Chandria
I knew that look. I've been familiar with it since I was young. In fact it was the look in every core memory of mine. Kaya nang tuluyang tumayo si Mama at nagsimulang humakbang sa akin ay halos manlamig ako sa aking kinatatayuan.
"Saan ka nanggaling? Uuwi ako rito na wala ka pang naluluto?!"
Napasinghap ako't halos mawalan ng balanse nang humalik sa aking pisngi ang mabigat na palad ni Mama. I tried to hold back my tears but failed when she started dragging me towards our small kitchen.
"Ayan! Tingnan mo! Punyeta! Walang kalaman-laman!" sigaw niya bago ihinampas sa akin ang walang lamang kaldero.
Hindi ko na napigilan ang paghikbi. "S-Sorry, Mama. H-Hindi ko po alam na uuwi ka--ah!"
Dumaing ako nang husto nang sabunutan niya ako habang gigil na gigil. "Sasagot ka pa! Wala ka na ngang ibang ibinigay sa buhay ko kun'di problema!" She scoffed. "Paanong hindi ako uuwi?! Eh pamamahay ko 'to?!"
I continued to sob while staring at the pair of eyes that flicker with hatred towards me instead of love. Bakit ganoon? Bakit kung sino pa ang siyang nagluwal sa akin ay siya pa ang hindi ako kayang tingnan nang may pagmamahal? Bakit iyong mga taong hindi ko naman kaano-ano ay siya pang tila may awa para sa akin?
Pinigilan ako ang paghikbi. "M-Magluluto na lang po ako, M-Ma." Sinubukan ko siyang yakapin, umaasang makakalma ng yakap ang kanyang galit ngunit tila nairita lamang siyang lalo.
I groaned when she pushed me away and my lower back hit the edge of our sink counter. "Tigilan mo ko d'yan sa kaartehan mo!" Naningkit ang kanyang mga mata sa akin. "'Yang magaling mong tiyahin, inaway ako! Hindi na raw tutustusan ang pag-aaral mo kaya bukas na bukas, sisimulan na kitang isama sa club nang magkaroon ka naman ng pakinabang hindi 'yong ako lang ang gumagawa ng paraan para mabayaran lahat ng utang na iniwan ng magaling mong ama!"
I froze. Titigil na ako sa pag-aaral?
My tears fell. "P-Po? Bakit po?" nanghihina kong tanong.
"Ay malay ko sa letseng 'yon! Porke't hiniram ko lang 'yong tuition mo kung makapagsalita akala mo kung sinong mayaman na!"
My lower lip trembled. Nakaramdam ako ng galit para kay Mama dahil alam kong dahil sa kagagawan niya kaya ayaw na akong pag-aralin ni tita. Pero hindi ba . . . kapag magulang, dapat hindi ka magalit? Sabi nila kapag nagagalit ang magulang, dapat magpasalamat pa kasi raw may pakialam sa'yo?
Oh mali ang konseptong alam ko? Kasi bakit 'yong mga magulang ni Khol ay hindi katulad ng Mama ko?
Nakarinig kami ng katok sa pinto. Inis na nagtungo roon si Mama, at nang mapagbuksan niya si Aling Shion ay nakita kong sinilip ako ng mabait naming kapitbahay.
"Ay aling Shion! Napadalaw ho kayo? Nakakabulabog ho ba kami? Ito kasing anak kong tatamad-tamad, inuna pa ang paggagala," plastik na sabi ni Mama.
Gumuhit ang awa sa mukha ni Aling Shion. Alam ko namang nakikisimpatya sa akin ang mga kapitbahay kaya nga kapag humihingi ako ng kaning lamig at kaunting toyo sa kanila ay hindi sila nagdadalawang-isip magbigay. Minsan kung may sobra silang ulam ay inaabutan din nila ako basta hindi malalaman ni Mama para hindi magalit sa kanila.
Hindi ko alam kung totoong nagyaya ng tong its si Aling Shion. Hindi naman kasi siya gaanong sugarol. Maglalaro lang kung gusto at kapag naririnig niyang nagbubunganga si Mama sa akin. Pasalamat na lang ako na sumama si Mama sa kanya, ngunit bago sila umalis ay sinabihan ako ni Mama na magluto dahil kapag bumalik siyang wala pang pagkain ay makakatikim na naman ako.
I wiped my tears and started cooking for her. Ngunit kahit anong punas ko sa aking mga luha ay hindi talaga tumitigil sa pagpatak. Bumabalik sa alaala ko ang pakikitungo ng mag-asawang Ducani sa akin. Kung paanong halos ipagsandok ako ni Mrs. Ducani kanina habang sinasabing kainin ko lahat ng gusto ko at huwag akong mahihiya.
