"What took both of you so long?" salubong na tanong sa kanila ng kaibigan ni Clyde na si Alas. Katabi nito ang magandang asawa na nakilala niya sa pangalang Maita, kanina. Maita looks nice naman, mukha nga lang itong sosyal at yayamanin kaya medyo nag-aalangan siyang makipagkwentuhan hindi katulad sa asawa ni Rondelle na mahahalata mo talagang mabait at magiliw sa bisita. "Kanina pa namin kayo hinihintay, nauna na kami kasi excited na rin ang mga bata," dugtong pa nito na itinuro sa kanila ang anak nito na kalaro ang anak ni Rondelle na si Gael. The two kids seems so close to each other katulad ng mga tatay ng mga ito. Hindi tuloy niya naiwasan ang maisip ang anak nila paglabas nito. Kung babae ba iyon o magiging lalaki tulad ng mga anak ng mga kaibigan ng asawa niya. Sigurado kasi siyang

