Tulala ako matapos maglinis sa kwarto ni Meast. Tiya Ysabella tried to approach me, but I wasn't in the mood to respond. Palaisipan pa rin sa 'kin kung sino ang babaeng 'yon.
Sino siya sa buhay ni Meast? Nasaan na siya? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Is she the reason why Meast becomes cold or what?
I'm curious. At the same time, I felt like a thousand needles had struck my chest. Kung sino man ang babaeng 'yon, natitiyak kong malaki ang naging parte niya sa buhay ni Meast at nararamdaman kong hanggang ngayon, hindi ko man siya nakikita ramdam kong naroon pa rin ang parte niya sa buhay ni Meast, and I don't know if someone like me could be enough to be her replacement.
Because I feel like, no matter what, I will never be enough to replace her. She's always been there, somewhere inside of his heart. She's still in his life.
Kinagabihan ay wala pa rin ako sa sarili habang ipinagluluto si Meast ng kayang hapunan. Nagpresenta na si Yaya Emma at tiya Ysabella ngunit sinabi kong utos iyon sa akin ni sir, at kailangan kong sundin. Wala silang nagawa kung hindi mauna nang matulog habang ako'y piniling maghintay.
Alas nwebe nang marinig ko ang mga yapak ni Meast, agad akong bumaba mula sa pagkakaupo sa counter at mabilis na lumabas at salubungin siya ngunit nagulat akong ibang tao ang nadatnan ko ro'n. Huli na para magtago ako dahil agad niya akong nakita ng lumingon siya.
Sino siya?! Anong kailangan niya?! Mabilis niyang sinara ang sulong ng night stand na malamang ay hinahalungkat niya bago ako nilingon at mabilis na tinutukan ng baril. Agad akong namutla at nanlaki ang mata. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko at takot na napaatras.
I can't speak or call for help. Baka madamay pa ang mga kasama ko rito. Agad na dumapo ang kamay ko tiyan ko at napailing nang magsimulang maglakad palapit sa akin ang babaeng nakasuot ng suit, mahaba ang buhok na nakabraid sa gilid at nakasuot ng itim na maskara na tanging mata lamang niya ang makikita.
Nanginginig ang buo kong katawan at sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha ko. Napansin ko ang pagtingin ng babae sa tiyan ko nang mapansin niyang nakahawak ako roon at bumalik ang tingin niya sa mukha ko habang tutok pa rin ang baril niya sa akin.
"Don't speak about me, keep your mouth shut and pretend you didn't see anything, or else—I'll hunt you." Mariin na sabi niya na tanging kami lang ang makakarinig.
Agad akong tumango-tango habang umiiyak, kasabay ng pagbaba niya ng baril ay nakarinig kami ng sasakyang paparating kaya agad siyang nataranta saka mabilis na tumakbo papunta sa back door at doon lumabas. Naiwan akong tulala at patuloy na umiiyak hanggang sa bumukas ang pinto at nabuhay ang ilaw sa salas. Naabutan ako ni Meast sa parehong pagkakatayo tulad kanina at halatang gulat na gulat siya.
"What happened?" Mabilis siyang lumapit at tila sinusuri ako kung may masama bang nangyari.
"Why are you crying?" He tries to touch me, and when he finds out that I am shaking, his emotion changes into a dangerous one.
"Tell me, what exactly happened while I was gone?" ma-authoridad na sabi niya using his commanding voice, as my boss.
Umiling ako ng maalala, ang sinabi sa akin ng babae. Hindi ako makapagsalita, ni hikbi ay hindi ko magawa.
That was the first time I saw an actual figure of a gun at nakatutok pa sa akin, para akong natrauma sa naranasan kanina.
"Then why the heck are you crying and shaking? You're so scared and can't f*****g tell me the reason?!" halos mapatalon ako sa malalim at galit niyang boses. He pushed his midnight blue hair back, confused and irritated, as he stared at me.
"Quit crying when you don't want to tell me your s**t reason," malamig na sabi niya at mabilis akong iniwan doon. Agad na nanginig ang tuhod ko at nanghihinang napaupo sa sofa 'di kalayuan sa akin, nanginginig ang kamay na pinunasan ko ang mukha kong basa na ng luha.
Fuck! Paano ako magsasalita kung natutukan ako ng baril? Buong buhay ko, iyon ang unang beses na naranasan ko ang bagay na 'yon, 'yong pakiramdam na iyon na ang huling oras mo sa mundo at konting pagkakamali'y agad ka nang mabubura sa mundo. Hindi ako makapagsumbong dahil natatakot akong mapahamak kaming pareho ng anak ko.