I never pitied myself this much before I got to see a different kind of parenting. Ngayon ko napagtatantong hindi lahat ng magulang ay kagaya ng Mama ko. Na hindi palaging galit at pananakit ang paraan ng pagpapakitang may pakialam ang magulang sa iyo.
A part of me realized that abuse could never be called a form of love, but I love my mother because she's all I have. Kaya kahit alam ko sa sarili kong mali na siya, parang . . . hindi ko kayang tanggapin.
Nilingon ko ang kalendaryo. Malapit na pala ang mother's day. Kung ibibili ko kaya si Mama ng regalo ay babait na siya? May pera naman akong galing kay Sir Kon. Kung magpapakabait ako at papayag na huwag nang mag-aral, kung sasama ako sa club, aayos na kaya ang pakikitungo niya sa akin?
Suminghot ako't isinalang na ang kanin sa kalan bago ako nagbihis. Kinuha ko rin ang cellphone ko na kung hindi nakasaksak ay hindi gagana dahil sira na ang baterya. Pinagtyatyagaan ko lamang iyon para sa research at sa pag-chat sa ilang kaibigan tuwing nasasaktan ako ni Mama.
Madalas ay kung nangungulit ako noon kay Khol dahil sinaktan ako nang husto ni Mama. Pilit kong pinapalitan ang sama ng loob ko ng admirasyon ko kay Khol kaya ngayong masyado na namang mabigat ang dibdib ko ay muli akong nag-chat sa kanya. Ngunit hindi gaya noon na hindi niya ako pinapansin sa chat, mabilis na siyang nag-reply ngayon.
Chandria: Nakauwi ka na ba?
Khol: Yeah. Just got home. Matutulog ka na ba?
Chandria: Hindi pa.
I bit my lower lip and thought for a second if I should tell him that he wouldn't be seeing me at school anymore. Ayaw ko sana kaya lang ay baka pumunta siya ulit sa kanto namin bukas para isabay ako sa pagpasok.
I let out the heavy air in my lungs and finally messaged him again.
Chandria: Khol, titigil na raw ako sa pag-aaral. Huwag mo na akong daanan bukas, ha? Hindi na rin ako papasok, eh.
Ilang sandali lang ay tumawag siya kaagad. Ang boses ay halatang naguguluhan dahil sa aking sinabi.
"What did you just say?" bungad niya.
I sniffed. "Hindi na raw kasi ako pwedeng mag-aral. Wala akong magagawa, Khol. Kailangan kong sundin ang Mama ko."
"Have you been crying? Bakit hindi ka na pag-aaralin eh responsibilidad ng nanay mo 'yan? Is she abusing you? Do you want me to ask my mom's help? She can--"
"Huwag!" My voice cracked as I sobbed. "Please, huwag. Kung . . . kung kakasuhan ang Mama ko, m-makukulong siya, Khol at . . . mahihirapan dahil sa akin."
"Chandria, this is already so wrong in so many levels. Why put up with someone like that?"
Nilunok ko ang namuong bara sa aking lalamunan. "Mahal ko ang M-Mama ko." I sobbed. "Mahal na mahal ko siya kahit . . . kahit mas madalas niya akong saktan kaysa pansinin nang hindi siya galit. Mahal ko siya kahit . . . kahit wala akong alaala niyang naging kasing lambing siya ng nanay mo." Nabasag ang aking tinig. "Mahal ko siya, Khol. Mahal na mahal ko siya kahit . . . kahit sobrang hirap nang maging anak niya . . ."
"Ria . . ."
I sniffed and wiped my tears. "Kaya huwag mo na akong daanan bukas, ha?"
I heard him sigh. "I can pay for your tuition. You can tell her--"
"Hindi na, Khol kasi h-hindi rin siya papayag. Gusto na niya akong magtrabaho--"
"Saan? Sa club? Lintik naman, Ria hindi pwedeng doon pa kita pupuntahan! Don't you get it? I wanna see you! At school! Showing off how f*****g smart you really are! I wanna see you get full in every meal! I wanna watch you smile and giggle and just be f*****g happy!"
Basag akong ngumiti habang patuloy na bumabagsak ang aking mga luha. "P-Patawad." My voice cracked. "Kailangan ko talagang . . . unahin ang Mama ko."
Sandali siyang natahimik sa kabilang linya na tila pinakikinggan lamang ang aking bawat paghikbi. Maya-maya ay humugot siya ng malalim na hininga't binasag ang katahimikan.
"Ria, please. You deserve better than this. Ilang buwan na lang, tapos na tayo ng Senior High. Please, I wanna march with you . . ."
Naipikit ko nang tuluyan ang aking mga mata habang humihikbi. Nang pinatay ko ang tawag saka ko hinugot ang charger ng cellphone ko ay hindi ko na kinaya pa ang aking emosyon.
Nayakap ko na lamang ang aking sarili habang umiiyak. Iniisip na sana paggising ko bukas, mas mabait na ang buhay sa akin.