Hanggang sa makalapag ang plane ay di na kami nag-usap na dalawa. Umiiwas din naman ako na magkausap kami. Habang naghihintay ako ng masasakyan ay may humintong itim na kotse sa harapan namin at nang lumabas ang nasa driver's seat nito ay gano'n na lang ang pagsikip ng dibdib ko. Bumaba roon ang isang babae nakasuot ng blue floral dress at silver heels naka shades at may kahabaan ang buhok, naghuhumiyaw ang pagkasopistikada nito. Sa kabila ay may bumabang batang babae at tumakbo sa direksyon ni Meast. Alam kong nagulat ito ngunit di ko siya tinapunan ng tingin at kunwaring nagaantay ng cab. "Daddy!" nangilid ang luha ko ng sumigaw 'yong bata saka nagpakarga kay Meast na agad naman nitong binuhat. "Hi honey! How's the meeting? " "Val, I didn't know you'd go here." "Si Feirene, kasi hin

