"Saan ka galing!?" matalim na boses ni Clyde ang sumalubong kay Regan pagpasok at pagkasara niya ng pinto. "H-Hi! Gising ka na pala. May dala akong crossaint for you, gutom na rin ako. Sabay na tayo," sa halip ay tugon niya. Pinilit niyang ignorahin ang tanong nito dahil kinabahan siya sa tono ng boses nito. Dumeretso siya sa kusina at kumuha ng plato saka isa-isang inilabas ang dala mula sa paperbag at inilagay roon. Nasa tapat siya ng microwave at kakapasok pa lang niya ng pagkaing dala nang maramdaman ang marahas na paghatak ni Clyde sa braso niya. "I'm asking you! Where the hell did you go?" madilim ang buong mukha ng lalaki at maging ang pagtatanong nito sa kaniya. Hindi rin nakatakas sa paningin niya ang pag-galaw ng panga nito na halatang nagtitimpi ng galit. "N-Nasasaktan ako

