01

1444 Words
Nakatulala lang ako sa napakagandang kwarto kung saan ako naroroon. Kanina pa ako nagising ng mabigat ang pakiramdam pero hindi ko magawang kumilos. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ang katawan ko, maraming parte ang sumasakit at parang ito lamang ang unang beses na nakapagpahinga ako. Hindi pa man ako nakakaayos ay may pumasok na agad na isang katulong, may bitbit itong tray ng pagkain, gatas at ilang mga hiniwang prutas. "Hija, kumain ka na muna." "S-Si Meast po?" "Nasa trabaho, maagang umaalis si Sir t'wing weekdays, namamalagi lang siya rito ng buong araw t'wing Sabado at Linggo." Sa pagkakaalam ko'y isang leader ng mafia si Meast, isang mafia organization na nagpapatumba sa mga mafia organization din. Isa iyon sa sekreto niyang nalaman ko noon, bukod pa do'n ay kilala siyang isa sa successful na business man sa buong Asia. His name was very known in business industry, alone with himself he built a kingdom he wanted. He's much powerful than you could ever imagine. Hindi biro ang impluwensiya at connections niya. Kaya marami rin ang takot na kalabanin siya sa kahit anong larangan, even my dad is afraid of him. He's a billionaire CEO of Schneider Real state and Developers. Marami pa siyang business bukod doon na hindi ko na magawang banggitin. Madalas ko siyang makita sa mga magazine, may isa pang magazine na halos puro tungkol sa kaniya ang laman. Hindi ako makapaniwalang nasa lugar niya ako ngayon. "Ano ba'ng nangyari sa 'yo? No'ng iuwi ka rito ni sir kagabi basang basa ka't putlang-putla, napakarami mo ring sugat at pasa." "Nagkaroon lang po ng aksidente, sa bahay, saka—" hindi ko alam ang sasabihin, kung itatanggi ko'y hindi ko alam kung saan ako pupulutin. "Saka?" "P-Pinalayas po ako sa 'min." "Jusko paano kung hindi ka natagpuan ni Sir? E! baka napahamak ka na." "Laking pasalamat ko nga po no'ng dumating siya," nangingiting sabi ko habang inaalala ang kung paano ko siya nakita at kung paano ko siya nakilala noon. "Oh hala't kumain ka na muna," napansin ko ang braso kong may ilang band aid, malamang ay para sa mga galos ko mula sa kuko ni tita Alexis na tumama noong sampalin niya ako ng ilang beses. Habang kumakain ay hindi mawala sa isip ko ang pagaalala tungkol sa batang dinadala ko. "Maiwan na muna kita hija." "S-sige po, maraming salamat po rito." "Walang anuman kapag tapos ka na tawagin mo lang ako," Tumango lang ako at marahang tumango sa kaniya. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto kaya unti-unti ring nawala ang ngiti ko at natulala sa kawalan. Hindi ko maaaring sabihin sa kanila kung ano ang meron sa akin. I need shelter, food, clothes, money, and protection. Hindi ako makakapayag na makawala rito. I need to stay, and Meast could help me. Titiisin ko lahat ng posibleng mangyari basta ang mahalaga manatili ako rito. I won't tell Meast about my pregnancy, kahit ilang buwan lang habang hindi pa ako makaipon kailangan ko siya. Kahit maging katulong niya lang ay papayag ako at kapag nakaipon na ako, ay magpapakalayo-layo na ako sa lugar na ito at ipagpapatuloy ang pagbubuntis ko. Nang makatapos ay pumasok muna ako sa bathroom at nagulat ako ng matitigan ang sarili ko. Halos tumulo na lang ang luha ko ng makita kung gaano kamiserable ang naging buhay ko sa puder nila. I have bruises on the sides of my lips, may cuts din do'n at ilang galos sa pisngi kong namumutla na. Isama mo pa ang pamamaga ng mga mata ko sa kakaiyak at pangingitim ng ilalim no'n na nagmistulang mata ng panda. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang inaalala lahat ng pinagdaanan mula noon. Ito ang unang beses na nakawala ako at kailanman wala na akong balak pang bumalik. Iisa na lang ang mayroon ako at iyon ang anak ko, tawagin na akong manggagamit o gold digger pero kung kinakailangang kumapit ako sa patalim kakapit ako para mabuhay kaming pareho. Nag tooth brush lamang ako at piniling bumaba, suot pa rin ang pajama na medyo malaki, natitiyak kong panglalaki iyon at isipin ko pa lang na kay Meast iyon ay nasisiyahan na ako. Marahan ang ginawa kong pagtapak sa marmol na sahig, wala akong sapin sa paa na hindi ko na inalintana. Nagulat pa ang katulong na nagdala ng pagkain sa akin kanina. "Naku! sabi ko