Ngingiti-ngiti akong nakatayo malapit kay Meast, habang abala ito sa pag t-trabaho. Grabe ang gwapo-gwapo niya! Especially when he's stretching his neck, at bahagyang nagugulo ang midnight blue niyang buhok.
Napaawang ang bibig ko nang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya, bahagya iyon na magkahiwalay habang tutok na tutok ang mata niya sa kanyang laptop.
"My phone... " napansin ko ang kamay niyang nakalahad sa direksyon ko, kaya naman namumungay ang mata habang nakangiting lumapit ako at nilapat ko roon ang kamay ko. Bahagya niya iyong nahawakan bago ako nilingon ng kunot ang noo. Tiningnan niya ang kamay naming magkahawak. Agad niya 'yong binitawan at kunot-noo akong tiningnan.
"Cellphone ko Kia, cellphone ko at hindi kamay mo," Napaayos ako ng tayo sa masungit niyang pagsalita, natatarantang kinuha ko ang phone niyang nasa kabilang nightstand pala saka 'yon nahihiyang inabot sa kaniya. Aish! Nakakahiya, ano ka ba naman Kia?!
Pinilit kong hindi siya titigan pero hindi ko maiwasan. Hands on na hands on siya sa pag t-trabaho.
"Sir, gusto niyo po ba ng meryenda? Igagawa ko kayo." alok ko, dahil tapos na rin naman ako sa pinagawa niya sa aking pag-ayos ng mga files niya.
"Go on," tipid na sagot niya na agaran kong sinunod. Bumaba ako sa kitchen at naabutan si Tiya Ysabella na abala sa pagluluto.
"Oh Kiara, may iniuutos ba si Meast?"
"Nag volunteer po akong igawa siya ng meryendahan," kumalam ang tiyan ko sa gutom, lalo na ng maamoy ang niluluto ni Tiya. Baby gutom ka na ba?
"Gusto mo bang kumain muna?"
"P-po? Pero baka ho kasi magalitan ako ni sir."
"Masyadong busy iyon, bilisan mo na lang ng kain."
"S-sige po," feeling ko kasi kapag hindi ako kumain, maglalaway lang ako kaya pumayag na rin ako, hindi pwedeng magutom ang baby ko. Pinaghain ako ni tiya ng niluto niyang pasta, mayroon din siyang inihain na peach mango pie at iginawa na rin niya ako ng coffee frappe kaya talagang tuwang-tuwa ang tiyan ko.
Halos lumobo ang magkabilang pisngi ko sa rami ng sinusubo ko, dahil na rin sa pagmamadali ng biglaan na lang may pumasok sa kitchen. Nabitawan ko ang kutsara at naiwan ang kakasubo ko pa lang na pasta sa bibig ko, dahilan para lumobo ang pisngi ko habang nakatingin sa lalaking salubong na salubong ang kilay habang nakatingin sa akin.
Fuck!
"I thought you were going to prepare my meryenda?" Nalunok ko ng wala sa oras ang 'di ko pa nangunguyang pasta sa kaba.
"N-nagutom po kasi ako, s-sorry."
"Ay hayaan mo na hijo si Kia at masipag naman 'yan, oh eto sabay na kayong kumain," Salubong pa rin ang kilay ni Meast nang umupo ito sa harapan ko at pinakatitigan ako.
"Next time, don't make me wait, understood?"
"O-opo." 'Di na ito nagsalita at tahimik na lang na kumain. Medyo nahiya na ako kaya konti na lang ang sinusubo ko. Kunwari mahinhin kasi nasa harap si crush. Baka kung ano isipin niya sa akin. Hindi naman na ako nito tiningnan at derederetso lang kumain, bago tumayo saka uminom ng juice at agad na umalis ng walang sabi-sabi.
"Pagpasensyahan mo na hija, masungit talaga ang batang iyon. Lalo na sa mga babaeng 'di niya type." Aray! Grabe naman itong si Tiya mapanakit.
"E! Ano po bang type niya?"
"Hindi ko rin alam, wala naman 'yang sineseryoso. Pero sigurado akong hindi katulad mo." Another ouch!
But, really? Tama pala 'yong naririnig ko dati sa kaniya, marami siyang nakaka one night stand na babae, at nagiging fling, pero wala siyang sineryoso. Napakapihikan daw kasi pagdating sa babae at ang hirap abutin ng standards.
Oh e'di siya na, akala mo naman perfect siya! Pero ang gwapo niya! Sana kung lalaki si baby ko maging kamukha niya. Napangiti ako sa kagagahan ko. Pag kaya siya ang pinaglihihan ko, maging kamukha kaya ni baby ko?
Fuck it Kia ano bang iniisip mo?
Matapos kumain ay agad akong umakyat para silipin ang suplado kong boss at nahuli ako nito agad na siya namang kinakaba ko. May kausap ito sa phone ngunit nanatiling salubong ang kilay habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at marahang pumasok.
Mayamaya lang ay tapos na niya ang pakikipagusap kaya agad niya akong nilingon.
"I need your help."
"Ano po 'yon?" Mabilis akong lumapit sa gilid niya at tiningnan ang kung anong ituturo niya.
"See these documents?"
"Yes, sir." Tumango ako ng ilang beses habang sinasabi iyon at nakatutok sa screen ng laptop niya.
"I want you to check it word by word. Siguro naman kaya mo 'yon 'di ba?"
"Yes sir! Nag-aaral po ako ng architecture e!" Kumunot ang noo niya ng sabihin ko iyon kaya awkward akong napangiti na hindi naman niya pinansin at inabot na ang laptop niya. Naalala na kaya niya ako?