Nagpapabalik-balik ang takot at pangyayari kanina sa isip ko at habang naaalala ko 'yon, hindi ko maiwasang hindi mabahala. Kung sino man ang babaeng 'yon, natitiyak kong may pakay siya kay Meast at may nais siyang makuha ngunit ng dahil sa'kin hindi niya nagawa ng maayos ang paghahanap.
Halos manigas ako ng makarinig ng yapak kaya takot na takot akong napakilos sa kinauupuan.
"Kumain ka na?" nakahalukipkip at masungit niyang tanong habang mariing nakatingin sa akin, tanging pagiling lang ang nasabi ko. "Let's eat," Nang hindi pa ako kumikilos ay agad niya akong hinila patayo.
"Come on, walang mangyayari sa 'yo kung magmumukmok ka dyan at hindi mo naman sinasabi sa 'kin kung napano ka."
I was staring at his hand holding my hand. When I felt his warmth, suddenly the fear vanished and was replaced by something I've never felt before. The security, the feeling that I am safe and secure. He makes me feel that, just with his warm touch.
"Sit down and eat with me," tinitigan ko ang mga nakahain nang pagkain na niluto ko kanina na malamang ay siya ang naghain. May dalawang plate sa magkatabing parte. Marahan akong naupo at pinagmasdan ang kilos niya, ngunit hindi naman niya ako tinatapunan ng tingin.
Kapag ba sinabi ko sa kaniya, magiging safe ba ako? P-protektahan niya ba ako? 'Di ko mapigilang itanong sa sarili.
We started eating, at tila nawala sa isip ko ang nangyari nang matikman ko ang pagkain na kanina ko pa gusto kainin, kaya e'to rin ang niluto ko dahil natatakam ako rito. Pansin kong napapasulyap siya sa akin, dahil sa paraan ko ng pagkain na halos mapuno na ang bibig. Mayamaya ay may naglapag ng tubig sa harapan ko at napansin si Meast na papaupo na ulit.
"Baka mabulunan ka at makalimutang nginunguya ang pagkain at hindi basta nilulunok," Napangiti ako ng bahagya at nahihiyang napaiwas ng tingin.Mabilis kong nilunok ang nasa bibig kong pagkain bago nagsalita. "Pasensya ka na sir ah, gutom na gutom na po kasi talaga ako."
"Bakit hindi ka pa kumain kanina?"
"Hinihintay kita, wala ka kasing kasabay kumain," natigilan siya sa sinabi ko pero mas pinili niyang tumango at bumalik sa pagkain. Alam ko rin kasi ang pakiramdam nang mag-isa kang kumakain ng ganitong oras. Madalas ko iyong maranasan.
Matapos kumain ay nagpresenta na akong maghugas, akala ko'y aalis na siya ngunit nanatili siyang nakasandal sa gilid ng pinto hanggang sa matapos ako sa ginagawa. Nagpunas muna ako ng kamay at taka man ay agad na rin akong lumabas at sumunod siya matapos patayin ang ilaw sa kusina. Tahimik kaming unakyat sa hagdan at napahinto ako sa harap ng pintuan ng kwarto niya.
"Want to tell me something?" Nakapamulsa niyang tanong umangat ang tingin ko sa mukha niya para magtama ang paningin namin, humigpit ang hawak ko sa gayad ng t-shirt na suot ko at doon ikinuyom ang dalawang kamay ko nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi.
"Kasama ba sa deal natin ang siguridad ko?"
"You're in my territory, whatever happens to you is my responsibility."
"K-kanina..." kumunot ang noo niya ng magsimula ako.
"So, something really happened?" tumango ako ng marahan at agad na napakagat labi.
"M-may, may narinig akong yapak t-tapos akala ko ikaw na kaya lumabas ako ng kusina..." Putol-putol na sabi ko ng magsimula nang bumuhos muli ang mga luha ko.
"Then?"
"I saw a—"
Don't speak about me, keep your mouth shut and you didn't see anything, or else—I'll hunt you.
"A g-ghost," f**k! I'm sorry.
"Ah, what?"
"G-ghost," ang tingin ko sa kaniya ay nawala at ang kunot niyang noo ay nawala at ang curious niyang mukha ay biglang naging blanko.
"You're just imagining things, aren't you? You're creating your own fear. Matulog ka na baka masyado kang pagod, " Nilampasan niya ako at akma na sana siyang papasok nang mabilis ko siyang yakapin mula sa likod.
"Thank you for coming home that time," kung hindi ka dumating agad, baka—baka nakagawa na ako ng isang bagay na siyang ikapapahamak ko. Hindi siya nagsalita o gumalaw man lang.
"Please, protect me," I don't know if he hears that, but I am hoping for it.
"Sleep now, Kia, you have me. You're in my territory. What's in my place is all under my protection. I will protect you."