As I was on my way to the meeting place, Meast texted me. Alam kong nakuha niya ang number ko kanina. He's indeed tricky. Tumawag ako sa office para ipaalam kay Hana na may aasikasuhin lang ako kaya 'di ako makakapasok. Mga nine ay nakarating ako sa restaurant na tinext sa'kin ni Meast. Pagkapasok ko ro'n ay hinanap agad ng mga mata ko kung nasa'n siya. Nailang ako sa mga tingin ng mga lalaki sa loob, kahit na ang crew na sumalubong sa 'kin. Sinabi ko ang pangalan ni Meast if in case na may reservation siya rito dahil hindi ko talaga mahanap. Agad naman nitong sinabi kung nasaan si Meast kaya. Sumunod ako sa kaniya at dinala ako nito sa pinaka kokonting tao. At lahat ng table dito ay pangdalawahan lang. Agad na natanaw ko si Meast na tinitigan lang ako habang papalapit ako sa kaniya. Na

