Pagka-uwi sa bahay ay mabilis kong hinubad ang coat ko at dumeretso muna sa kusina para uminom ng tubig. After that ay saka ako umakyat sa kwarto para mag half bath at magbihis ng simpleng short at puting sando. Pagkatapos ay lumabas din ako para magluto ng hapuna namin. Mag-aalas syete na't wala pa ito. Asan na ba ang mag tito na 'yon? Wala si August kasi may inaasikasong trabaho. Si Clover dumaan dito kanina at nagpang-abot pa ang dalawa tulad noong nakaraang anim na taon, wala silang ginawa kundi mag-asaran 'yon na yata ang batian nila. And because my son can't go with August, kay Clover siya sumama na galak na galak naman na tinanggap ang kagustuhan ni Krypton. Sinubukan kong tawagan si Clover ng nakailang ring pa ito bago sumagot. "Clove asan na kayo? Sabi ko iuwi mo siya before s

