"Bilisan mo na ngang magbihis, maiiwan na nila tayo!" sigaw sa kaniya ng asawa. Nataranta kasi ito matapos silang abalahin ng katok mula sa labas. Aalis na raw kasi at sila na lang ang hinihintay. "Relax baby, nandito na tayo sa ranch. Hindi na tayo maiiwan. I think sa barn lang naman sila pupunta at kaya naman nating lakarin 'yon," aniya sa asawa dahil natatawa sa reaksyon nito. Nagkumahog ba naman itong magbihis nang makarinig ng katok kaniya. Mabuti na nga lang at tapos na sila dahil kung hindi, malamang baka umalis ito sa ibabaw niya dahil sa pagkataranta. And he won't let that happen. Ano siya hilo. Hahayaan pa naman niyang mabitin, samantalang kanina pa siya nagtiis sa sasakyan. Hell no! "Ah basta! Bilisan mo na, nakakahiya sa kanila baka sabihin kung anu-ano pang ginagawa natin d