Ako 'to Meast! Si Kia! Best friend ako ni Mavis... 'di ba?
"If you encounter errors, you can edit it."
"Yes sir."
Hindi na siya sumagot pa kaya agad akong dumeretso sa side kung nasaan ang couch at coffee table. Tutok na tutok ako sa ginagawa habang madalas na humahakay, hanggang sa makaramdam ako ng antok ngunit pilit kong tinatapos iyon.
"Kia," konti pa Kia, malapit na 'wag ka aantukin.
"Kiara!"
"Ay gwapo!" halos tumalon ang puso ko sa gulat at nanlaki bahagya ang mata niya, na agad nawala at napalitan ng kunot niyang noo. Sapo ang dibdib na nilingon ko si Meast at awkward na ngumiti.
"Sorry Sir, bakit po?"
"Done?"
"K-konti pa po Sir, kailangan mo na po ba ngayon? Bibilisan ko na po."
"It's already lunch, get my lunch first... " Mabilis akong tumayo.
"Sige po, a minute sir promise babalik ako agad," Sumaludo ako sa kaniya na hindi naman niya pinansin, kaya agad na akong bumaba. Hindi ko roon naabutan si tiya kaya si Yaya Emma ang nakatulong ko. Makalipas ang ilang minuto ay agad akong umakyat bitbit ang tray at akma na sanang papasok ng makarinig ng usapan mula sa loob.
"Meast please! Tayo na lang ulit please!"
"Can you tell me why we had an affair?" puno ng lamig ang boses ni Meast, na natitiyak kong napakasakit sa part no'ng babae. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.
"I—I asked for it."
"Yeah exactly, you asked for it, anong tinatahol mo d'yan? It wasn't my idea. You're not even my type, so leave."
"Please, Meast! Kahit slave mo na lang, papayag ako—gagawin ko kahit ano just please! Take me back!" The girl was crying, hindi ko alam kung maiinis ako sa kaniya o maaawa.
"I said leave." He's indeed a very cold-hearted guy, as I've ever met. Aksidente kong naitulak ang pinto dahilan para mapalingon sila sa akin, bumaling ang tingin ko kay Meast na napalingon sa akin at buong akala ko'y magagalit siya kaya alangan akong napangiti.
"W-Who's that g-girl?" Ako? Bebe niyang iniiyakan mo, char! Ang harot!
Natahimik ako at 'di alam ang sasabihin, gusto ko sanang sabihin na maid ako ni Meast, pero naunahan na ako nito nang palapitin niya ako, kaya nilapag ko ang tray ng pagkaing dala ko at marahang lumapit sa kaniya. Pinanood naman ng babaeng lumuluha pa rin. Mukha naman siyang mayaman, actually para siyang modelo pero bakit pinipilit niya ang sarili niya sa lalaking ayaw na sa kaniya?
Magtatanong pa sana ako kay Meast kung bakit, nang mabilis niya akong hilahin paupo sa kaniya na agad kong kinayakap sa balikat at leeg niya sa gulat, with my eyes widened and staring at his face.
"She's my girlfriend now," Marahan kong nilingon ang babae, habang gulat na gulat pa rin sa sinabi ni Meast. A-Ano raw? G-Girlfriend? Bakit parang pinamulahan ako sa narinig? Lutang pa rin ako at pilit pinoproseso ang nangyayari? Mukhang gulat din ang babae sa narinig, kaya napatingin ito sa akin na tila kinikilatis ako.
"S-Siya?! Girlfriend mo?! Meast, is that a joke? Meast naman! I won't believe you, ni hindi man lang niya naabot ang standard mo. I know she's not your kind of girl!" Naramdaman ko ang isang kamay ni Meast na umabot sa pisngi ko. He cupped it using just his one hand, making my lips a little bit pouted. Kinabahan ako sa tila binabalak niyang gawin pero hindi ako makagalaw.
"You want me to prove to you that she's my kind of girl now?" Walang mabakas na emosyon sa mukha ni Meast at titig na titig ako roon dahil hindi mo talaga malalaman kung totoo ang sinasabi niya o hindi. It was like slow motion when he slowly looked down on me as he stared at my lips.
When he said, "Part your lips," my eyes became uneasy. Hindi ko alam kung saan ako titingin at nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa niyang mata habang lumalapit ang mukha niya, and when our lips were almost touching, that's when we heard the violent sound of the door closing.
Mabilis niyang binitiwan ang bewang ko dahilan kung bakit muntik na akong matumba, buti na lang ay napayakap ako agad sa leeg niya. Bumagsak ang tingin niya sa akin, with his brows shut and pursed lips.
"Get up," Mabilis akong napatayo sa sinabi niya, at agad na lumayo na animo'y biglaang nakuryente. Hindi na ako nito pinansin at mabilis na binalik ang tingin sa laptop niya.
"S-Sir." hindi niya ako pinansin.
"Sir!" Mas malakas na tawag ko.
"That's extra service, don't worry deal is a deal," nagulat ako sa sinabi niya bago niya ako nilingon kaya bahagya akong napaatras.
"What is it?"
"Iyong lunch niyo po, baka lumamig," Tumango lang siya sa akin.
"You can go now." I'll just call you if I need you," Mabilis akong tumango at ngumiti bago naglakad palabas, sapo ang dibdib dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
Kia, get a hold of yourself. You can't feel anything towards him. Accidentally, my hand finds its way to my tummy.
You can't Kiara, you're carrying someone else's baby.