Maaga silang dalawa gumising kinabukasan dahil maaga rin na nangbulahaw ang mga kaibigan ng asawa niya. Mas mabuti raw kasi na maaga silang pumunta sa rancho dahil mamaya ay tirik na naman ang araw at hindi na masarap mamasyal. Balak din nilang pumunta sa tabing dagat na nabanggit ni Celestine kahapon sa kanila habang kumakain. Excited siya at masigla, dahil bukod sa masaya ang puso niya ay magaan din ang pakiramdam niya ngayon kahit na pagod siya dahil sa buong gabi nilang kalukuhan ng asawa. Sabay-sabay ulit silang nag-aagahan sa tabi ng malaking pool sa may likurang bahagi ng hacienda. Masasarap ang pagkain na luto marahil ng asawa ni Rondelle. Katabi niya si Cenna sa kaliwa at ang asawa niya na busy sa pakikipag-usap kay Alas ang nasa kanan niya. Ang iba naman ay kanya-kanya rin ng k

