It wasn't Clyde's intention to force his wife to wear that piece of garments. At hindi importante sa kaniya magsuot man o hindi ng sexy ang asawa niya. Gusto lang niya itong subukan at gusto lang din niyang magkaroon ito ng confidence sa sarili nito pagdating sa ganoong mga bagay. Napansin kasi niya na ikinukumpara nito ang sarili sa mga asawa ng kaibigan niya. Gusto lang niyang makita nito na hindi nito kailangang mag-isip na may kakulangan ito bilang babae dahil para sa kaniya ay sobra-sobra pa ito. Maganda si Regan at kung sa katawan lang din ang pag-uusapan ay hindi ito pahuhuli dahil nakita naman niya ang kabuuan ng asawa niya. Hindi lang iyon masyadong pansinin dahil na rin sa choice nito sa pananamit na pabor naman para sa kaniya. Ayaw kaya niya na humahatak ng atensyon ng ibang lal

