Wala ako sa sarili during the meeting. Hindi ko natakasan ang madalas na pagtagis ng panga ni Meast at ang paminsan minsan niyang pagbibitaw ng masamang tingin sa akin. I am pissing him off by spacing out during our meeting. Madalas din akong sikuhin ni Hana para ibalik ako sa reyalidad na siya ko namang kinagugulat. Ilang beses din akong binato ng mga tanong ni Meast na para bang ako lamang ang taong naroroon at hindi niya ako tinitigilan hangga't hindi niya nakukuha ang pinakagusto niyang paliwanag. I can feel my sweat all over my face, kahit na napakalakas ng aircon sa loob ng conference hall. Matapos ng meeting ay mabilis na kaming nagsi-alisan at nagsi-balikan sa opisina namin. Hana asked me if I was okay, and I told her, I was. Hindi rin nakaligtas ang pagbubukas niya ng topic tu