naman sa 'yo tawagin mo na lang ako." "Hindi na po kaya ko naman nang bumaba." "Kiara?" nanigas ako bigla sa narinig na boses. Tila bumagal ang lahat at unti-unti kong nilingon ang matandang titig na titig sa akin ngayon. Tulad ng dati'y nakasalamin pa rin ito at ayon nanaman ang pagkakapulupot ng medyo gray na niyang buhok, mukha siyang isang terror na professor sa ayos niya ngunit mabait naman siya ng sobra. "Tiya Ysabella?" hindi pa rin ako makapaniwala. Agad akong naglakad papalapit sa kaniya at niyakap siya. "D'yos ko! Ikaw na bata ka anong nangyari sa 'yo ha?" "H-hindi ko p-po kayang sabihin, pero masaya po akong m-makita kayo ulit." "Ako rin naman, ilang taon din kitang hindi nakita." "Si Mavis po ba? Nandito rin po ba siya?" umiiyak na tanong ko. "Nagpaiwan si Mavis sa Germany, tanging kami lamang ng kapatid niyang si Meast ang umuwi," Unti-unti akong nanlumo. Mavis is my best friend, she's Meast's half-sister, his younger sister. "Aunt, I told you stop doing the—" biglang nawala sa pandinig ko ang malamig at makamandag na boses na iyon na kilala ko kung sino ang nagmamay-ari. Unti-unti ko siyang sinilip at nagtama ang paningin naming dalawa. Plantsado ang mukha nito at walang kakunot-kunot ang noo, wala ka rin mababakas na emosyon at isang tingin mo lang sa mukha niya ay alam mong napakasungit na. Tulad pa rin talaga siya ng dati. "Hayaan mo na ako hijo, ito lang naman ang magagawa ko rito sa bahay mo para makatulong." "Fine but if Mavis finds out, she will curse me." "Hayaan mo siya, hanggang gano'n lang naman ang kapatid mo sa 'yo." "How are you feeling?" baling nito sa akin na kinalaki ng mata ko sa gulat. "O-okay naman na." "Follow me to my office," Sumenyas si Tiya na sumunod na ako, kaya natataranta akong napahabol sa nakapamulsang Meast, pilit ko siyang pinapantayan at inaaninag ang mukha ngunit nanatiling deretso ang tingin niya ng hindi man lang ako pinapansin. "What happened?" iyon ang bungad niya sa akin ng makapasok kami sa library niya. Sumandal siya sa kanyang table at nakapamulsang tinitigan ako. Napahinto ako at napayuko while playing with my fingers. Inabutan ako ng kaba, pagdating talaga sa kaniya feeling ko nagmumukha akong tanga. "A-Ano kasi p-pinalayas ako s-sa bahay." "Where did you get those bruises?" "N-nagalit kasi sa 'kin step mother ko." "Madalas ka nilang sinasaktan?" Umiling ako. "Go home," napaangat ako ng tingin at muling nagtama ang paningin namin. Marahan akong naglakad palapit sa kaniya at huminto sa harapan niya habang umiiwas ng tingin. He's intimidating, hindi ko matagalan ang klase ng mga mata niyang sobrang lamig, bagay sa kaniya ang asul na buhok niya. "A-Ayoko nang u-umuwi." "Why?" Umiling ako habang naiiyak na. "Huwag mo na akong p-pabalikin, promise! Promise lahat gagawin ko, lahat ng gusto mo. Wala na rin kasi akong mapuntahan, I-I can be one of your maids—anything, just please let m-me stay?" Alam ko marami naman akong matitirahan na boarding house. Makakapag apply ako ng trabaho, pero hindi ako safe sa labas. Meast is my best friend's brother, kaya panatag ako sa kaniya kahit hindi kami ganoong magkakilala, kahit hindi na niya ako kilala. Naramdaman ko ang mariin niyang pagtitig na tila pinoproseso ang sinabi ko at nag-iisip kung tatanggapin niya ang hiling ko. "Let's have a deal then." "A-Ano 'yon?" "Be my personal maid. You'll do everything I want you to do. You'll make me my breakfast and dinner, you'll wake me up in the morning, you'll wash my clothes and clean my room, plus the extra services, of course, when I need you to come with me." Tumango-tango ako. "O-Okay lang sige gagawin ko," mukha na siguro akong desperada pero malaking opportunidad na ito. "In return, I'll pay you ten thousand a week and everything here is free for you. You can also take that room and add twenty thousand for extra services. Is that okay?" "O-okay na okay, ngayon na ba ako magsisimula?" Excited na tanong ko kaya tinaasan niya ako ng kilay. "I just have one rule for you." "Ano 'yon?" "You're not allowed to ask me about my personal life and whereabouts, deal?" "Deal," Nakangiti kong sagot sa kaniya habang siya'y nanatiling walang emosyon habang nakatingin sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD