Nagising ako mula sa kalagitnaan ng pagtulog nang makaramdam na tila gusto kong kumain ng isang partikular na pagkain. Mabilis akong bumangon at marahang naglakad pababa, ingat na ingat na hindi makagawa ng ingay.
Nang makapasok sa kusina'y kinapa ko ang switch para buksan ang ilaw, pagkalapit ko pa lang do'n ay bigla akong nabangga sa isang padir, napakapit ako roon at mahinang napadaing, ngunit napaatras din naman ako ng paghigpit ng kapit ko roon ay naramdaman kong tila damit ang nahawakan ko.
S-Sinong?
Bago pa man ako makagawa ng ingay, ay agad na nabuhay ang ilaw at sumalubong sa akin ang malalamig na mga mata ng lalaking may asul na buhok, habang nakasandal sa padir at nakatingin sa akin.
"It's already past midnight, Kia."
"N-Nagutom po kasi ako sir, naabala ko ba kayo? Nakakagulat ka naman kasi, bakit ba hindi ka nag iilaw dito?" Nilibot ko ang paningin at nakitang kakakain lang niya ng vanilla cake. Agad akong lumapit doon at tiningnan kung may tira pa, ngunit mukhang naubos niya. Nagtingin din ako sa loob ng ref ngunit wala na talaga. Nanlulumo akong napalingon muli sa cake at tila naiiyak sa isiping ubos na.
"What's the problem?"
"W-Wala na po bang cake?" Tinaasan niya ako ng kilay ng umangat ang tingin ko sa kaniya. I sniffed, nanlaki ang mata niya sa nakita ng unti-unting tumulo ang luha ko. Napaayos siya ng tayo dahil doon at mukhang 'di na alam ang gagawin.
"W-What the? You're crying over a cake? " hindi ba obvious sir? Pinaglaruan ko ang gayad ng damit ko habang sumisinghot at pinipigilan humikbi.
"Gusto ko lang naman kumain ng cake, " nahihiya at halos pabulong na sabi ko.
"Bukas magpapabili ako kay Yaya Emma."
"Gusto ko ngayon!" parang batang pag r-reklamo ko, na kinabahala niya dahil sa lakas na ng iyak ko. Mabilis niya akong nilapitan at nag-aalangan pa itong hawakan ako sa balikat.
"Calm down. Marami na'ng tulog ano ka ba?"
"C-Cake, I really want cake, p-please."
"At t-this hour?" Tumango-tango ako at hindi pa rin tumatahan.
"Come on, stop crying, baka magising sila at isiping pinapaiyak kita."
"Gusto ko ng cake, 'yong ganyan oh," Hinawakan ko ang gayad ng damit niya, at pinakatitigan niya ako bago nakokonsumisyong napahilot sa pagitan ng kilay niya.
"Stop crying, I'll call someone to buy you cake," nagningning ang mga mata ko at mabilis na nawala ang mga luha kong kanina lang ay ayaw paawat.
"Rosh, buy me a cake."
"H-huh?"
"I said, buy me a cake."
"Meast sigurado ka ba? Sa ganitong oras talaga? Akala ko pa naman mission ang ipapagawa mo."
"Yeah, and yeah, it's your mission. Kapag 'di mo nagawa, trabaho mo mawawala."
"Nakakatol ka ba? Saan naman ako hahanap ng isang buong cake ng ganitong oras? It's already one in the morning."
"Buy me one and deliver it here or you're fired."
"Meast naman! Napaka imposible naman kasi—cake talaga?"
"Yeah, cake and vanilla flavor. Buy me now or goodbye later? "
"Ang lakas ng trip mo pre, pero sige wait lang hahanap ako ng bukas na shop."
"Make it fast, make sure masarap."
"Oo na oo na, shete! Ano ba naman kasi—cake?! Seryoso?! Kailan ka pa naging adik sa cake?"
"Bumili ka na lang!"
"Oo na eto masyadong high blood," iyon ang narinig ko sa usapan nila at habang may kausap siya'y pasulyap-sulyap siya sa akin at sinasamaan ako ng tingin. Naiilang akong ngumiti sa kaniya ngunit nanatili lamang na poker face ang mukha nito. Nahihiya ako pero hindi ko mapigilan ang sarili. Ngayon ko lang na-realize kung anong nagawa ko. s**t Kia! Ang demanding ng dating mo, alalahanin mo wala ka rito s his sister's best friend. Andito ka kasi personal mutchacha ka niya.
"Happy?" sumisinok-sinok pang napatango ako sa kaniya.
"T-Thank you sir," he just shook his head before massaging the bridges of his nose. Hindi ko alam kung ilang oras kaming naghintay, at medyo inaantok na ako ng may biglang bagay na lumapag sa harapan ko.
"Your cake," mabilis akong napangiti at agad na napayakap sa kaniya.
"Thank you, sir!" wala sa sarili na sabi ko at hinalikan siya sa pisngi bago hinawakan ang box at tinanggal ang pagkaka ribbon. Huli na ng maalala ko kung ano ang ginawa ko.
F-f**k! Did I just—
"Pre 'yong resib—" hindi natuloy ng lalaking kakapasok lang sa kitchen ang sinabi nang mapatingin ito sa akin, at tumingin kay Meast na nakahalukipkip at matatalim ang tingin na ibinabato rito.
"Uwi na ako, kailangan ko pa nga pa lang matulog muntik ko ng makalimutan, sige pre!" mabilis itong nawala, takot na baka masuntok ni Meast na agad namang bumaling sa akin.
"G-Gusto mo sir?"
"Ubusin mo 'yan," ngumiti ako at mabilis na kumuha ng kutsara at kutsilyo panghiwa ng cake, bago nagsimulang kumain at nilingon si Meast na naupo sa dulo ng table at may kung anong ginagawa sa cellphone.
"Ayaw mo ba talaga sir? Ang sarap promise," I extended my arm, holding the spoon with a small amount of cake. Kunot-noong nilingon niya ako at tiningnan ang kutsarang nakatapat na sa kaniya.
"No thanks," pagkasabi niya noon ay agad siyang tumayo at may kausap nanaman sa kaniyang cellphone, I giggled before I continue eating. Naubos ko iyon ng saktong kakatapos niya lamang sa pakikipagusap. Lumapit si Meast sa akin at salubong nanaman ang kilay na may kung anong pinahi sa magkabilang gilid ng labi ko na siyang kinagulat ko.
"S-Sir?" kinuha niya lahat ng pinagkainan ko at nilagay iyon sa sink. Bago muling lumapit sa akin at kinuha naman ang box para itapon.
"Okay ka na? Pwede ka nang matulog?"
"O-opo, sorry sa abala sir."
"Go upstairs, brush your teeth, and sleep," opo tatay. Napahagikhik ako sa isip at ngumiti sa kaniya saka masayang-masayang bumalik sa kwarto. Kahit paano mabait naman pala siya. I just brushed my teeth and really had a peaceful sleep that time.
Nagising ako ng 6 at agad na naligo saka nagbihis bago dumeretso sa kwarto ni Sir para gisingin ito."
Sir Meast?" walang nasagot, malamang ay tulog pa 'yon. Naabutan ko siyang nakadapa sa kama at kitang kita ang wala niyang saplot na pangitaas. Napanganga ako ng makita kung gaano kaganda at nakakaakit ang likod niya, well-toned at halatang madalas mag gym.
"S-Sir!" Ayaw gumising, I tried to touch his shoulder, marahan ko siyang inalog habang ginigising.
"Sir gising na po! Mahuhuli kayo," narinig ko lang ang mahina niyang pag daing bago binaon ang mukha sa unan.
"Sir! Gising naaa!" Kinuha ko ang isang unan at bahagyang hhinampas ang likod niya ng sa pangalawang beses ay agad niyang nahawakan ang kamay ko at nahila dahilan para bumagsak ako sa tabi niya. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko nang yakapin niya ako at iusog palapit sa kaniya saka niya binaon ang mukha sa leeg ko.
My eyes widened. I don't know what to do. Gusto kong umalis ngunit mahigpit ang yakap niya sa akin.
"S-sir—"
"Matulog ka na muna."
"Pero sir! May trabaho pa kayo!" Maya-maya ay napalayo ang mukha niya at unti-unting nagmulat. Bahagya siyang nagulat nang makita ako at mabilis na napabangon.
"I'm up! Ihanda mo ako ng almusal."
"O-opo... " natataranta na sabi ko bago nagmadaling lumabas. Kakaiba pala ang isang 'yon, nangyayakap? Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kalabog doon.
"Kia ayos ka lang?"
"O-Opo."
"Bakit parang pinagpapawisan ka?"
"A-a! nag exercise po kasi ako." palusot pa Kia.
"Igagawa ko na po ng almusal si Sir."
"Sige at ako'y magdidilig lang ng halaman sa labas," Iginawa ko ng almusalan si Meast at mayamaya lang ay nakita ko na siyang papasok bitbit ang coat niya.
Agad itong naupo at nagsimulang kumain ng hindi ako pinapansin. Matapos ay saka lamang niya ako nilingon at ayon nanaman ang epekto niya sa akin.
"Gagabihin ako mamaya kaya dapat bago ako makauwi nakapaghanda ka na ng hapunan ko," I nodded, biting my lips to forbid myself from smilling. Mukhang nawirdohan naman siya sa akin kaya napailing na lang siya at tumayo na para umalis. Inihatid ko siya ng tingin hangang sa tuluyan siyang makaalis. Napabuntong hininga na lang ako at pinigilan ang sarili.
Kia ano ba? Tumigil ka na nga? He was just your crush before, alright? This is a different situation. Hindi mo siya pwedeng magustuhan. Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili ko, dahil hindi ko na talaga gusto ang ikinikilos ng sariling katawan kapag malapit si Meast. He was just my college crush! Iba na ngayon, magulo ang buhay ko, hindi ako dapat magmahal ng iba habang hindi pa ako nabubuo.
Matapos ilagay sa sink ang pinagkainan ni Meast ay ako naman ang nag-almusal saglit para sa baby ko at pagkatapos ay naghugas na rin. Wala si yaya Emma dahil nasa grocery daw ito, nagtataka ako kung bakit wala ng ibang mga maids dito, dati raw kasi ay maraming maids dito ngunit ngayo'y natira nalang si Yaya Emma at isa pang medyo bata na hindi ko pa gano'ng nakikilala.
Matapos maghugas ay umakyat ako sa kwarto ni Meast para maglinis at namangha ako ng makita ang napakaraming medals at trophies niya.
He's an achiever— simple akong napangiti at napalingon sa side table niya, napansin kong nakatumba ang isang maliit na picture frame roon, kaya naisip kong ayusin ngunit nagulat ako ng makita kung ano ang nando'n.
'A picture of a girl with Meast.'
Nakaakbay siya sa babae at nakahalik siya sa noo nito. May kung anong kumirot sa dibdib ko lalo na nang makitang sa likod ng picture may nakasulat.'
The woman I want to spend my life with. My first in everything. I love you, Val.