Pinagmasdan ko ang damit na ipinadala ni Meast para sa akin. Kulay royal blue iyon at about hanggang tuhod ko, kasama ang isang royal blue pouch at silver heels. I was biting my finger nails while staring at that dress, parang kailan lang no'ng madalas ako mag-suot ng mga dress. Naiwan kasi lahat ng damit ko sa bahay na 'yon. "Hija, hindi ka pa ba nakakaayos? Nakahanda na ang sasakyan niyo ni Sir," rinig kong tanong ni Yaya Emma sa labas ng kwarto ko. "Saglit lang po Yaya Emma," kinuha ko na ang dress at mabilis na hinubad ang robe na suot-suot ko. I was a bit nervous, walang nabanggit sa akin si Meast kung anong klaseng dinner ang pupuntahan namin? Kung family dinner, nila o for business. Baka magmukha akong katawa-tawa roon at baka mapahiya lang ng dahil sa akin si Meast. Matapos magbi

