Tahimik kaming dalawa sa hotel. Pagkapasok ay dumeretso agad ako sa kama at kunwaring naghalungkat ng gamit sa maleta. Ramdam ko ang mga tingin niya ng mga oras na iyon ngunit di naman nagtagal ay lumabas siya saglit, para siguro magpahatid ng pagkain. Kumuha ako ng damit pamalit at pumasok sa bathroom. I badly want to appreciate everything inside of it. May separate jacuzzi kasi iyon, and have a glass shower room at the dalawang sink. Masyadong malaki, at malawak. Pero mas pinagtuunan ko ng pansin ay ang salamin. I stared at my face in the mirror as I could see my red nose. Sa tuwing umiiyak talaga ako ay namumula ito kaya madaling mahahalata. Namamaga rin ang mga mata ko sa pag-iyak. Bahagya akong yumuko sa sink at hinilamusan ang mukha ko. Ngunit sadyang traydor ang luha ko at nagsimu

