Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin bago pasimpleng napaharap kay Meast na kapapasok lang, katatapos lang siguro nitong makipag usap on phone. Narinig ko kasi kaninang asawa niya 'yong kausap niya. 'Di mapakali? Hanap-hanap? Tss! "Ready?" bahagya ko siyang nilingon at nilapitan ang laptop ko saka tumango. Halos ilang minuto rin ang kinailangan namin para marating ang place na pagkikitaan namin ni Mr. Dawson. No'ng una'y sa kompanya niya ngunit kanina lang ay nag-text siya kung saang place na lang kami magkikita. Pinaalam ko na rin sa kaniyang kasama ko ang boss ko sa project. "It's all in your hands, Kiara. I am counting on you. " pahabol niya bago kami makapasok sa restaurant. Dinala kami sa VIP room na pinareserve ni Mr. Dawson. Pagkapasok namin doon ay naghintay lamang

