Umuwi ako ng walang-wala sa mood, that devil is really getting on my nerve. Bakit kasi sa dami ng magiging boss namin ay siya pa? I can't wait for the termination of our contract. Mas gusto kong nasa ELIAZ ako, mas komportable—at hindi sumasakit ang ulo ko Naabutan ko si August sa bahay na mukhang kararating lang. He was taking off his suit when I entered the house. "You okay?" "Hmm, naiinis lang ako pero okay lang." sabi ko habang naglalakad papasok sa kusina to look for a drink. Sumunod siya sa akin at tinukod ang dalawang kamay sa upuan habang pinapanood ako. "What happened?" "Nothing... wala ka na bang meeting?" "Wala na, may gagawin ako mamaya kaya hindi ako rito makakatulog but since andito si Timber, panatag ako." He was tapping his finger when I looked at him. Seryoso itong n

