Tulala ako nang magising kinabukasan. After what happened last night, hindi ko alam kung paano ko pa pakikisamahan si Meast. May nararamdaman ako sa kaniya, but this is not enough reason to tolerate action that is immoral. "Kia? Gising ka na ba hija?" Napabangon ako nang pumasok si Tiya na may dalang isang baso ng gatas. "T-tiya? Para saan po 'yan?" "For you and for your baby, hindi mo dapat pinapabayaan ang sarili mo." "Pero, hindi niyo naman na po kailangan gawin 'to." "Ano ka ba hayaan mo ako, wala naman akong magawa kaya aalagaan ko na lang kayo," Napangiti ako sa sinabi ni Tiya. Maswerte pa rin ako at may katulad niya sa buhay ko. "Siya nga pala, Sabado na bukas, gusto mo bang mamasyal? Sasamahan kita." "Naku! 'wag na po, alam ko naman na bumibisita kayo sa probinsiya, siguro

