CHAPTER 80

1006 Words

Mataas na ang sikat ng araw nang maalimpungatan si Regan. Kaagad hinanap ng paningin niya si Clyde, at nang makita na nasa tabi pa rin niya ang lalaki at mahimbing na natutulog ay hindi niya maiwasan ang mapangiti. Magandang bungad ang gwapo nitong mukha para sa maaliwalas na umpisa ng araw. Kahit pa nga mukhang tanghali na. Sino ba naman kasi ang hindi aabutin ng tanghali kung halos buong gabi kayong gumawa ng milagro na tila mga walang kapaguran.  "s**t!" mahina siyang napamura. Kagat ang sariling labi na umibis sa kama. Naalala niya ang re-schedule niya sa OB, at ngayon iyon. Hindi na niya iyon maaarin i-postpone ulit dahil malilipasan na siya ng check-up na siyang hindi niya pwedeng hayaan na mangyari lalo pa at iniingatan na niya ang pagbubuntis para hindi na ulit mangyari ang kinata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD