Napakalawak na field ang bumungad sa paningin ni Regan pagkababa niya ng sasakyan. "Thank you," excited niyang sabi sa asawa dahil ito ang nagbukas ng sasakyan para sa kaniya. Hinagip din kaagad nito ang kamay niya at naglakad sila nang magkasabay patungo sa karamihan. May magandang resthouse sa hindi kalayuan at doon rin patungo ang karamihan. Ilang metro lang ang layo nito sa pinaghintuan ng mga sasakyan nila kaya nilakad na lang nilang lahat iyon. At hanggang sa makarating sila roon ay hawak nito ang kamay niya. "Napagod ka ba?" tanong kaagad nito sa kaniya kaya naman nilingon niya ito nang may pagtataka. "I just walked a few meters from the car, baby. Ano ka ba?" natatawang saad niya. Nagtatawanan ang mga nauna sa kanila. Tanaw kaagad niya si Celestine at si Rondelle na tinutulu

