun today." Nahihiya na lamang akong ngumiti bago tuluyang bumaba ng kotse. Pigil na pigil ko pa ang kilig ko habang naglalakad patungo sa bahay. I wanted to squeak but I didn't want to embarrass myself. Kaya tinikom ko na lamang ang bibig ko hanggang sa nakarating ng bahay, ngunit pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin ang galit na titig ng taong nakaupo sa silya. "M-Mama . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD