Kabanata 13

1434 Words
Chandria I scanned the whole place while my mom introduces me to her lady boss. Naririnig na sinisiguro ni Mama sa kanyang boss na nasa tamang edad na ako at hindi ako magiging dahilan para mapasara ang kanilang club. "Ang taba naman niyang anak mo, Juliana! May bibili ba ng ladies drink para diyan? Eh baka makita pa lang 'yan matakot nang um-order ng pulutan ang customer!" dinig kong asar ng isang katrabaho ni Mama. Tumaas ang kilay ni Mama sa katrabaho niyang naninigarilyo kasama ng tatlo pang may edad nang babae. "Hoy! Para namang hindi tatlong layer 'yang tabang karga mo diyan sa puson mo!" Mapapangiti na sana ako dahil akala ko ay ipinagtatanggol na ako sa wakas ni Mama, ngunit nang marinig ko kung ano ang karugtong ng naging sagot niya sa kanyang katrabaho ay lalo akong nanliit. "Saka hindi 'yan magli-ladies drink, ano! Tanga 'yan. Baka mamaya mapahiya lang ako kung mati-table 'yan! Nandito 'yan para maglinis nang pumayat naman!" Naiyuko ko na lamang ang aking ulo nang magtawanan ang mga kasama ni Mama. My eyes felt hot but I immediately shove my tears. Nang napansin ni Mama ang ginawa kong pagpunas sa aking pisngi ay kinurot pa ako sa tagiliran. "Anong iniiyak-iyak mo?" I sniffed. "Wala po." Umikot ang mga mata ni Mama. "Hindi gaya ng ibang bar, bente kwatro oras bukas 'tong Bikini Strip. Magdala ka na ng damit sa susunod nang kung kailangan ka rito, hindi na kita kailangang bitbitin pa. Naintindihan mo?" mataray niyang sabi. I pursed my lips and nodded. Wala naman akong choice kung hindi ang um-oo. Mataas naman daw ang ipapasahod sa akin. Siguro kung aayusin ko ang pagtatrabaho ay mas malaki ang kitain ko. Baka mas mapadali ang pagbabayad ni Mama ng utang ni Papa. Mas mapapaaga ring mababawasan ang kinaiinit ng ulo niya. Maybe she will finally treat me nice, right? Iyon lang naman ang gusto ko. Ang mawala na ang init ng ulo niya para maramdaman ko nang mahal niya ako. Her boss called one of the janitors. Itinuro sa akin ang mga dapat kong gawin matapos sabihin sa akin kung saan kami pwedeng matulog tuwing naka-off duty. Pagdating ng hapon ay dumagsa na ang mga parokyano sa lugar kaya nagsimula na rin akong kumilos. I saw my mom dancing at the pole with only a pair of black bikini covering her private parts. Umuulan ng perang itinatapon sa kanya. Ang ilan ay nag-iipit pa ng malaking halaga sa kanyang suot. "Masanay ka na. Isa sa pinakamalakas kumita rito ay 'yang nanay mo." Napatingin ako sa nagsalita. Nang mapagtantong ang boss iyon ni Mama ay napahigpit ang hawak ko sa mop. "Dito rin po ba matutulog si Mama kapag dito po ako natulog?" Umismid siya matapos bumuga ng usok ng kanyang sigarilyo. "Hija, hindi mo mapatutulog ang nanay mo rito. Kung hindi iyan sa hotel kasama ng customer, uuwi iyan sa bahay niya." Akmang magtatanong ako kung pwedeng mag-uwian na lang para may kasama si Mama sa bahay ngunit hindi ko na nagawa nang mayroong bouncer na lumapit kay Madam Charm. May ibinulong ang bouncer. Maya-maya ay tiningnan nila akong pareho. Humithit si Madam Charm sa kanyang sigarilyo saka iyon ibinuga bago ako kinausap. "May magbu-book daw sayo ng twenty four hours for one month. Magbabayad na nang makuha ka na ngayon." Ginapangan ako ng takot. "P-Pero sabi po ni Mama maglilinis lang po?" "Oh, eh 'di sabihin mo sa nanay mo hindi mo gusto. Tingnan natin kung paano ka bubugbugin niyang si Juliana." Ngumisi siya. "Alam mo, hija. Aarte-arte rin 'yang nanay mo noon. Pero noong nakatikim na ng pera, hindi na rin tumigil kakabukaka." Uminit ang aking pisngi. "H-Hindi po ako gano'n." "Nasasabi mo lang 'yan dahil bata ka pa. Mura. Wala pang alam sa totoong pait ng mundo. Ngayon kung gusto mo talagang matulungan 'yang nanay mong makabayad ng utang kay Jawo, tanggapin mo na 'yong offer. Balita ko pa naman, pinag-iinitan na 'yang nanay mo. Baka sa makalawa, kung hindi pa siya makapagbibigay, ipa-salvage na 'yan." Gumapang ang takot sa aking katawan. Ang mama ko, ipapa-salvage? Diyos ko! Nagtalo ang aking puso at isip. Alam kong hindi ito ang landas na gusto kong tahakin, ngunit nananaig ang takot kong may masamang mangyari sa mama ko. Hindi man niya ako kinakalinga sa paraang nakita ko sa ina ni Khol, mahal na mahal ko siya dahil siya na lang ang mayroon ako. I cannot put myself over her safety . . . no matter how wrong it sounds for other people. I ended up agreeing no matter how terrifying it is for me to do such a bold decision. Nanginginig ang katawan akong sumakay sa kotseng naghihintay sa labas. Ang mga palad ko ay sumalikop sa isa't isa habang nasa byahe. I kept begging God to protect me from what I'm about to get myself into, at dahil dasal ako nang dasal ay hindi ko na napansin kung sino ba ang nagmamaneho ng sasakyan. My tears built up when the car finally stopped at a hotel parking lot. Pinatay ng driver ang sasakyan saka ako nilingon sa backseat. Nanlalamig na ang buo kong katawan dala ng matinding takot at ang mga luha ko ay patulo na, ngunit nang marinig ko ang tinig ng driver ay muntik nang tumalon palabas ng aking dibdib ang aking puso. "Let's go, Ria." Inangat ko ang aking ulo at tiningnan ang taong nasa driver seat nang masigurong hindi ako niloloko ng pandinig ko, ngunit nang magtagpo ang aming mga tingin ay bumagsak nang tuluyan ang aking mga luha. "K-Khol?" His obsidian eyes softened. Bumaba siya ng kotse at binuksan ang pinto sa backseat. Hindi ko alam kung dala lamang ng matinding takot ko ngunit nang tuluyang bumukas ang pinto ay bigla ko siyang nayakap. I cried on his shoulder as he hugged me back. My whole body was trembling in so much fear but he just wrapped his arms around me as if silently telling me I am safe now. "It's okay, Ria. No one will hurt you here nor force you to do anything that will put you in danger," he said in a low voice. Suminghot ako't kumalas sa yakap. "N-nagbayad ka ng one hundred fifty thousand para sa akin?" He wiped my tears. "I'll pay them again next month, don't worry." Napahikbi ako habang nakatitig sa kanyang mga mata. "B-Bakit mo ginawa 'yon?" A broken smile made its way to his lips as he tucked my hair behind my ear. "So I can make sure that you will finish this school year. Papasok ka. Isasabay kita palagi. I'll pay for your balance at school. We'll have meals together and then I'll drop you here every day. I'll stay for a couple hours so we can study together. Tapos ay uuwi ako na kampante ang dibdib ko dahil alam kong kinabukasan ay makikita pa rin kita." Lalong rumagasa ang aking mga luha. "Khol . . ." He wiped my tears. "I don't know how I will convince you to leave your mom and save yourself, Ria but if I can do something to make your life a little better, I'll do it because I, my brothers, and my cousins, are not the only ones who deserve to go to school, eat proper meals, and have a happy teenage life. I will . . . share my family to you . . . until you realize what real love is." Nanginig ang ibaba kong labi. "H-How can I repay you?" He flashed a weak smile. "Just . . . smile for me, baby." My tears fell as I looked into his obsidian eyes. Maya-maya ay napunta sa aking mga labi ang kanyang tingin. The curve on his lips slowly disappeared, and the next thing I knew, his lips were already pressed on mine while our eyes were shut. Hawak rin niya ang kamay ko habang magkalapat ang aming mga labi, ang kanyang hinlalaki ay marahang hinaplos ang likod ng aking palad. He didn't move. None of us did. And when he finally pulled away from our kiss, Khol entwined our fingers as he held me by my chin. "We'll graduate together. Go to college together. Chase our dreams together. Nandito ko, Ria. Nandito na ko . . ." A small smile made its way to my lips as my tears heavily fell. Nayakap ko na lamang siya, at habang nararamdaman ko ang marahang pagpatak niya ng halik sa gilid ng aking ulo, wala akong ibang naramdaman kung hindi kapayapaan. Kapayapaang hindi ko akalaing aagawin din kaagad sa akin ng mundo . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD